CHAPTER 11

1132 Words
Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sinagot ko si Renz. Wala atang araw na hindi niya ako sinosorpresa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bulaklak, tsokolate, pagkumusta sa 'kin sa pamamagitan ng pagti-text at pagtawag.  Isa pa sa mga mas kinikilig ako sa kanya ay kapag nagsasabi siya ng mga korning linya. Hindi ko nga alam kung saan niya pinaghuhugot 'yon.  Si mommy naman ay wala pa ring tigil sa katutukso sa 'min na magpakasal na raw kami ni Renz. Ang dahilan niya ay hindi na raw sila bumabatang dalawa ni daddy. Nangingiti na lang kami sa mga pinagsasabi ni mommy na ‘yon.  Paminsan-minsan ay naaalala ko pa rin si Bren. Siyempre hindi ko naman puwedeng makalimutan na lang siya ng ganoon-ganoon lang. Minsan magkasama kami ni Renz dumalaw sa puntod niya. Malabo na sigurong makalimutan ko ang unang lalaking minahal ko.  Nagpapasalamat na nga lang ako at binigyan ako ng kasintahang katulad ni Renz. Malambing, guwapo, responsable, masipag, maunawain at higit sa lahat ay mahal na mahal ako.  "Gelli, mahal ano na naman 'yang iniisip mo? Sa sobrang guwapo ko ata natutulala ka na. Baka matunaw naman ako mamaya katititig mo sa 'kin niyan?" mapang-asar na sabi niya.  "Asus tumigil ka nga! May kulangot ka lang sa mukha mo kaya napatitig ako sa 'yo," nakangising sabi ko naman sa kanya. Akala niya siya lang marunong mang-asar.  "May kulangot na nga ako tinititigan mo pa ako. Dapat sinabi mo agad para natanggal ko," nagtatampong sabi niya sabay layo sa akin.  "Ikaw naman hindi mabiro. Wala ka namang kulangot sa mukha. Tara na mag-lunch na tayo mahirap ang malipasan ng pagkain," nakangiting sabi ko sabay hawak sa mga bisig niya.  "Tara na nga pasalamat ka guwapo ako kaya patatawarin na kita," nakangiting sabi niya sabay halik sa mga labi ko.  Tuwing kaming dalawa lang ang magkasama ay ganito kami sa isa't isa. Nag-aasaran at minsan nagpipikunan pero nagkakabati rin naman. Mahirap kasing patagalin pa ang awayan baka kasi makasanayan na namin.  Bago kami pumunta sa ground floor kung saan kami madalas kumain ay walang awat na nagsabi pa siya ng mga korning linya.  “Gellli, sa tingin mo bakit binaril ng BOBO ang first LOVE niya?” nakangiting tanong niya sa ’kin. “Hindi ko alam. Malay ko sa kanila?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Pati ba naman ‘yon iintindihin ko.  “Kasi gusto niya malaman kung totoo nga ba ang "FIRST LOVE NEVER DIES". Hindi ka pa rin ba kinikilig sa linyahan ko? Ang hirap naman pakiligin ng girlfriend ko,” nanunuksong sabi niya sa’kin habang may padabog-dabog pa habang naglalakad.  Natatawa na lang ako sa mga galawan niya na parang bata.  “Ano may sasabihin ka pa? Hay naku Renz puro ka kalokohan!” pakunwaring inis na sabi ko sa kanya.  “Oo naman, ako pa ba? Gusto ko kasing pakiligin ka.  Huli na ‘to tapos kakain na tayo,” nakangiting sabi niya sa’kin pagkatapos ay kinuha na niya ang bag ko para bitbitin. “Hindi lahat nang tumatakbo palayo sa ’yo dapat mong habulin. Minsan, kailangan mo ring isipin kung aabutan mo pa siya o habang buhay ka na lang hihingalin. Pero siyempre para sa ’yo handa akong hingalin at pagpawisan makasama ka lang.” Sa sobrang kilig ko ay napayakap na lang ako sa kanya.  “Naku, naging tayo lang naging weirdo ka na. Pero ‘yan ang pinakanagustuhan ko sa’yo lagi mo akong pinapasaya. Sana lagi na lang tayong ganito. Dapat lagi lang tayong masaya,” nakangiting sabi ko pagkatapos ay tumingkayad ako upang halikan siya sa kanyang mga labi.  Natawa pa ako sa reaksyon niya dahil natulala pa siya sa ginawa kong paghalik. Sabagay, ngayon ko lang kasi ginawa ‘yong ako ang naunang humalik sa kanya. Kaya para mawala ang pagkatulala niya ay pinitik ko ng mahina ang tainga niya.  “I-ikaw ha, may pagnanasa ka rin pala sa ’kin. Nakagugulat ka dapat sinabihan mo ako na hahalikan mo ako para naman nakapaghanda ako. Tara na, baka nagugutom na ang mahal ko,” nakangiting sabi niya sa ’kin. Halata mo sa mga kilos niya na natutuwa siya dahil sa malapad na ngiti niya at pakanta-kanta pa habang naglalakad kami papunta sa elevator.  Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa canteen kung saan kami madalas kumakain. Hindi na kami kumain sa labas dahil masarap naman ang mga pagkain dito.  “Diyan ka lang mahal ah! O-order lang ako ng makakain natin,” nakangiting sabi niya habang nakapamulsa sa coat niya. Mayamaya habang abala si Renz na bumili ng pagkain namin ay may hindi sinasadyang nahagip ang mga mata ko habang kumakain kami kina Aling Betty ng paborito naming pork sisig. Nakita ko si Sheryl habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin.  Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero sana wala siyang gawing kabaliwan ngayon.  Katulad din ng nangyari noon kay Ivo. Nang malaman ni Sheryl na may gusto ito sa akin ay naglaslas ito ng pulso na naging dahilan ng muntikan na nitong pagkamatay.  Kaya tinapat niya si Ivo na layuan na lang siya at huwag ng ituloy ang balak nitong panliligaw. Bata pa lang kasi ay alam na ng pamilya namin ang ugali ni Sheryl. Kapag may gusto siya na bagay o tao ay gagawa siya ng paraan para makuha niya ito.  Nalaman ko na naging sila rin ni Ivo pagkatapos ng pangyayaring iyon pero ilang araw lang ay naghiwalay din sila. Ilang buwan din ang lumipas ay naging magkasundo ulit kami at naging magkasama sa mga kalokohan na parang walang nangyari sa aming dalawa.  Hanggang sa ipakilala niya sa akin si Bren hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob at unang beses na tumibok ang puso ko. Dahil sa matalik silang magkaibigan ay unti-unting nahulog ang loob ni Sheryl sa kanya. Masyadong nahumaling din noon kay Bren si Sheryl at noong nalaman ni Sheryl na nililigawan ako ni Bren ay nagbago ulit ang pakikitungo niya sa ’kin.  Kung ano-anong paninira, pang-aaway at pilit niyang inaakit si Bren para paghiwalayin kami. Kaya gumawa na ng paraan ang magulang niya dalhin siya sa ibang bansa para paglayuin kaming magpinsan.  “Bakit ka natulala, Gelli? Ano tinitingnan mo sa malayo?” nag-aalalang tanong sa’kin ni Renz habang nakatingin sa lugar kung saan ako nakatingin.  “Ah wala! Akala ko kasi may nakita akong kakilala,” nakangiting sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pero sa kaibuturan ko ay kinakabahan ako sa maaaring gawin ng pinsan ko. Sana talaga nagbago na si Sheryl at hindi na siya gagawa ng mga bagay na ikinakatakot kong gawin niya.  Tiningnan ko ulit si Sheryl sa lugar malapit sa bilihan ng milktea kung saan siya nakatayo kanina at nakatingin sa amin. Pero wala na siya roon sa kinatatayuan niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD