The next day was another day of hell for me. "Hey! Look at this! Ang alikabok pa rin! Bulag ka ba ha?! Linisan mo ulit!" I am so freaking sick of her voice! Napaka bossy! Clean freak! Money hungry! b***h! Nakapamewang ito habang dinuduro ako, kanina pa siya patawag nang patawag sa akin para paglinisin ako sa kwarto nila ni Damon. And Damon just let her. Naroon lamang ito sa opisina niya. Minsan ay pinapatawag din ako nito para utusan kahit alam niyang may pinapagawa pa ang babae niya sa akin. Nakakahalata na nga sila Ate Tess at Ate Miray, pero wala naman silang magawa. Gusto man nilang sila ang maghatid ay takot sila kay Damon. "What the f**k are you doing?! Mag-ingat ka nga?! Sa US ko pa nabili 'yan at mas mahal pa 'yan kaysa sa 'yo, your salary won't even afford to buy me a new one!"

