CHAPTER 13

939 Words
I want to be with you until the sun falls from the sky. Ngayong umagang pagkagising ko ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Sa katunayan nga ay hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kaya pagkagising ko ngayon ay sumasakit ang ulo ko. Dahil kahit anong pilit kong ipikit ang mata ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Iyong tipong nakapikit ako pero gising na gising ang diwa ko.  Simula kasi kagabi ay ang naiisip ko lang ay si Renz dahil hindi pa siya tumatawag o nagti-text man lang. Ugali na kasi ni Renz na lagi akong kumustahin tuwing hindi niya ako kasama.  "Sana Panginoon wala pong masamang nangyari sa kanya," mahinang usal ko habang nag-aayos ng aking sarili sa harap ng aking aparador.  Kitang-kita ko ang itim sa paligid ng aking mga mata habang ako’y nagsusuklay ng buhok at nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin. Kaya minabuti kong lagyan ito ng concealer para matakpan ang pangingitim nito.  Naglagay na rin ako ng kaunting face powder, blush on at lipstick para mas maayos at maganda ako sa paningin ng kasintahan ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay mabilis ko ng kinuha ang aking shoulder bag. Kailangan ko na kasing magmadali dahil mayamaya lang ay susunduin na ako ni Renz.  "Magandang umaga mo...," natigil ang masayang pagbati ko nang makita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakaupo sa aming hapag-kainan.  Kaya mabilis akong lumapit para magtanong. Kinutuban ako na may hindi magandang nangyari kaya ganoon na lang ang reaksyon ni mommy.  "Mom, what happened? Where's dad? Saka bakit parang nag-aalala po kayo sa kung saan?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.  "Ge-Gelli, huwag kang mabibigla anak. Tungkol 'to kay Renz," seryosong sabi niya at waring iiyak na dahil sa kanyang basag na boses. "A-ano pong tungkol kay Renz? Ayan ba ang dahilan kung bakit wala si dad dito?" sari-saring emosyon ang naramdaman ko habang hinihintay ang sagot ni mom. Takot, pag-aalala, pagtataka at kaba na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.  "Ge-Gelli, huwag ka sanang mabibigla pero dinukot si Renz ni Sheryl kagabi noong hinatid ka niya rito sa bahay natin. Hindi ko alam kung paanong dinukot siya pero ang naiisip namin ng Tito Fernando mo ay may kasabwat ito. Nalaman ng tito mo ang plano niya dahil hindi sinasadyang nagkamali siya ng pinadalhang mensahe kagabi at na-send ito sa kanya. Kaya agad niya kaming tinawagan para ipaalam na dinukot si Renz. Hindi ka na namin ginising kagabi ng dad mo dahil ayaw na naming dagdagan pa ang mga problema mo. Iyana ng dahilan kung bakit wala ang dad mo ngayon kasi tumutulong siya sa tito mo para mahanap sila," malungkot na sabi ni mom sa'kin.  Pakiramdam ko ang malas ko kasi noong una si Bren namatay sa aksidente tapos ngayon si Renz naman dinukot. "Ano bang mayroon sa 'kin at ang minamalas ng mga lalaking nagmamahal sa'kin. Hindi ko alam kung saan aabot ang pagkabaliw ni Sheryl para lang pasakitan at makuha ang mga mahal ko,” parang tinakasan ako ng lakas dahil sa nalaman kong nangyari.  "Huwag mong isipin 'yan anak dahil pagsubok lang 'yan ng Diyos. Alam kong gagawa ng paraan ang dad at tito mo para mahanap sila. Nandito lang si mommy kaya huwag kang matakot,” niyakap niya ako para lang palakasin ang loob ko habang hinihimas-himas ang likod ko.  “Hindi ko rin alam kung bakit nagbago ang pinsan mong si Sheryl dahil dati naman ay magkasundo kayo."  Tumayo muna ako bago nagsalita. "Mom, nasaan po ngayon sina dad at tito? Gusto ko ring maghanap kay Renz. Baka kung ano na ang ginagawa ni Sheryl sa kanya. Baka pinahihirapan siya at hindi pinapakain. Tumawag na ba ang pamilya ni Renz para tanungin ang kalagayan niya?" sabi ko habang palakad-lakad sa harap niya.  "Hindi rin siguro nasabi ni Renz sa 'yo na ulila na siyang lubos. Tanging siya lang ang mag-isang namumuhay kaya ang dad mo ay malapit sa kanya dahil napakasipag niyang bata. Saka anak, huwag ka ng mag-alala kay Renz dahil ginagawa na nila ang lahat para mahanap kung saan siya tinatago. Magtiwala at magdasal ka na wala sanang nangyaring masama sa kanila. Saka may kasama naman silang pulis sa paghahanap sa kanila," nagpapaunawang sabi ni mom sa'kin.  Hindi ko na alam ngayon kung ano ang nararamdaman ko. Sana lang talaga walang masamang mangyari sa kanila. "Mom, papasok na lang ako ngayon sa kompanya natin. Balitaan mo na lang po ako kung anong nangyari sa paghahanap nila. Ayaw kong nandito lang sa bahay at nagmumukmok habang naghihintay," seryosong sabi ko kay mommy bago humalik sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.  "Anak, hindi ka ba kakain man lang bago pumasok sa trabaho? Saka nandoon naman si Mr. Del Mundo at sinabihan niya ito bago pa umalis ang dad mo. Kaya huwag kang mag-alala kung hindi ka makakapasok sa trabaho mo ngayon," nag-aalalang tanong niya sa'kin habang nakatingin sa mukha ko.  "Hindi na mommy saka wala po akong ganang kumain ngayon. Aalis na po ako, magpapahatid na lang ako kay Mang Roger. Basta po kapag may balita tawagan niyo agad ako para makauwi ako rito sa bahay," pilit ang ngiting sabi ko kay mommy. Wala na siyang nagawa kaya kumaway na lang siya sa akin habang naglalakad ako palabas ng bahay. Pakiramdam ko tuloy ay may kulang sa 'kin dahil nasanay na akong kasama siya tuwing papasok at uuwi.  Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ni Sheryl sa 'kin simula noong nagdalaga na kami. Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad kapag may masama siyang ginawa kay Renz. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD