Nanghihina akong napaupo sa kama ng kuwartong pinasukan ko. Maraming naglalaro sa isip ko. Kahit malinaw kong nakita ang mundong ginagalawan ni Damon ay hindi pa rin naging malinaw sa akin ang lahat. The guy called him “boss.” They were doing illegal businesses. It’s not just a small syndicate. Ano ba itong pinasok ko?
Tulala akong napahiga. I tried to sleep but what happened earlier kept me awake. Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawang matulog at palipasin ang gabing ’yon. Nagising ako kinaumagahan. Pilit kong tinatakpan ang aking mukha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. It hurt my eyes. Naramdaman kong namumugto pa ang mga mata ko.
Kikilos pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Damon wearing his black hoodie jacket and faded blue ripped jeans. He was holding a tray of breakfast. Naglakad siya palapit sa kama kung nasaan ako at nilapag ang tray ng pagkain sa paanan ko. I automatically moved away. Mabilis na nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha at tumayo nang maayos.
“Eat,” wika niya.
I looked away. Sa pag-aakala kong pipilitin niya ako ay hinanda ko na ang sarili kong sigawan niya, pero gano’n na lang ang mabilis kong paglingon nang magsimula na siyang maglakad palabas ng kuwarto. My eyes drifted to the tray, and I saw bacon, hot dogs, eggs, and fried rice on it. May katabi pang sliced fruits at baso ng gatas.
Wala sana akong balak galawin iyon nang makaramdam ako ng pagkalam ng tiyan, kaya wala na akong nagawa kung hindi kumain. I was slowly chewing my food when I remembered my things. Where is it? My purse? My wallet? My phone? Lumingon-lingon ako at doon ko lang naalala na nasa trunk iyon! Nanghihina kong tinapos ang pagkain nang maalalang naka-lock ang buong bahay. I was about to stand when Damon entered the room again, holding a bag. Binaba niya iyon sa couch bago ako nilingon at nilapitan. He took the tray and stared at me for a few seconds.
“Those will be your clothes,” walang emosyong sabi niya sabay turo sa bag na nilagay niya sa couch. “You can take a
dagdag pa niya at kaagad nang umalis.
Tahimik kong tinungo ang bag at binuksan. I took clothes from it. Nakita kong puro malalaking T-shirt, long sleeves, at pair of shorts ang laman nito. Mayroon ding underwear. Pakiramdam ko, namula ako nang makitang sakto sa size ko ang mga ’yon.
He left to buy these while I was asleep?
Pinilig ko ang aking ulo bago tumungo sa bathroom. After mag-shower ay nagbihis ako ng simpleng f**k boy short at loose black shirt, saka lumabas na rin ako at pinatuyo ang buhok. I don’t want to leave this room without having a proper plan to escape.
I was curious so I silently walked out. Maliit lang ang bahay kaya hindi ito mahirap libutin. Narating ko ang lobby ng bahay, where I saw Damon. Tila may kausap ito sa phone niya. I guess he’s using his spare phone. Lumapit ako nang kaunti para subukang pakinggan ang sinasabi niya.
“I will leave it to you.” He pushed his hair back and stood up. Akala ko ay haharap siya sa direksiyon ko pero nanatili siyang nakatalikod. He shoved his hand in his pocket. “Of course, I can do that. That is why I am going to marry her. The best thing to do is to marry your enemy.”
I held my breath. Mabilis akong napalakad paalis doon. Mabibigat ang paghinga na bumalik ako sa kuwarto. Lalong gumulo ang isip ko sa narinig. Hindi ko man masyadong naintindihan ang ibig niyang sabihin ay nakaramdam ako ng matinding inis. At that point, I forgot my fear of him and it was replaced by hate. He’s a puzzle I couldn’t solve. He’s stiff, collected, and cold. I couldn’t read him. I couldn’t predict his next move.
Napapitlag ako nang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Damon na nakapamulsa at nakatingin sa akin. Akala ko ay lalapit siya ngunit dumeretso siya sa harap ng bintana at tumitig sa kawalan. I had no plan on talking to him kahit marami akong tanong. I had no courage to speak up. Natatakot ako na kapag binuka ko ang labi ko, I would lose my patience and ask him everything. Hindi ko alam kung natatakot ba akong magtanong o natatakot ako sa maaaring sagot. He’s making me more complicated. I hate complications, pero nang makilala ko siya ay naging komplikado na para sa akin ang lahat.
“Before this month ends, we will get married,” panimula niya.
I didn’t speak. May sabihin man ako o wala, hindi rin naman magbabago iyon. Humarap siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. He walked closer to me and held my chin to make me look at him, ngunit mabilis kong iniiwas ang mukha ko palayo sa pagkakahawak niya.
“Talk to me,” bakas ang autoridad sa boses niya kaya marahas ko siyang nilingon.
“Tell me the reason why you want to marry me,” tugon ko. Sinubukan kong tapangan ang boses ko but it didn’t turn out well. Imbis na sagutin ako ay naglakad siya palabas ng kuwarto.
***
I fell asleep for a few hours. Nagising lang ako nang marinig ang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto. Dinalhan ulit ako ni Damon ng lunch pero hindi ko ’yon binawasan kaya no’ng bumalik siya ay nakita ko ang pagbakas ng galit sa mga mata niya.
“You didn’t eat,” wika niya.
“Obviously,” I muffled. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya at umupo sa edge ng kama ko.
“Eat these, Katherine.”
“I am not hungry.”
“Don’t make me mad.”
“Or else what? You will kill me?”
Tumalim ang tingin niya sa akin pagkatapos ay marahas siyang tumayo. I could see how his breathing became rough as he walked out of the room.
Why is he being patient with me right now? Another game? Another foolish plan? Another lie? What the f**k does he want from me? He wants to use me? My family? Is that it?
Marami akong naiisip na dahilan at ang iba ay ayoko na lang paniwalaan.
Bumaba ako sa kusina dala ang pagkain na niluto niya para sa akin at tinapon iyon sa basurahan malapit sa lababo. Nagulat ako nang pagharap ko sa direksiyon ng pintuan ay nakita ko si Damon na walang emosyon. He stepped forward until he was close enough for me to hold my breath.
“Now, you’re being stubborn?”
“I don’t want to eat.”
“You’re trying to disobey me now?”
“I am your fiancée and not your freaking employee, Damon! Siguro naman ay may karapatan akong magdesisyon para sa sarili ko, hindi ba?”
“You have. You have the right to decide and your decision should be to obey me. You’re my fiancée. You’re mine. I own you and everything you do concerns me. Your mind, heart, body, and soul—they all belong to me, Katherine.”
Napapantastikuhan ko siyang tiningnan at sinubukang itulak ngunit mas naging matigas lang siyang nakatayo sa harapan ko.
“You know what, I never believed that demons existed until I met you. You’re insane. I don’t belong to anyone else, Damon. No one owns me except myself. Not because you’re my fiancé, you have the full right to own me. You can own anyone; I won’t stop you, but not me.” Aalis na sana ako nang mabilis niya akong hilahin pabalik. Napadaing pa ako nang bumangga ang lower back ko sa counter. He put his hand on my neck as if he was about to choke me. Napansin kong madalas niyang gawin ’yon sa akin.
“Your stubbornness is getting on my nerves,” bulong niya.
I gasped when he planted wet kisses on my neck. Nawalan ako ng lakas sa ginawa niya. I held onto the counter and tried to angle my face away from him, ngunit dahil hawak niya ako ay mabilis niya lang napagpatuloy ang ginagawa niya.
“The more you disobey, the more I find you sexier,” dagdag niya.
I groaned when he suckled on my skin. Alam kong mag-iiwan ’yon ng marka. Pakiramdam ko, binuhay niya ang kung ano sa loob ko dahil sa ginawa niya. I pushed him away, kahit na naramdaman ko ang panginginig ng mga binti ko. His eyes darkened because of what I did. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang umayos ng tayo at tinalikuran ako. Tahimik siyang umalis sa kusina.
Napakapit ako sa counter nang pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse. Mabilis na tumitibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Imbes na mainis sa inasta ni Damon kanina ay iba ang idinulot no’n sa akin.
Napahilamos ako sa mukha at piniling bumalik sa kuwarto para mag-shower ulit, bakasakaling mawala ang init na nararamdaman kahit napakalamig sa buong bahay. Pagkatapos ay nagpalit lang ako ng beige oversize shirt at cycling shorts. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami rito. Basta alam kong hindi magandang ideya na manatili pa kami rito nang mas matagal. He told me na sa katapusan ang kasal.
Paano kung manatili kami rito hanggang katapusan? Wala na akong kawala sa kaniya. Hindi kaya iyon talaga ang plano niya?
Sinubukan kong maghanap ng daraanan kung sakaling tatakas ako pero wala akong nakita ni isa. Every possible passage was locked. Bumalik ako sa taas para tumungo sa kuwarto nang madaanan ko ang isang kuwarto na medyo nakaawang ang pinto.
Sumilip ako roon only to see Damon reading a book. Wala itong suot pang-itaas. Tanging pantalon lang ang suot niya at kita ko rin ang suot niyang belt. I could see his ripped abs, even how his muscles moved when he flipped pages. He always has this kind of bedroom hair that suits him. It’s kind of sexy for a man like him. Hindi na ako magtataka kung bakit kapit na kapit si Anaconda sa kaniya.
Am I admiring him? No . . . No . . . I am just being honest. I won’t deny the fact that he’s one hundred percent hot and handsome.
Aalis na sana ako nang mapalingon siya sa direksiyon ko. He put down his book and stood up. Gusto ko mang umalis na ay wala na akong nagawa. I was stuck. I couldn’t move because of his breath-taking stare.
“You want something?” tanong niya.
I gulped. “Nothing.”
“Tell me if you need something.”
“I want my phone.”
Dumilim ang mukha niya sa sinabi ko.
“Except that.”
I rolled my eyes and forced myself to enter his room. Hindi naman siya nagreklamo. Sinara niya lang ang pinto at sumandal doon habang pinapanood ako.
“Marami kang babae. You even f****d them. I don’t know kung ilan na ba sila pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ipinipilit mo ang sarili mong pakasalan ako. I want to marry someone who loves me, and someone I love. You’re going to take away the happiness and that feeling from me.”
“There are reasons you better not hear.”
“And what kind of life awaits me? Kasal tayo pero marami kang babae? Pagmumukhain mo lang akong tanga.”
“You can’t stop me from doing what I want, unless you will let me f**k you.”
Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. “If I let you, would you still f**k someone else?”
Nilabanan ko ang titig niya sa akin hanggang sa lumapit siya.
His hand trailed from my neck down to my waist. “Why do you sound like a jealous girlfriend?”
“I am not. I am just thinking about my life with you.”
He laughed devilishly. “You better stop, because I won’t give you the life you want.” Nawala ang mapaglarong emosyon sa mga mata niya.
“I hate you.”
“Likewise,” kibit-balikat na sabi niya na kinangilid ng luha ko.
Mabilis ko siyang tinabig para tuluyan akong makalabas. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Ang alam ko lang, ayoko ng buhay na ibibigay niya sa akin. Seeing another woman in our house while we are married is a freaking torture. Iniisip ko pa lang, pakiramdam ko ay may kung anong bagay na ang humihiwa sa dibdib ko. Habang tumatagal, mas dumarami lang ang mga rason ko para hindi siya pakasalan. I don’t want him. I don’t want to marry him, but do I have a choice?