Ilang araw kong iniwasan na magtagpo ang landas namin ni Damon. At first, I never thought that it could be possible. I was hired to serve him, but his absence made it easier for me to move around without trying to hide from him. He’s been away these past few days. Iisa lang ang pinagsisilbihan ko at ’yon ay ang alaga niyang ahas dito sa mansion.
“Did you wash my clothes already?”
I gritted my teeth and turned to face her. I didn’t mind making a scene here. Wala si Damon kaya makakaya ko siyang labanan.
“Not yet. Hindi ka naman VIP para palaging unahin.”
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya at manggigil sa inis, ngunit wala na ’yong nagawa nang mabilis ko na siyang talikuran at naglakad palayo. Good thing, it’s Saturday bukas. Gustong-gusto ko nang umalis muna sa mansion na ito.
I was busy cooking when I heard voices. Marahan akong sumilip at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung kanino nanggaling ang ingay na ’yon. It’s Kuya Kael! He’s with Damon and they are talking.
Sa taranta ay nahiwa ko pa ang sariling daliri! Napahiyaw ako sa gulat at nanghina nang makita ang sariling dugo. I could feel the pain in my chest as my heart started to beat rapidly. Nagsimula na ring mamuo ang aking pawis. Pakiramdam ko, ano mang oras ay mawawalan ako ng malay. I have hemophobia. Seeing other people’s blood or mine is one of my fears. Isa rin ’yon sa dahilan kung bakit never ko pinangarap maging doktor. I cannot overcome my fear or weakness. Nanghihina man ay nagawa kong makalapit sa sink at hinugasan ang daliri ko. I gripped the counter tightly with my other hand while washing my wounded finger when I felt someone’s presence.
Halos mapatalon ako nang makita si Damon na nakatitig sa akin. When his eyes drifted to my finger, realization hit him. Nagulat ako nang lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. I didn’t have enough strength to push him away so instead of doing that, I chose to rest my head on his chest while he was doing something on my finger.
Nanatiling gano’n ang posisyon namin. Kahit naramdaman kong sinipsip niya ang dugo sa daliri ko ay wala na akong pakialam dahil kahit papano ay nakatulong ito. I thanked him for that.
“Damon?”
My heart skipped a beat when I heard my brother’s voice heading into the kitchen. Napakapit ang isa kong kamay sa katawan ni Damon. Muling bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba.
“Wait for me in my office, Mikael,” Damon answered.
It made me breathe in relief as he slowly moved away from me. Naramdaman ko na ring kalmado na ako kaya nagawa ko na siyang tingnan but he wasn’t looking at me already. Tuluyan siyang umalis sa kusina at naiwan akong nakatitig sa daliri ko na mayroon ng band-aid. My brows shut when I saw the band-aid he put on me. May print ’yon ng mga puso na kinangiwi ko at kinangiti nang wala sa oras.
Wtf? Paano nagkaroon ng ganito sa mansion niya?
Hindi ko maiwasang matawa nang walang boses na lumalabas. Umuga lang ang balikat ko dahil sa pagtawa. Nilibot ko ang paningin at kinagat ang sariling labi nang makita ang first aid kit. Muli kong sinulyapan ang daliri ko at pinagpatuloy na ang pagluluto.
After several minutes ay natapos na rin ako sa ginagawa. Ate Tess entered the kitchen. Nagtaka pa ako dahil sa expression niya, she seemed confused when she looked at me.
“Ayos ka lang, Ate?” tanong ko.
She nodded at a slow speed. “P-pinapatawag ka ni Master sa opisina niya. Dalhan mo raw siya ng juice.”
May pagtataka rin kahit sa tono ng boses niya. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako pa ang pinapapunta nito, gayong siya na ang nandoon. Kahit ako ay nagtaka rin. Puwede naman na niyang utusan si Ate Tess.
“Sige,” tipid na sagot ko at ginawa na ang utos ni Damon.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-akyat sa hagdan dala ang baso ng juice nang bigla akong tumigil. I remembered Kael!
Shit! Nandiyan pa kaya siya? What if nandiyan pa siya? Tiyak na makikilala niya ako. This is bullshit!
Nagsimula nang manginig ang kamay ko sa kaba. Hindi ko na rin maihakbang nang mabilis ang mga paa ko. Nagsimula nang mamuo ang pawis sa noo ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal hanggang sa marating ko ang opisina ni Damon. Sumilip pa ako—desperadang malaman kung nakaalis na ba si Kuya Kael. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Damon na lang ang nasa loob. Marahan akong pumasok bitbit ang juice dahilan upang mapasulyap siya sa akin. He put down the file he was looking at and fixed his eyes on me.
