Chapter 6

3949 Words
Buong gabi akong walang imik matapos marinig ang pakikipag-usap ni Damon sa kung sino. I'm confused and definitely not in a good mood. Damon's really hiding something. Or maybe my hunch is right. Mabuti na lang umalis sila ni Anaconda, walang makakapuna sa mga kinikilos ko. Si Manang Josie naman ay hindi rin naman ako masyadong napapansin dahil abala ito sa ginagawa. Matapos ng gawain ay bumalik ako sa kwarto ko upang magpalit. Wala na akong balak bumaba pa sa dami ng iniisip ko. Tumawag ulit si Kael ngunit hindi ko na ito sinagot. I am planning to change my number so they will never have a chance to contact me again. Baka mamaya ay ma-trace pa nila ako. Abala ako sa harap ng laptop ng makarinig ng tunog ng paparating na sasakyan. Out of curiosity, tumungo ulit ako sa bintana at sumilip, only for me to see Damon with Anaconda. Don't tell me, rito matutulog ang babaeng 'yan? Naiinis ako sa idea na 'yon, who the f**k is that woman in his life? Ano ba talagang papel niya? If he has her, why would he choose to marry me? Papakasalan niya ako, siya ang hahawak ng business namin? Tapos ano? Magbubuhay reyna 'yang babaeng 'yan? No way! Hangga't nabubuhay ako, hinding hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Padabog akong bumalik sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa. After that, I forced myself to sleep. Mas maaga akong nagising kinabukasan so I have more time to prepare Damon's breakfast. Ayoko siyang makasalamuha, lalo pa't alam kong dito natulog ang kabit niyang ahas. "Rene," I almost jumped when I heard Damon's voice. Speaking of the devil. Papasok pa lang sana ako sa kwarto ko, ang aga niya naman? Marahan akong pumihit para harapin siya. "Bakit ho master? May kailangan po ba kayo?" ngumiti ako sa kaniya, kahit sa likod ng nga ngiti na 'yon ay samo't saring mura na binabato ko sa kaniya. "Don't cook dinner for me later; I won't be home," I awkwardly nodded my head. "Oh, okay, po master. Ingat po kayo," sana 'di ka agad ipadala sa impyerno para mag-hari. I saw how his brows shut and angled his face as if he was trying to read me. "What's with your smile?" medyo natigilan ako sa sinabi niya. I don't know what to do if I keep smiling at him. O, aalisin na ang pekeng ngiti ko. "Why? What's wrong with m—" agad kong natutop ang sarili kong bibig. s**t! Bakit English?! Pero okay lang naman siguro, ang alam naman niya ay high school graduate ako. Shempre marunong ako mag english! Mas lalong kumunot ang noo niya, he was about to take steps when a woman's voice interferre. "Babe! Let's eat breakfast together," umasim ang mukha ko ng makita kung paano pumulupot sa katawan ni Damon ang manipis na kamay ni Anaconda. Bakit ang babaeng 'yan, para nang linta kung pumulupot sa kaniya, okay lang? 'Pag ako, tutulungan ko lang siyang gamutin—galit pa! Tsk. "Eat first Francine," haharap na sana ulit sa akin si Damon ng biglang halikan na lang siya ni anaconda sa harapan ko pa. Halos lumuwa ang mata ko sa nangyari. It was just a quick kiss though. I cleared my throat, kaya napunta sa akin ang attention nila. Halos isumpa ko na ang expression sa mukha ni Anaconda ng tingnan ako. Akala mo naman maiingit ako ew! Proud na proud pa siya sa lagay na 'yan huh. Tinalikuran ko na sila at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ano kayang ginawa nila kagabi? Of course, they did something right. God! Wala bang panapsi ang lalaking 'yon? I shook my head in disbelief. Hinintay kong marinig ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Damon, bago ako lumabas ng kwarto. Marahan kong tinahak ang pasilyo habang nagmamasid kung may nga tauhan ba siyang gumagala sa second