CHAPTER 12

864 Words
Bakit kasi palaging napupunta sa kanya 'yong mga lalaking katulad ni Bren at Renz? Ano ba kasi ang nakikita nila sa pin...sa babaeng 'yon? Hindi ko na nga pala siya pinsan simula noong inagaw niya sa'kin si Bren. Mas maganda, mas sexy at mas handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Pero bakit palagi na lang siya ang sinusuwerte at ako ‘yong minamalas? Hinding-hindi ko hahayaang maging masaya si Gelli! Ano siya sinusuwerte? Kung inagaw niya sa 'kin noon si Bren. Ako naman ngayon ang aagaw sa pinakamamahal niyang si Renz. Ilang araw na rin ang nakalipas nung makita ko si Renz na kasama si Gelli. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong akin na siya. Kaya umisip na ako ng paraan para magkahiwalay sila ni Gelli. Hindi ako papayag na mamamatay rin siya kagaya ni Bren kaya habang maaga pa ay kukunin ko na siya. Hindi naman totoong maysakit sa utak dahil ang totoo sila ang maysakit sa utak. Ako, alam ko kung ano ang ginagawa ko. Saka wala akong pakialam kung pumatay ako ng sarili kong kadugo basta makuha ko lang ang gusto ko. Tiningnan ko ang sarili kong repleksiyon sa malaking salamin sa aking silid. Mahaba ang buhok, may mukhang nakakaakit at katawang kababaliwan ng mga lalaki. Kaya nga nababaliw sa akin iyong ex-live in partner ko dahil sa angkin kong kagandahan na kahit si Megan Young ay mahihiyang tumabi sa akin. “Oo nga pala, puwedeng-puwede ko itira si Renz dito at bubuo kami ng masayang pamilya. At si Gelli ay uuwing talunan pati sina tito at tita na mas kinampihan siya kaysa sa ’kin,” nakangising sabi ko habang nililibot ko ang tingin sa aking silid. Nandito ako ngayon nakatira sa sarili kong bahay na bigay ng magulang ko sa ’kin. Dahil lahat ng gusto ko ay nakukuha ko kaya pati ang sariling bahay na gusto ko ay binigay nila sa’kin. Tumawag ako sa kaibigan kong si Kenneth para tulungan ako sa pinaplano kong dukutin si Renz. Sisiguraduhin kong mapapasakin siya sa ayaw niya at sa gusto. Kung sino mang humarang sa pagkuha ko kay Renz ay mamamatay. Si Kenneth ay isa sa mga lalaking naka-live in ko sa Canada. Kahit anong sabihin o ipagawa ko sa kanya ay susundin niya at ang kapalit ay ibigay ang sarili ko sa kanya. Wala naming kaso sa ’kin dahil naibibigay naman niya ang pangangailangan ng katawan ko. Pero ngayon kay Renz na muna ang katawan ko. Baka kasi ma-turn off siya kapag nalaman niyang pinagsasabay ko sila. Narinig kong may bumusina sa labas ng bahay ko hudyat na nandiyan na si Kenneth sa labas upang sunduin ako. Ngayon ang araw na gagawin ko ang plano naming pagdukot kaya nasasabik na akong makasama siya. Mabilis kong kinuha ang maliit na sling bag ko at isinukbit ito sa aking balikat. Tamang-tama nakapantalon at t-shirt ako para kung anuman ang mangyari ay mabilis akong makagagalaw. Isinarado ko nang mabuti ang pinto at gate ng aking bahay bago sumakay sa kotse ni Kenneth. “Tamang-tama lang ang pagdating mo, mahal ko,” sabi ko sabay halik sa kanyang mga labi. “Tara na, mag-aalas siyete na. Malapit na ang uwian nila sa opisina. Dala mo ba iyong pinadadala ko na mask at sumbrero? Alalahanin mo kailangan natin ‘yon para hindi tayo makilala.” “Oo naman, nandiyan sa likod ng driver’s seat tingnan mo na lang. Lahat ng sinabi mo sinunod ko baka naman puwedeng pagbigyan mo muna ako?” sabi niya sa’kin habang mariin niya akong hinalikan. Mga ilang minuto rin kaming naghalikan sa loob ng sasakyan niya. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko pero kailangan kong pigilan dahil gusto ng katawan ko ay si Renz. Kaya pinilit kong ilayo ang labi ko sa kanya upang matigil na ang ginagawa niyang paghalik sa’kin. “Tama na Kenneth. Kailangan pa nating kunin si Renz. Babawi na lang ako sa susunod na pagkikita natin,” malambing na sabi ko bago humalik sa kanyang mga labi. “Sabi mo ‘yan ha? Kapag ako niloko mo Sheryl sisiguraduhin kong malalaman nila ‘tong plano mo at makukulong ka,” seryosong sabi niya habang hawak ng mahigpit ang braso ko. Ngumisi lang ako noong sinabi niya ‘yon sa ’kin. “Kapag ginawa mo ‘yan pareho lang tayong makukulong kaya paandarin mo na ‘yang sasakyan mo para makaalis na tayo.” Pagkatapos ay dumungaw na lang ako sa labas ng bintana para hindi na humaba pa ang usapan namin. Sisiguraduhin kong magiging masaya siya at hinding-hindi siya magsisisi sa piling ko. Mabuti na lang talaga nakapamili ako ng mga sexy dress at mga pabango na sa tingin ko ay magugustuhan ng mga lalaking tulad niya. Nararamdaman kong magiging tagumpay ang pag-kidnap ko kay Renz sa tulong ni Kenneth. “Kung gusto mo talaga siya, gumawa ka ng paraan. Hindi iyong tiningnan mo lang sa malayo tapos sasabihin mong imposible maging sa iyo. Natural, wala kang ginawa e. Kaya nga ito ngayon ang ginagawa ko ang kunin siya sa santong paspasan,” nakangising sabi ko habang sa isip ko ay magkasama kaming dalawa na nakahiga sa kama at walang saplot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD