Masayang naglalakad sina Gelli at Renz habang nag-uusap tungkol sa gagawin nila mamayang uwian. Balak kasi nilang manuod ng sine ngayong araw.
Mayamaya ay may isang babae ang sumulubong sa kanila habang silang dalawa ay naglalakad papuntang opisina.
Nagulat si Gelli sa biglang pagyakap nito sa kanya.
"Gelli, matagal-tagal din simula noong huli tayong magkita…” sabi nito pagkatapos ay kumalas na ito sa pagyakap sa kanya. “May kasama ka pa lang guwapong lalaki baka naman gusto mo siyang ipakilala sa akin?" nakangiting sabi nito kay Gelli habang nang-aakit na nakatingin kay Renz.
"Kumusta na magaling kong pinsan? Mukhang hindi pa rin nagbabago ang Sheryl Cruz na nakilala ko sa nakalipas na limang taon. Maganda, mapang-akit at mahilig ka pa ring manggulo sa tulad kong nananahimik! Dapat hindi ka na bumalik kasi tahimik na ang buhay ko noong nawala ka para pumunta sa Canada at doon mag-aral. Kaso nandito ka na naman para lang ipakita siguro kung gaano ka katalunan," nakangising sabi ni Gelli habang matalim na nakatingin kay Sheryl.
Hindi inasahan ni Sheryl na ganoon ang ipapakita sa kanya ni Gelli. Sabagay…sa dami ba namang mga kalokohan ang ginawa ko sa kanya noon.
Sumimangot na lang siya sa sinabi ni Gelli sa kanya. Pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa lalaking nasa tabi nito. "Gusto kong malaman kung ano ang pangalan mo?" nang-aakit na sabi niya. Lalapit sana siya kay Renz para humalik sa pisngi nito pero hindi na natuloy dahil hinila ito ni Gelli palapit sa kanya.
"Ako si Renz ang boss at manlili..." naputol ang sasabihin sana ni Renz dahil sa biglaang hinawakan ni Gelli ang kamay nito.
Nagtataka man si Renz sa ginawa nito ay ipinagkibit-balikat niya na lang. Simula kasi ng ligawan niya si Gelli ay hindi ito gumagawa ng unang hakbang para magkalapit sila.
"Renz alam kong magugulat ka sa gagawin ko dahil matagal na rin simula noong manligaw ka sa 'kin. Pero siguro ito na ang oras para sagutin na kita. Ayaw ko na kasing maagaw ka pa ng iba dahil nakapaligid lang ang mga malalanding babae," nakangiting sabi ni Gelli kay Renz.
Nagtataka man si Renz sa ginawa nito ay masaya pa rin siya dahil natupad na ang inaasam niya na maging kasintahan si Gelli.
Ngumiti muna bago nagsalita si Renz. "Alam mo para kang Lupang Hinirang. Kasi naririnig pa lang kita napapahinto na ako at hindi lang 'yon napapahawak pa ako sa puso ko."
"Ikaw talaga ang hilig mo magsabi ng mga korning linya kaya nga habang tumatagal unti-unti na kitang nagugustuhan," nagba-blush na sabi ni Gelli habang kinukurot ang pisngi ni Renz.
GIGIL na gigil na nakatingin lang si Sheryl habang magkayakap ang bagong magkasintahan. Hanggang may nabuong siyang plano para makuha at maakit ang lalaking nagpapasaya kay Gelli ngayon.
"Mabuti na lang pala dumating ako kung hindi baka matagal pa bago ka sagutin ng pinsan ko. Binabati ko pala kayong dalawa Gelli at Renz! Sige aalis na muna ako at sana magtagal kayo," nakangising sabi ni Sheryl sa kanilang dalawa bago tumalikod at naglakad papuntang elevator.
Katulad na lang ng isa sa kilalang basketball player sa lugar namin at naging barkada ko dahil sa sobrang pagiging fan girl ko dahil lahat na lang ng liga na sinasalihan ng team nila ay lagi akong nandoon at sinusuportahan sila.