floor ngunit nakita kong lahat ay nakapalibot lamang sa mansion. Bumaba ako saglit para kunin ang sisidlan ng labas upang magpanggap na kukunin lang ang mga sinuot niyang damit na naiwan kahit iba naman talaga ang pakay ko. Nang sandaling makapasok ay kaagad ko nang hinalungkat ang nga gamit niya, maging ang mga sulok ay sinilip ko na ngunit wala akong nahanap ni isa. Maybe it wasn't here, ilang tao kasi ang pinapapasok niya. Hindi kaya nasa, opisina niya? Lumabas na ako bitbit ang sisidlan at hinatid iyon sa laundry room bago ko piniling umakyat ulit sa second floor at tinahak ang pasilyo patungo sa kanuyabg private office. Good thing I found the spare key, kaagad ko 'yong nabuksan at napasok ng walang nakakapansin. I started to vacuum the floor first while simply roaming my eyes. Mukhang mas maraming mahahalagang papeles ang naririto. Umikot ako sa likuran ng swivel chair, niya and there I saw his table's drawers. Sumulyap ako sa bubog na pintuan ng office to see if someone's coming. Bago ko sinubukang buksan ang drawer and good thing, the other one was left unlocked. He might forget about it. Mabilis ko 'yong nabuksan only to see, na wala iyong laman. I gritted my teeth and continued what I was doing. Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Rommel na paparating. I focused on cleaning the floor, while listening to his footsteps. "Miss Rene?" maang akong humarap sa kaniya at ngumiti. "Oh Ro—Kuya Rommel!" "Ikaw na ang naka-assign dito?" napansin ko ang mga tingin niyang tila 'di makapaniwala. He even eyed me suspiciously before he roam his eyes. Ngumiti pa rin ako na tila hindi alintana ang expression niya na agad din namang nawala ng tumayo siya ng tuwid. "Ah ako muna kasi wala pa sila Ate Tess, huwag ka mag-alala iingatan kong hindi makabasag nakuh! Baka magkabayad pa ako," ngumiti naman siya at mukhang nakahinga ng maluwag. "Sige, pagkatapos mo i-lock mo rin ang pinto ah." "Noted kuya!" I even salute at him, pilit pinasigla ang boses ko. Ngumiti naman siya at tuluyan nang umalis. Base on how he acts, there's something here na hindi dapat makita ng kahit na sino. Kung gano'n, mas dapat ko pa lang pagtuunan ng pansin ang lugar na ito. I finished cleaning and organizing Damon's private office before I decided to leave. Nagluto ako ng lunch para sa amin pagkatapos ay nagpaalam ako kay Manang Josie na pupunta muna sa bayan. I told her excuses that would let me leave and promised to come back. Hindi ko sinabi kung mamaya rin ako babalik, since wala naman mamaya si Damon. "Saan ka pupunta Miss Rene?" I stopped walking, I rolled my eyes first before I put on the mask I put on the moment I stepped on this. "Sa tatay ko kuya, nagpaalam na rin ako kay Manang Josie," nakangiting sabi ko. "Hatid na kita, Miss Rene." What's wrong with this man? "Naku! Hindi na ho! Baka isipin pa ni Master, masyado akong paimportante, mag c-cab na lang ho ako," tumango naman ito. "Kung gano'n ay magiingat ka Miss Rene." Tanging tango at ngiti na lang ang sinagot ko bago tuluyang umalis. Dumeretso ako sa bahay ni Bonie at doon na ako nagpalit. "Oh ano? Napapaayaw ka na?" I rolled my eyes at her. Hawak ang malaking chichiriya ay sumalampak ako sa couch niya bago binuhay ang TV to watch on Netflix. "Who says I am going to quit that easily? Hindi ko pa nga nakukuha ang pakay ko, no way!" "Oh eh, bakit nandito ka? Hindi niyo off ngayon a!" "Shempre wala ang pusa, e 'di maglalaro muna ang daga. Walang mukhang pusit na uuwi mamaya. Kaya magagawa ko gusto ko ngayon," kaagad akong nagsubo ng chips at matunog uyong nginuya. "Kung ako boss mo, tatali kita sa loob ng bahay." "Sorry ka, hindi ikaw boss ko saka nakaka boring kaya roon!" "Gusto mo bang mabuking? Grabe, ang lakas ng loob mo ah." "Aish, shempre ayoko—saka wala naman nga siya." "Ganyang takas ka sa gawain, lubusin mo na. Nag-aaya sila Deanna ng inuman sa Corona, sama ka?" Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. "Deanna? 'Di ba nasa Macao 'yon?" "Umuwi na! Kahapon pa," I groaned. "Bakit hindi nagsasabi sa akin? Siraulo 'yon ah." "Sinabihan ko kasi na 'wag ka isturbuhin, masunurin lang siya." "Fine, sasama ako. Nakakamiss na ring uminom." "Huwag ka lang maglalasing, alalahanin mo isa kang kasambahay, may trabaho, at may boss," Humalakhak siya ng sabihin iyon kaya binato ko siya ng chichiriya na dumeretso sa bibig niya. I laughed a little when she started to cough. "What the hell, baks?!" "Don't mess with the bully!" "Shuta ka! Kung namatay ako roon, mumultuhin talaga kita!" "Talaga ba Sharmaine? Pakyu!" bored na sabi ko nang maalala ko 'yong meme na nakita ko, tila 'di natatakot sa banta niya. "Demonyo talaga 'to, bahala ka nga d'yan!" asar siyang nagmartsa papasok sa kusina na malakas kong kinatawa bago nagpatuloy sa panonood. I was left thinking, hindi ko na nga alam kung may naiintindihan pa ba ako sa pinapanood ko... until the afternoon came. "Ano? Wala ka pa bang balak mag-asikaso? Bibihisan pa ba kita baks?" I groaned. "Bakit ang complicated ng buhay ko, baks?" "Because you're complicated too, why don't you just marry him? Para hindi na komplikado 'di ba? Ang simple, simple lang ng solusyon dyan sa problema mo eh, hindi ka rin naman lugi sa mapapangasawa mo," I glared at her because of what she said. "I don't want to marry him. Simple lang din 'di ba? So why do I have to follow my parents' order? Sila kaya ipakasal ko sa mukhang pusit na 'yon? Tutal sila naman ang nagkakagustuhan." "Why don't you just change and so we can now enjoy life, while you're still unmarried?" nakakaloko siyang tumawa kaya binato ko siya ng throw pillow. Shete! 'sing dulas naman kasi ng pusit ang lalaki na 'yon, wala akong ibang makuha na evidence kundi ang pagiging babaero niya. I change my clothes, I just wear a gray top and ripped denim shorts together with my flat gladiator sandals. Matangkad ako, kaya ayoko nagsusuot ng heels. I feel like I am not normal every time I wear heels. It's not really my thing, nagsusuot lang ako kapag required, lalo na sa school ko dati. Inilugay ko lang ang umaalon kong buhok at naglagay ng light na make-up. I didn't wear my contacts. "Tara na baks! Andoon na sila," humabol ako kay Bonie pasakay sa kotse niya. It took us 20 minutes bago marating ang bar kung saan kami iinom. Pagkababa ko ay kaagad kong naagaw ang attention ng lalaking kababa lang din sa kotse niya. He eyed me with a grin on his face, which made me shake my head. Not my type. Hinintay ko Bonie, at sabay kaming maglakad papasok ng humarang ang lalaki sa harapan ko. "What?" mataray kong tanong. "You're not familiar, bago ka rito?" "What do you think?" he whistled. "Feisty, I like it." Gosh! What the hell is wrong with this guy? "You're blocking our way, dude. f**k off." "What's your name?" nakangisi pa rin niyang tanong, tila walang balak na umalis sa daraanan namin. "Baks, sipain mo na kaya?" "Whatever Bonie—" nilingon ko ulit ang lalaki bago bumuntong hininga. "Aren't you going to stay away?" "Not until you tell me your name, miss." Mapangaasar siya ngumiti dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. Ano bang trip nito? Hindi naman siya mukhang playboy, kasi sa katunayan mas mukha pa siyang mapanlinlang. He seem not really interested to play with girls. "Look, hinihintay na kami ng kasama namin so please stop bothering me. Don't ask for my name because I won't tell