Balisa akong bumalik sa VIP room kung saan nagkakatuwaan na ang tatlo ko pang kaibigan. Afraid that I might spoil their night, I kept what happened to myself and joined them. Umuwi kaming sabog ni Bonie. I even vomited several times, hanggang sa makatulog ako kung saang parte ng bahay ni Bonie. Hindi ko na nga alama kung paano kami nakauwing dalawa, if she drove her car or someone drove it for us, I can't remember anymore. Maaga akong nagising at noon ko lang naalalang, baka nakabalik na si Damon sa mansion nito. s**t! Baka mapatalsik ako ng wala sa oras! Nagmadali akong kumilos kahit parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Tulog na tulog pa si Bonie so after I showered and put my disguise, I immediately wrote a note for her and left her house. Nang malapit na ako sa mansion ay naglagay ako