“What took you so long?” he asked.
“Hmm? Ah! Tinapos ko lang p-po ’yong niluluto ko,” sagot ko.
Hindi na siya nagsalita at kinuha lang ang baso na may lamang juice. Nanatili akong nakatayo roon at pinapanood siyang uminom. Napansin niya iyon kaya napatingin siya sa akin nang may halong pagtataka.
“Aren’t you going to leave?” tanong niya.
I flinched. “Naghihintay lang po ako na baka may iuutos pa kayo.”
Silence filled the room so I chose to leave his office.
Mabuti na lang, iyon ang huling pagkakataon na nagkita kami dahil hindi siya umuwi no’ng gabi. I just saw him leave though.
***
Kinabukasan, maaga akong umalis para tumungo sa bahay ni Bonie, wearing only a brown two way slit puff sleeves maxi dress. I was literally surprised to see Chrome who is now wearing his white sleeve tucked inside his navy blue jeans. Umiinom pa ito ng tubig habang nag-headbanging, trying to mimic the beat of the music.
This parasite! Para siyang tanga na medyo nag-break dance pa. Umiikot pa ito nang mabilis. Sa inis ko ay mabilis ko itong nilapitan at ginawaran ng malakas na suntok sa sikmura dahilan para bahagya niyang maibuga ang tubig na ininom niya.
“Ouch! Who the he—Kath?”
I arched my right eyebrow at him. Ngumiti siya sa akin na tila isang pusa na nahuling nagnanakaw ng ulam.
“Parasite!” sigaw ko.
He didn’t know what to say or do—if he’s going to approach and hug me or protect himself from a possible hit.
“Kath, h-how are you?” tanong nito.
Inambahan ko ito ng suntok, causing for him to immediately cover his face using his arms.
“You’re the most irresponsible boyfriend in the world! Freaking useless parasite!” I growled.
“Ouch! Grabe ka naman, Babe. Bawiin mo ang sinabi mo!”
Imbes na patulan ang drama niya ay mabilis ko lang siyang sinipa sa binti bago dere-deretsong naglakad patungo sa kusina kung saan ko naabutan si Bonie.
“You didn’t tell me that the parasite is already here!” bungad ko sa kaniya. Humalukipkip lang ako, waiting for her response.
Pagkatapos niyang tikman ang niluluto niya ay humarap siya sa akin na hawak ang sandok. Tila ba’y kinakabahan itong ngumiti. “Sorry! Naawa ako, e. Nagmakaawa sa aking huwag sabihin sa ’yo, Baks! Pasensiya na.”
“Taksil!” sambit ko.
Lumapit naman sa akin si Chrome. “Babe, huwag ka nang magalit. Gusto mo, date na lang tayo?”
“Gusto ko ng Mexican foods,” sagot ko at malawak itong ngumiti sa akin.
“Mamayang dinner, dadalhin kita sa restaurant ko,” saad niya.
Hindi na ako nakipagbangayan sa kaniya. We just spent time together when suddenly, Bonie had an emergency meeting with someone. Maybe, it’s one of her biggest clients. Mayroon kasing personal na nagpapa-design sa kaniya ng gown na ginagamit pa sa international pageants.
Naiwan kaming dalawa ni Chrome sa bahay ni Bonie and we decided to spent time watching Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang kumakain ng paborito kong onion rings at nachos na gawa niya.
“I heard about what you’re doing . . .”
I stopped chewing fries when Chrome’s serious voice echoed. I know what he’s talking about. Alam kong malalaman niya ang ginawa kong pagpapanggap at pagpasok sa tirahan ni Damon. Maybe, Bonie told him.
“Yeah, so?”
“I am warning you, Babe.”
“I know what I am doing. You don’t have to worry about Chrome.”
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na kinatahimik niya. After a while, he started to open a topic. We later found out that it’s already six in the evening. Nagpalit lang kami ng damit bago umalis para tumungo sa restaurant niya. Kahit paano, na-miss ko rin ang ipagluto niya ako rito. Kapag kasi rito ako kumakain ay personal niya akong ipinagluluto. I would only eat what he cooked, and if it wasn’t him, hindi mo ako mapapakain rito. Maarte ako—alam ko ’yon pero marunong naman akong ilugar ito. I waited for several minutes until the dishes he prepared were served on our table, the smell of it lingers inside my nose he cooked me a Seared Scallops with Garlic Basil Butter at dahil sa nakaktakam nitong amoy ay hindi na ako nagdalawang isip na magsimulang kumain. Sumunod na rin siya at sabay kaming kumain.