you," dadaan na sana kami ulit sa gilid niya ng muli siyang humarang. Inilabas niya ang kamay mula sa kaniyang pocket, holding his car key, and breathed out. He was about to speak when someone's voice stopped him. "Roco," lumisya ang tingin ng lalaki na nasa harapan namin sa likuran ko. At gano'n na lang ang paninigas ng katawan ko ng makilala ang boses na 'yon. f**k! This is not good! "Boss! What took you so long?" The guy doesn't know what he will mind first, so I took that chance to grab Bonie's wrist and drag her in. Wala nang nagawa ang lalaki but to let us go. Damn! What the hell is wrong with fate?! Bakit sa dami naman ay sa iisang lugar pa kami napunta?! What if makilala niya ako? No, e 'di sana nakilala na niya ako sa boutique pa lang. Calm down, Rine. Hindi ka niya makikilala, mukha namang wala siyang pakialam sa mga tao eh. "You're tense baks. Don't tell me, natakot ka sa cutie na 'yon?" kinurot ko siya sa tagiliran matapos bitawan. "No, definitely not! And he's not cute for me, he's weird and—" I trailed off. "And?" curious na tanong niya at napahito kaya huminto rin ako, one step away from her. "Mischievous..." "Seriously, baks?" "Hindi mo ba nakilala ang owner ng boses no'ng lalaking dumating?" nagsimula na ulit kaming maglakad. "No! Bakit kilala mo?" I rolled my eyes. "Goddamit baks! Bakit hindi mo nakilala e mas updated ka buhay ng taong 'yon kaysa sa akin? The owner of that voice was Damon!" "Maybe you're wrong. Malay mo kaboses lang. Paranoid ka lang baks." "No, I can't be wrong. Kung mayroon man akong isa pang kakayahan, madali kong ma-memorize ang boses ng mga taong nakakasalamuha ko. I've memorized his voice, and I am certain. I am so sure that the owner of that voice was none other than Damon." "OMG! So he's really here?!" I rolled my eyes and breathed a sigh. Nakarating kami sa VIP room kung nasaan sila Deanna. Kakapasok pa lang namin ay mabilis na akong sinugod ng yakap na kinaangil ko. "What the heck, baks?!" I coughed. Tumatawa naman si Jomari habang naglalakad ito palapit sa akin. Nakipag yakapan muna siya kay Bonie bago tuluyang dumeretso sa amin, after Deanna let me go, si Jomari naman ang yumakap sa akin. "Long time no see, bud, how's your life?" natatawang tanong nito. "Urgh, so f****d up, bud!" Stress na sagot ko at kaagad na kumuha ng shot glass na may salin na saka deretsong ininom, hindi pa man ako nakakaupo. "Why naman baks? Ayaw ka pa rin bang pakasalan ni Chrome?" Natatawang tanong ni Deanna na kinahalakhak naman ni Bonie bago uminom. "Eh? So until now, hindi pa rin kayo kasal?" sunod naman ni Jom, mas lalo lang sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi ni Jom. "Bakit ba na kay Chrome ang usapan? We don't love each other! Stop talking about that parasite!" They laughed. "Oh e! Bakit parang ang lala ng problema mo?" Tanong ni Jom kaya narinig ko ang pigil na tawa ni Bonie. Konti na lang mababatukan ko na 'to. "Paanong hindi, eh ikakasal na talaga 'yan." "Woah! Really?! Congrats baks!" "Oy bud! Damihan mo ng lumpia a." "Shut the f**k up eggs! Bakit tuwang tuwa pa kayo? Mukha ba akong masaya?!" Pagrereklamo ko kaya mas tinawanan lamang nila ako. Wtf men? Bakit ba ako biniyayaan ng mga kaibigang lakas mang-asar, imbes na damayan ako mas trip nila akong asarin shuta. "Swear! Walang kasalan na magaganap potek!" "Eh sino ba kasing fiancee mo?" tanong ni Deanna, bago uminom sa shot glass niya. Hindi ako sumagot dahil mas naaasar lamang ako. "Gusto niyo talaga malaman?" "Who is he?" sumulyap ako kay Jom na natahimik ng ilang segundo. "Gwapo ba baks? Mabango? Mayaman?" Usyoso naman ni Deanna kay Bonie kaya humalakhak 'yong isa. "Si Damon Lucifer Dankworth lang naman ang soon-to-be groom niya," ilang beses akong uminom ng bacardi ng marinig ang boses ni Damon. Sinundan ko ng nakahain na margarita, bago tumayo. "Usap muna kayo, washroom lang ako." Ayoko pag-usapan ang lalaking 'yon. Hinayaan naman nila ako, wala pa akong tama. Hindi ako mabilis malasing kaya maayos pa ang paningin ko at straight pa rin ang lakad ko. I left my purse. Hindi naman iyon mawawala dahil 'yong tatlo naman ang andoon, at hindi rin naman iyon hahayaang mawala ni Bonie. Hindi naman malayo ang washroom at hindi naman ako nahirapang makapunta. The music was so loud and the crowd had already gone wild. Ilan na rin ang nakikita kong naghahalikan every corners. Mayroon pang sumasayaw ng sexy sa dance floor with the crown, and they are really making out. Matapos maglabas ng sama ng loob ay naghugas lang ako ng kamay at tinuyo iyon. I fixed my top before I chose to leave. Nagulat pa ako ng makitang mayroon ding nag m-make out malapit sa pinto na nilabasan ko. I shook my head in disbelief and chose to walk away. Hindi pa man ako nakakalayo ay may na-realize ako. The guy—it's Damon! Gosh! Nagmadali na akong makalayo roon, at mas pinili kong mag-order ng cocktail bago tumungo sa lanai malapit lang sa VIP room kung nasaan ang mga kaibigan ko. Hindi maliwanag dito. Pero 'yong liwanag niya sapat para makita ko mukha ko sa reflection ko sa glass door. The area was dimmed and more satisfying to kill time. I leaned on the safety rail, holding the cocktail I ordered. Pinagmasdan ko ang nagtataasan at maliliwanag na gusali habang paminsan-minsang sumisimsim sa glass na hawak. I can hear the faint sound of the music from inside. Habang tumatagal I can feel that I am running out of time. Sooner or later alam kong malalaman ng parents ko na andito na ako. And I know they will do everything to force me to marry Damon. Lalo na kapag nakialam na si Grandma at Grandpa. I am afraid that when that time comes, I won't have a chance to escape anymore. "Enjoying the view?" bigla akong nanigas sa kinatatayuan. I felt his warm breath against my ear and damn! I am f*****g aware of our position right now. He was just behind me, nakatukod ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko. And I curse myself for not noticing it earlier! Hindi ko rin naramdaman ang presensya niya! Siguro'y dahil malalim ang iniisip ko kanina. "W-Who are you?" I tried my best not to stutter. Sinubukan ko rin makawala sa pagkakakulog sa kanya, but it seems like he doesn't want me to escape. Kaagad ko siyang hinarap, habang nasa loob pa rin ako ng mga braso niya, na sana hindi ko na lang ginawa. Our lips almost touched! Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mga mata ko. I can feel my heart throb inside my chest and beat at a fast speed. "Have we met before?" he asked in a deep tone. I started to panic. "N-no, I think n-no..." naging mailap ang mga mata ko, dahil hindi ko kaya ang mga titig niya. That's too heavy to hold. "I think yes," Naiilang na napasulyap ako sa mga mata niya, at halos kapusin na ako ng hininga sa sobrang lapit niya sa akin. He was so sure based on the tone of his voice. What the heck is wrong with this squid face? "H-how? I've been away for years. I don't think that's possible." "Boutique, you're that blonde," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Oh f**k! So natatandaan niya ako? I thought...I thought he would say that I was Katherine! "A-Ahh! Y-yeah... now I remember! " I said awkardly. Akala ko magbabago ang expression ng mukha niya ngunit nanatili iyong blanko. I can't read him, and that makes me more nervous. "Can you please move away now? Baka kasi hinahanap na ako ng friends ko." "How long will you try to escape me?" My eyes widened. Gumalaw ang panga niya matapos itikom ang bibig. He stares at me intently, and that makes my knees melt. "W-What the hell are you talking about?" I am trying to stay firm! But God! This guy is making me weak for some unknown reason! "Stop playing around, Katherine. No matter how many times you try to escape, I can easily find you. You can never get away, so stop your s**t and marry me," I glared at him and tried to push him away, but he was too strong to even move a step. "I will never marry you, Damon..." He cupped my jaw harshly, na mabilis ko namang inalis. Masakit iyon pero hindi ko ininda. "I heard you have a guy. Break up with him." "And who are you to tell me what to do?! You can never force me to marry you, Damon! So stop and find someone who's willing to marry you! It's not me!" mas lalong nagngalit ang mga mata niya sa pagiging matigas ko. "Don't ever cut the small string of my patience, Katherine." "And what?! Tatakutin mo ako?! C'mon Damon, iyan na lang ba ang kaya mo? As far as I know, hindi ka nauubusan ng babae, bakit pinipilit mo ang babaeng katulad ko na pakasalan ka?! For what huh?!" hindi siya sumagot, mariin niya lang akong tinitigan habang salubong ang kilay trying to control himself. Tila nakalimutan ko sa mga oras na ito ang nasaksihan ko sa mansion niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko but I have to be. "Don't provoke me, Katherine. I swear, quit your game and marry me before I make a move. You'll regret it. "I won't," I scoffed, and I saw how his eyes darkened. He held my neck, as if he was about to choke me. He pushed me against the rail that way and leaned closer. Napakapit ako sa katawan niya ng muntikan na akong mawalan ng balanse sa ginawa niya. I was bent because of his hand holding my neck. My lips parted while he remained staring at me. I can see perfection on his face. The shape of his jaw was manly. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay, asul na mga mata, manipis, at mapupulang labi, even his well-built body and his messy black hair. Everything about him screamed perfection, but behind that was a cruel man you would never dare to mess up with. "Look how I can easily hold your neck. Your life depends on me now. The moment your parents handed you to me. You're now my property, Katherine. You will carry my name, and I will make that possible. I can make that possible." My tears started to well up. Alam kong nakita niya kung paano mangilid ang luha ko pero hindi niya ako binitawan, hindi rin nagkaroon nang kahit konting emosyon ang mukha niya. "You're heartless. You want me to marry you. Hindi mo man lang inisip kung ano ang magiging buhay ko sa 'yo. You know why I don't want to marry you?! Because there is no happiness in your arms, Damon! I want peace. I want a peaceful life, a loving husband, and a happy family, and I know that's not you. I can never have that with you. Now you're forcing me! For what? For a selfish reason that you don't want to tell! I don't want a life with you—that's too toxic and tiring! Too painful," bigla niya akong nabitawan. He even stepped back and stared at me. Nakita ko kung paano dumaan ang galit sa mga mata niya bago iyon bumalik sa dating walang emosyon. "Don't make me wait any longer. You have friends. If you love them, obey me," matapos iyon ay tuluyan na siyang umalis. A lone tear escaped my eyes without blinking. I have left zoning out. My mind went blank and I felt like I was deaf for a moment. And when I went back to my senses, I realized that he threatened me. He actually threatened me. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD