What's the problem of this squid face? Pinili kong umakto ng normal at muling hinarap si Damon.
"Good afternoon Sir—master!" I greeted him na kinalingon ng ibang mga lalaking naka black suit sa direksyon ko. Damon stood straight and turned his back on me which makes me crunch my forehead. And now he's snob?
"Rene" Napalingon ako sa tumawag sa akin at naabutan ko si Manang Josie na nakatingin sa akin. Napailing na lang ako matapos sumulyap sa direksyon ni Damon, at nakangiting lumapit kay Manang Josie.
"Tulungan mo akong magluto ng hapunan, hindi raw makakauwi pa si Tess at Miray ngayon, baka sa Miyerkules pa sila."
"Po? Bakit daw po?"
"Si Tess ay kakasalin ang kapatid, si Miray naman may sakit ang ina. Walang mag-aalaga," I nodded my head as a response.
"Kung gano'n okay lang naman ho sa akin na ako na muna ang gumawa ng trabaho nila," Manang Josie nodded her head. Tahimik lamang kaming nagluto at naghanda ng kakainan ni Damon. We served his food right before he went down to eat and we stayed close in case he needed something. Ngunit mabilis lamang siyang kumain at umalis na rin.
Naiwan ako sa kusina matapos namin kumain ni Manang Josie. Ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Matapos ay pinili kong umakyat na para tumungo sa kwarto ng maaninag ko si Damon na pababa ng hagdan while trying to wear his leather jacket. Kumunot ang noo ko na hinabol siya nang tingin. Para lang akong hangin na nilampasan niya habang mabibilis ang yabag na lumabas ng mansion.
Why is he in a hurry? Saka...paborito niya ba ang black? Pansin ko lang. Lahat ng damit na sinusuot niya ay itim. Sando, long sleeve, coat, pants, shoes, everything. Napansin ko rin sa kwarto niya na pinaghalong puti, itim at gray. At bakit ba lahat napapansin ko?
Taka man ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang kwarto ko. I was about to enter the bathroom, ng may kung anong humihila sa akin patungo sa bintana, I even unconsciously opened the curtain only to see Damon riding a black Ducati Superleggera V4. Kasunod niya ang limang kotse na natitiyak kong laman ang ilang man in a black suit, which I suppose are his personal guards. Where is he going at this hour?
Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas nwebe na ng gabi. Habang malalim na iniisip iyon ay muli kong ipinagpatuloy ang dapat kong gawin. I took a shower and just dried my hair first. Nakasuot lamang ako ng isa sa mga night wear ko na madalas ko namang suot noong nasa Cambodia pa ako, kapag matutulog. It's too sexy, I am alone here though. I don't mind wearing something like this.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at kinuha ang isang box na itinago ko sa ilalim ng kama ko. Laman noon ang spare phone at laptop ko. I took it out and did some research about Damon. Pero tulad ng sinabi ni Fern sa akin, websites have limited information about Dankworth. Karamihan, basic information lang tungkol sa kaniya. Some are rumors, and the rest were all hidden.
I checked social media accounts, ngunit wala siya ni isa or maybe mayroon pero private. Napaka pribado niyang tao, and based on my judgement, ang mga taong ganito, do they want a peaceful life? Or hiding a secret the world doesn't need to know, or the world shouldn't know about.
Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa makarinig ako ng ugong ng mga sasakyan at sunod-sunod na yabag sa labas. Kaagad kong itinago ang mga gamit at sumilip muli sa bintana. Kumunot ang noo ko nang makitang nagkakagulo ang ilang personal guards ni Damon and there I saw him, bumaba ito mula sa kaniyang motor, he took off his helmet, hinuhubad niya ang kaniyang leather jacket habang naglalakad papasok sa mansion habang si Rommel naman ang nagbalik ng motor ni Damon sa garage.
Bumalik ako sa kama matapos sumilip at ng hindi makontento ay tumungo ako sa pintuan, I opened my door a little, at bahagyang sinilip ang dulo ng hallway kung saan tanaw ko si Damon na papasok sa kaniyang kwarto, nakasunod sa kaniya ang isa niyang tauhan. Mula rito pansin kong may kakaiba sa kaniya. He stopped in front of his room and ruffled his hair out of frustration? Medyo may kalayuan siya pero pansin kong tila ba galit siya at nagtitimpi, marahas siyang humarap sa tauhan at walang pag-aalinlangan itong sinuntok na kinasinghap ko. Akala ko'y iyon lang iyon ngunit mas nanlaki ang mga mata ko at napahatakip sa bibig when he started to beat him mercilessly. He wasn't as calm as I thought. I can see a different Damon now, or is this the real one?