“Ivo, pinsan ko nga pala si Gelli. Siya iyong palagi ko sa iyong kinukuwento na nag-iisa kong pinsan at itinuturing ko na ring kapatid,” nakangiting sabi ko habang hawak-hawak sa braso si Gelli na mukhang hiyang-hiya dahil ipinapakilala ko siya sa lalaking hinahangaan ko.
“Ano ka ba Sheryl? Bakit mo ba ako dinala pa rito,” pabulong na sabi ni Gelli sa akin habang nakasimangot.
“Sige na naman Gelli, samahan mo na ako saglit para makasama ko nang matagal si Ivo. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nandito di ba? Para makausap siya…”
“Tsk…oo na nga! Pasalamat ka at pinsan kita,” nakaismid na sabi niya pa sa akin.
“Hello, sa wakas at nakita na rin kita Gelli! Lagi ka kasing kinukuwento nitong pinsan mo. Mahilig ka rind aw kasi manood ng basketball at fan ka rin ng Ginebra…”
Pagkatapos noon ay parang wala ng Sheryl na nage-exist sa harap nila. Dahil halos sila na lang dalawa ang nag-usap. Simula noon ay madalang na lang din makipag-usap sa akin si Ivo hanggang sa nalaman ko na lang sa kaibigan namin na nanliligaw nap ala siya kay Gelli.
“Bakit ganoon? Ako ang mas matagal ng kasama ni Ivo at alam niyang may gusto ako sa kanya pero bakit si Gelli na kalian lang niya nakilala niligawan niya agad? Mas maganda at sexy naman ako sa pinsan kong iyon. Boring din siyang kasama dahil napakaseryoso nito pero bakit siya ang pinili hindi ako?”
Sisiguruhin niyang hindi magiging masaya ang pinsan niyang si Gelli kay Renz. Nagsimula kay Ivo hanggang kay Bren. Dahil lahat ng mga lalaking nagugustuhan niya ay siya ang gusto.
Doon na nagsimula ang inis ko sa kanya hanggang sa parang pati magulang ko ay siya lagi ang kinakampihan. Pakiramdam ko inagaw niya na sa akin ang lahat.
"Mahirap magmahal at umasa lalo na at alam mong may nagmamay-ari sa kanyang iba pero gagawa ako ng paraan para mapunta sa'kin ang lahat ng nasa iyo, Gelli," nakangising sabi niya at parang wala sa sariling tumatawa habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan.
HABANG papalayo na si Sheryl ay masaya namang naglalakad na magkahawak ang kamay sina Gelli at Renz papuntang opisina.
"Gelli, 'yong kaninang sinabi mo? Totoo ba 'yon? Tayo na ba o baka nabibigla ka lang dahil kaharap natin kanina ang pinsan mo," seryosong tanong ni Renz sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Sa totoo lang sasagutin na kita mamaya sa date natin. Pero dahil sa nakita kong interesado ang pinsan ko sa iyo ay natakot ako na baka maagaw ka pa niya sa 'kin. Kaya ko ginawa iyong kanina. Sana hindi ka galit dahil sa ginawa ko," malungkot na sabi ni Gelli kay Renz.
Nasa loob na sila ngayon ng opisina at nag-uusap tungkol sa nangyari kanina.
Hinalikan muna ni Renz sa pisngi si Gelli bago magsalita. "Huwag ka ng malungkot mahal. Basta ang mahalaga tayo na at hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Mahal na mahal kita, Gelli at walang ibang mas maganda pa para sa akin kung hindi ikaw lang. When I tell you I love you. That was a lie. I am consciously, incredibly, madly addicted to you, Ms. Gelli Cruz. Kaya huwag kang bibitaw kapag may mga pagsubok na dumating sa ating relasyon," buong pagmamahal na sabi ni Renz habang masuyong nakahawak sa mukha nito.
"Mahal na mahal din kita, Renz. Sa tingin ko matutuwa sina mommy at daddy kapag nalaman nilang sinagot na kita," nakangiting sabi ni Gelli sa kanya pagkatapos ay sabay na silang naglakad paalis na magkahawak ang kamay.