“Are you going to stay here for good?” I asked.
“No, babalik din ako after a week,” sagot niya. I nodded before I continued chewing my food. Pagkatapos kumain ay pinili naming tumambay sa balcony ng restaurant sa second floor. I also have something to tell him right now.
“Let’s end our relationship, Chrome.”
Nanatili siyang nakatitig sa kawalan ng ilang segundo bago niya ako nilingon. “Iyan din ang iniisip ko. We’ve been in this kind of relationship for years. Sang-ayon ako sa desisyon mo.”
Niyakap ko siya. I am so comfortable when I am with him. He’s been my comfort.
We stayed there after we talked and ended our relationship, ngunit kung umakto kami ay parang wala ring nangyari. Our relationship wasn’t that serious but we still respected each other. Palabas na kami para umuwi nang may masulyapan akong pamilyar na kotse sa parking lot. Near to that car was a man, talking to someone on the phone. Nakabukas ang tatlong nauunang butones ng suot nitong black sleeve, nakahawak ang isang kamay niya sa suot niyang brown belt na bumagay sa suot niyang black jeans. Napakaseryoso ng mukha nito—may bahid ng galit. Nakikita ko ang mga ugat sa kamay niya dahil sa higpit ng kapit niya sa kaniyang cellphone.
“Let’s go, Kath.”
Nilingon ko si Chrome nang nagsalita ito. Nadako ang paningin niya sa lalaking bago ko lang tiningnan. Bumakas sa mukha niya na tila nabasa na agad niya kung ano ang binabalak ko.
“Take care,” he said, shifting his gaze on me.
I nodded at him before walking towards Damon’s car. Sinubukan kong hindi makagawa ng ingay. Napangisi ako nang malamang hindi naka-lock ang trunk nito. I didn’t know what came to my mind at that moment, pero walang pagdadalawang-isip na sumakay ako sa trunk ng kotse ni Damon. Ilang minutong nakalipas ay naramdaman kong sumakay na siya at nagsimula nang paandarin ang kotse.
I could feel my heart beating at a fast rate. Habang tumatagal ang biyahe namin, iba’t ibang bagay ang tumatakbo sa isip ko. Habang tumatagal din ay nagiging tahimik ang paligid, tila lumalayo na kami sa bayan at sa mga sasakyan. I could feel the sound of dry leaves and branches of trees. Nagugulungan ito ng kotse na sinasakyan namin. Natitiyak kong mapuno at masukal ang tinatahak namin. Where is he going?
Mas lalong dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko nang sandaling huminto ang kotse at bumaba si Damon sa sasakyan. I could hear his voice. Tila may kausap siyang tao ngunit hindi malinaw kung ano ang sinasabi niya, dahil na rin sa nakakabinging kalabog sa dibdib ko. I could feel my sweat. I was trying to peek outside but I couldn’t. Baka may makakita sa akin. Hindi ko pa alam kung ano’ng mayroon at kinakabahan ako.
Nang mapansin kong tahimik na ay marahan akong sumilip. Wala akong nakitang tao kaya tuluyan akong lumabas sa kotse at kabadong nagpalingon-lingon. It was a driftwood gray big old house. Nasa loob na kami at binabakuran ito ng mataas na gate. Mapuno ang paligid kaya natitiyak kong nasa gubat kami. The lights were too gloomy. May kaunting takot akong naramdaman.
Where is this place? What is he doing here? What are you hiding, Damon? Who are you?
Nakayuko akong naglakad patungo sa gilid ng bahay. I wasn’t able to move faster. Hindi rin ako makapunta sa mismong main door dahil sa ilang nakaitim na lalaking may mga baril sa kanilang likod ang nakatayo roon. Nilandas ko ang gilid ng bahay at sumisilip sa mga bintana ngunit wala akong ibang nakikita kung hindi ang mga gamit sa loob.
Nakayuko kong tinahak ang gilid patungo sa likurang bahagi. Halos mawalan ako ng malay nang muntikan na akong dumeretso. Kung hindi ko agad nakita ang dalawang lalaking nagbabantay ay malamang, ako ang nakita nila at nahuli na ako. I stepped back a little and tried to hide myself when I noticed that I actually leaned on something. Nagulat ako na isa ’yong pinto.
Nang hawakan ko ang knob nito ay napagtanto kong hindi iyon naka-lock. Marahan ko iyong pinihit at unti-unting binuksan ang pinto, only for me to see that behind it was a small hallway. Maliit iyon kaya kinakailangan ko pang tumagilid habang naglalakad until I reached another door. Kahina-hinala iyon dahil sa kadenang nakasabit sa tarangkahan nito. It wasn’t even made of wood. Natitiyak kong mabigat ’yon dahil gawa ito sa metal. I could hear something behind me. Out of curiosity, I leaned closer. Idinikit ko ang isang tainga roon at pilit pinakinggan ang nasa loob. May narinig akong boses ng taong tila nahihirapan at may isang tila sumisigaw sa galit. I closed my eyes to concentrate and to find out more, when someone suddenly held my arms and pinned these behind me. Marahil isa ito sa mga lalaking nagbabantay. I screamed in pain. Abot-abot ang takot na naramdaman ko habang nangingilid na ang luha.
“What do you think you’re doing, lady?”
Nangatal ang labi ko nang pakiramdam ko ay may nakatutok sa aking tagiliran. My eyes widened as my tears welled up in my eyes. “W-wala akong n-narinig. Huwag n’yo akong s-sasaktan . . .” Buong buhay ko, hindi ko kailanman naranasan ang ganito. I started to regret my reckless decision.
“Who sent you here? Speak.”
“W-wala po. I just came he—” Napahiyaw ako sa takot nang idiin niya ang bagay na nakatutok sa tagiliran ko. Mangiyak-ngiyak ako sa takot nang bigla niya akong hilahin palayo sa pinto at mabilis niya iyong binuksan. He pushed me inside, dahilan para bumagsak ako sa sahig.
Natatakot man ay nagawa kong iangat ang mukha ko. My tears wouldn’t stop from falling when I finally saw what’s happening here. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking halos maligo na sa sarili niyang dugo. Nanginig ang katawan ko nang makita ang ilang lalaki sa loob na nakatingin sa akin at nakatutok ang kanilang baril. My cries echoed through the whole room. It wasn’t bright here. I could hear footsteps. Papalapit ito sa kinaroroonan ko. I helplessly curled myself.
“Parang awa n’yo na, w-wala akong balak na kung ano. I am not a spy or what. Please . . . huwag n’yo akong sasaktan. Let me leave.” I cried.
Mas lalo akong napaiyak nang hilahin ako patayo ng lalaki at tila wala itong pakialam sa sinabi ko. He pushed me in front until I bumped into someone. I bet he’s the owner of the footsteps I heard. When I looked at his face, my eyes widened again. Sumalubong sa akin ang malalamig at asul niyang mga mata—showing no mercy, looking straight at me. Based on his looks, he’s mad. Sa takot ay kaagad ko siyang niyakap. I wasn’t sure, but this guy knew me. He wouldn’t dare to hurt me. He wouldn’t let me die. He wouldn’t let these people kill me.
“Damon, please. Please tell them I am not a spy. Please tell them to let me leave. Please . . . please . . . save me!” I begged. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at takot na takot na umiyak. When he held my waist, unti-unti akong kumalma at nakahinga nang maluwag.
Not until he pushed me a little and pointed a gun at me. Pakiramdam ko, tinakasan ako ng dugo sa mukha habang nakatitig sa dulo ng baril na sobrang lapit lang sa akin. My chest tightened as I felt my heart skip a beat. Lalong bumuhos ang mga luha ko habang tulalang nakatitig sa baril ni Damon na nakatutok sa akin. Ang takot na unti-unti na sanang nawala ay kaagad na bumalik at dumoble pa. I shook my head and tried to step back when someone held my hand behind me to stop me from moving.
“D-Damon . . .”
“Boss, mukhang may narinig siya kanina.”
Umiling ako. Hindi ko na pinansin ang itinawag nito kay Damon. His eyes never left me. Nakita ko ang marahas na pag-igting ng kaniyang panga at mas mariin na tinutok ang baril nito sa akin.
“Get that s**t out of this room. Dispatch him and erase any trace. The shipment should go on, with or without me. I have another s**t to handle right now,” utos ni Damon sabay turo sa lalaking duguan.
Mabilis na nagsikilusan ang mga lalaki. They took the man soaked on his own blood out. Hindi naalis ang tingin sa akin ni Damon at bahagya lang iyong lumagpas sa lalaking nakahawak sa braso ko. He signaled him using his head to leave, and the man immediately did what Damon had signed for him. Naiwan kaming dalawa sa loob. I didn’t know what to feel anymore. I raised my hand, covering my face.
“Damon, don’t . . . kill me.”
“You saw and heard everything. Do you think I'll let you go while you're still breathing?”
Halos mapatili ako nang lumapit siya at mas itinutok sa akin ang baril niya.
“I-I’m your fiancée. You can’t kill me.”
“I don’t f*****g care!”
Napatalon ako sa galit na pagsigaw niya.
“Any last words?”
I started to panic. “Damon, pag-usapan natin ito, please! Don’t kill me. I won’t tell anyone about these, I promise! Huwag mo lang akong papatayin. P-parang awa mo na!” I tried to step forward and hold his hand, ngunit mabilis niyang pinaputok ang baril sa gilid ko na mas lalo kong kinatakot. I covered my ears and cried in fear. Wala akong pakialam kung ano nang itsura ko sa harap niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang mga oras na ’yon—kung uupo ba ako o mananatiling nakatayo dahil sa takot. I was like a child crying because her mother hit her. Lumuhod ako sa harapan niya para magmakaawang pakawalan na niya ako.
“I still want to live. P-payag na akong p-pakasalan ka . . . Hayaan mo lang akong mabuhay pa.” I covered my mouth and cried harder. Nakita ko ang mga paa niya sa harapan ko. When I looked up, I saw him looking down on me.
Bahagya siyang lumuhod at hinawakan ang mukha ko habang nakatitig sa akin. “Good decision.” Tumayo siyang muli.
“Get up,” he demanded.
No’ng una ay hindi ako agad nakatayo kaya nagawa niya akong hilahin. Nang hindi ako agad makalakad ay walang pagdadalawang-isip na binuhat niya ako na tila isang sakong bigas at mabilis na lumabas sa kuwartong iyon. I cried in silence as I let him carry me. Mabilis niya akong isinakay sa kotse niya habang sumiksik naman ako sa gilid at tahimik na umiyak.
“Stop crying,” he hissed in a low voice. I bit my lip to stifle my cries while he’s driving, ngunit sa takot na naramdaman kanina ay hindi ako tumigil sa pag-iyak to the point na may kumakawalang hikbi sa labi ko.
“I said stop crying!”
Napatalon ako sa galit niyang pagsigaw. This time, I used my hand to cover my lips. I never dared to look at him. Now, I am so sure—Fern was right when he told me that Damon isn’t good. Hindi ko lang siya ngayon kinamumuhian, I am also afraid of him now. Kailangan ko lang sikmurain na makasama siya para manatili akong buhay.
Kahit paano ay kumalma ako habang nasa biyahe kami. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Sa ngayon, ang alam ko lang na dapat kong gawin ay maging sunod-sunuran sa kaniya. When I get a chance, I will escape from him. Hinding-hindi na ako magpapakita pa sa kaniya kapag nakatakas ako.
May tumawag sa kaniya na agad naman niyang sinagot. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. At first, puro kakahuyan lang ang nandoon hanggang sa may matanaw na akong mga ilaw. Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe hanggang sa huminto kami sa isang bahay. It wasn’t big. It was a brown house enough for a single person. So, I bet he owned it. Pagkababa niya ay mabilis siyang umikot sa side ko at walang sabi-sabing hinawakan ako sa braso para hilain pababa. He closed the door and dragged me inside the house. Napansin kong walang ibang kabahayan doon at tulad ng pinanggalingan namin ay maraming puno sa paligid.
“W-where are we?” I asked, my voice shaking. Hawak-hawak niya ang braso ko hanggang sa makapasok kami sa loob at kaagad niya akong binitiwan. He took down the telephone and cut it. Halos mapatili pa ako sa gulat nang ibato niya ang phone niya sa pader.
“This is your punishment. You’ll live here with me. No phone, no telephone—you can never contact anyone. We will only leave this place when I say so.”
Pagkatapos no’n ay mabilis na siyang humakbang paakyat sa hagdan. Naiwan akong nakatulala roon. I tried to go outside but the door was locked. Kahit ang mga bintana ay hindi ko mabuksan, as though these were being controlled. I despise you, Damon.