Wala man lang balak umawat sa kaniya, kahit ang ilang sumunod ay nanuod lang sa ginagawa ng kanilang boss tila wala silang pakialam sa kahahantungan nito. Umalingawngaw ang mga daing ng lalaki, habang walang awa itong binubogbog ni Damon. My eyes watered in fear as my heart throbbed painfully when I saw him take out something and point it at the guy.
G-Gun... he was holding a...gun.
Calm down Kath, he wasn't serious about killing hi—my words in mind hanged when he suddenly pulled a trigger thrice. I can see no emotions on his face when he killed his own man. His name suits him. Tears escape my eyes in fear. At halos atakihin ako sa puso ng biglang dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Kahit madilim ay ramdam ko ang tingin niya sa akin, it's penetrating. Nanginig ang mga kamay na kaagad kong sinara ang pinto ng kwarto kung saan ako tumutuloy, ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko at matinding takot na nararamdaman.
Napahilamos ako sa sariling mukha at piniling mahiga na lang sa kama ko, pilit iniisip na baka bangungot lamang ang nakita ko. But that night, I was so sure, it was real. He killed someone, and I am the witness. The next day, I was thinking about what action I should take. Call a cop? Report what I saw? Will they believe me? I have no evidence. Hindi sapat na nakita ko lang. I was drowned in that thought when Manang Josie tapped my shoulder. That made me flinch.
"Napapansin kong, wala ka sa sarili? Ayos ka lang ba?" I nodded a couple of times, I can't even speak. Para akong na-trauma sa nakita ko kagabi. Hinayaan ako ni Manang Josie, but not until Rommel interrupted us.
"Miss Rene, the master wants you to see him in his office," my heartbeat doubled.
Lumingon ako kay Manang Josie, trying to get some strength. Nangatog ang tuhod ko na sumunod kay Rommel hanggang sa marating namin ang private office ni Damon. He let me in and closed the door, making sure I had no safe escape. Halos takasan ako ng dugo ng makita ko si Damon, ngunit unti-unting nawala ang kaba at takot na naramdaman ng malaman ko kung ano ang ginagawa niya. He's wounded and he's trying to cure it all by himself. Pinagmasdan ko siya sa ginagawa.
"S-Sir? I mean, master?"
"Sit down first, I will just finish this..."
"T-tulungan ko na po kay—" I was about to touch him when he glared at me.
"I said sit down first, Rene, I didn't tell you to meddle!" I pursed my lips at napapahiyang napaupo na lang sa couch. I watched him do it at hindi ko maiwasang hindi mamangha ng makitang tila hindi siya nasasaktan. After that, he just put on his shirt and stood up to face me. Muli akong binalot ng kaba ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin, hanggang sa huminto siya sa harapan ko.
"Tell me what you saw." f-f**k! How could he be so calm when I was here already trembling?
"I-I saw nothi—" I didn't finish my word when he cupped my jaw.
"Tell me what you saw," he repeated.
"M-master..."
"Tell me, Rene," mas mariin niyang utos.
"You k-killed one of your man," marahas niyang binitawan ang panga ko at mariing sinabunutan ang buhok bago ako muling hinarap.
"I will let you live after what you saw last night, but you have to conform to my rules starting today," I gulped.
"First, do not speak to anyone about what you witnessed. Second, don't ever cross the line. Third, don't meddle in my business, and mind your own. Last, pretend you don't know anything. That's how you'll live longer." I was about to talk when he glared at me.
"If you violate one of my rules, you will receive a severe punishment you'll regret."
"Master kasi—"
"You have no right to tell me your opinion. Your role was nothing but to obey. Is that clear?" I bit the bottom of my lip and nodded.
"Good, now get out." Mukhang pusit!
Mabilis akong lumabas ng opisina niya, at pinanood naman ako ni Rommel na bumaba pabalik sa kusina. Abot-abot pa rin ang kaba ko ngunit bahagya na 'yong humupa. I have some hunches already, but it wasn't clear yet, I need more evidence and information. It's too risky, but this is the only way for me to get a valid reason why I shouldn't marry him. Kapag nakuha ko 'yon, I will leave at hindi na ako kailanman magpapakita sa kaniya.
"Rene matapos nito ay ikaw na ang maglaba ng mga damit ni Master, kailangan kong mamalengke muna."
"S-sige po." Tulad ng utos ng matanda ay dumeretso ako sa laundry room. Naabutan ko roon ang panibagong grupo ng damit ni Damon at ng kunin ko 'yon isa-isa ay saka ko nakita ang damit niyang suot kagabi. Puno iyon ng dugo mula sa sugat na natamo niya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig doon hanggang sa may magsalita sa gilid ko.
"Clean my room. I will do that." Nagulat ako ng makita si Damon sa gilid ko. Hindi pa man ako nakakakilos ay yumuko na siya to get his clothes, maging ang hawak ko'y kinuha niya rin mula sa akin. Hindi ko maiwasang hindi siya panoorin when he started to wash his own clothes. I can see how his muscles flex and I can't imagine, I never imagined that he can wash clothes like this.
"What the hell are you waiting for?" napakislot ako sa pagsusungit niya kaya kaagad na akong lumabas. Tumungo ako sa kwarto ni Damon. That's when I realized something. Hindi niya pinapalinis ang kwarto niya so why he sent me here? I have no idea.
Inilibot ko ang paningin doon, pero wala naman akong dumi na makita. I took the chance to look for something ngunit walang ibang kahina-hinala sa kwarto niya.
"What are you doing here, maid?! Where's Dame?" Anaconda. Nilingon ko ito at wala sana akong balak pansinin ng batuhin niya ako ng...lipstick? Iritadong nilingon ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"What? Lalabanan mo ako? How rude!"
"Sinong bastos sa ating dalawa? Magtanong ka ng maayos, kung umasta ka parang ikaw ang nagpapasweldo sa akin."
"Ah gano'n? Saan ka ba napulot ni Dame at masyadong magaspang ang ugali mo? Ang katulong, lumulugar okay? Hindi nagmamataas, I can make Dame fire you in one snap, don't try me, b***h!" ang kapal!
"At sa tingin mo talaga mapapalayas mo ako rito? Eh kapit ka lang kay master! You wish!" I was about to leave ng mahablot niya ang braso ko at malakas akong nasampal.
"You poor s**t! Ang lakas ng loob mo na sabihin sa akin 'yon ha?!" ilang beses niya akong pinagsasampal at halos mamanhid ang pisngi ko roon, not until I caught her wrist. Mabilis kong napilipit ang kamay niya, which makes her scream.
Ilang beses na akong nagtimpi sa kaniya. Bwisit! Bakit ba ganito ang type ng fiancee ko? Napakapangit!
"Let me go!"
"Sa susunod na ituring mo kami na para bang palamon mo, sisiguruhin ko na 'yang matalas mong nguso, hahalik sa tinatapakan ko, hmm?!" diniinan ko pa ang kapit sa kaniya bago ko siya binitawan and she was glaring at me the whole time. Balewala ko siyang tinalikuran at kaagad na akong lumabas ng kwarto ni Damon. Siraulong Anaconda. Magsama sila ng mukhang pusit na 'yon!
I was about to enter the kitchen when I heard a voice, tila may kausap ito on the phone. I look around and hide, to listen.
"I didn't meet her."
"She didn't come, yeah. I don't think so. Whatever that woman's game is, I'm on it. I swear, matutuloy ang kasal. I was just letting her play her little game. Hide and seek, that's not too hard for me. I can find her in just a snap, but I am not going to do that. She'll come out." He stopped talking for a while. Maybe nagsasalita ang kausap niya.
"Yeah, after we get married, I will take over the position. I will be the one who will manage all of their businesses—Kael? He doesn't want to involve himself in their business. He will never be a problem. Right. Do what I told you and we're good. " Hindi ko na tinapos ang pakikinig at kaagad nang umalis.
What's the meaning of that? Siya na ang papalit kay daddy? Siya na rin ang mamamahala ng business namin after namin makasal? Is it all about inheritance? Does he want to get everything that my family has? Is that the reason why he's so eager to marry me?
. . .