Sa anim na buwang hindi siya pumasok dahil sa namatay ang kasintahan niya ay natuwa ako. Natuwa ako dahil baka kahit konti ay may pag-asa na maging kami. Kaya lahat ng mga gawain niya bilang sekretarya ko ay ako na ang gumawa. Hindi ako kumuha ng kapalit kahit gusto ng daddy niya. Alam ko na marami siyang naririnig na kung ano tungkol sa 'kin pero nakikita kong hindi siya naniniwala dahil sa maayos na pakikitungo niya sa 'kin.
Pero noong araw na nakita niya ako sa mahalay na sitwasyon ay hindi ko siya kayang habulin dahil hindi ko alam kung ano baa ng dapat kong gawin o sabihin.
Isa kasi si Shane sa mga babaeng handang gawin ang lahat mapansin ko lang.
Nagkataon noong araw na na-late si Gelli ay pumunta si Shane sa opisina ko para may ihatid na papeles mula sa opisina ni Sir Jorge kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pumunta sa opisina ko para landiin ako. Kahit anong pilit ko na lumabas siya sa opisina ko ay para siyang linta na nakakapit sa 'kin.
Kaya simula noong nangyari 'yon ay hindi na makatingin sa akin si Gelli o makausap man lang nang matagal. Kaya ngayon ay gumawa na ako ng paraan para makapagpaliwanag kami.
"Gelli, puwede ka bang makausap?" tanong ko sa kanya habang nakikita ko siyang may ginagawa sa laptop niya.
"Pu-puwede naman po," sabi niya habang naiilang at hindi makatingin sa akin.
"Gusto ko sana 'yong nakatingin ka sa 'kin at wala kang ginagawa. Puwede ba 'yon Gelli? Saka huwag ka nang mailang sa 'kin dahil matagal na rin simula noong mas-umpisa ka bilang sekretarya ko kaya dapat hindi ka na naiilang sa akin at kung ang iniisip mo ay tungkol sa naabutan mo noong nakaraan ay kalimutan mo na sana," nakita kong itinigil niya na ang ginagawa niya.
Habang nakatayo naman ako sa harap ng lamesa niya. "Doon tayo mag-usap sa sofa para komportable tayong pareho,” itinuro ko ang lugar kung saan kinakausap ko ang mga mahahalagang bisita.
Nauna na akong naglakad papunta sa sofa. Magkaharapan kaming umupo habang tahimik lang siyang naghihintay sa sasabihin ko. Ramdam ko na hindi siya mapakali sa upuan niya dahil maya't maya siya tumitingin sa orasang pambisig niya.
"Gelli, gu-gusto ko sanang magpaliwanag sa ‘yo tungkol sa nakita mo noong nakaraang araw. Alam ko na sa tuwing titingin ka sa akin ay iyon ang naaalala mo kaya ka umiiwas," kinakabahang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bintana. Pagkatapos ay lakas-loob akong humawak sa kamay niya pero ilang minuto lang ay inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Ahh, 'yon ba sir? Wala po sa 'kin 'yong nakita ko. Isa pa po lalaki kayo at siya babae hindi naman po masama na patulan niyo siya dahil pareho naman ata kayong walang kasintahan. At isa pa sekretarya niyo lang naman po ako kaya hindi niyo kailangan magpaliwanag sa akin na parang magkarelasyon tayo," seryosong sabi niya habang nakayuko at nakatingin sa mga kamay niyang nakapatong sa kanyang hita.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan muli ang kanyang mga kamay na ikinagulat niya. "Gelli, para sa 'kin hindi ka lang sekretarya," seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakatingin sa kanyang hita. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
Sa kaunting paglalapit lang naming ay pakiramdam ko malapit nang sumabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Si-sir, ano pong ibig niyong sabihin?" nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Gelli, I love you from the moment you entered my office and became my secretary. Ikaw ang dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok at ikaw din ang dahilan kung bakit pa ako nandito. Kahit alam kong may kasintahan ka noon lihim ka pa ring minahal ng puso ko. Kung puwede lang pigilan ang puso ko na mahalin ka ay ginawa ko na agad pero hindi ko kaya," seryoso at punong-puno ng pagmamahal na sabi ko.
Nakita ko ang pamimilog ng kanyang mata dahil sa pagkagulat pagkatapos ay unti-unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi noong iniangat ko ang kanyang mukha para tumingin sa akin. "Maniwala ka sa 'kin, Gelli. Si Shane ay isa lang sa mga babaeng gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto niya. Ilang beses ko siyang itinaboy pero nagpupumilit siyang halikan ako na nakita mo pagpasok mo. Ikaw lang talaga ang mahal ko, Gelli."
"Hi-Hindi niyo po sir kailangan na magpaliwanag sa 'kin dahil hindi niyo naman po ako kasintahan. Saka baka po nabibigla lang kayo sa sinasabi niyong mahal niyo ako at...,"
Natigil ang kanyang pagsasalita dahil sa bigla kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko kaya pilit niya akong tinulak para ilayo ang sarili niya.
Mabilis kong inilayo ang katawan ko ng marinig ko ang impit na hikbi niya.
Ano ba 'tong kagaguhang ginawa ko?
"Gelli, patawarin mo ako sa ginawa kong paghalik sa 'yo. Hindi ko sinasadyang halikan ka. Nadala lang ako ng damdamin ko kaya nagawa ko ‘yon," lumuluhang sabi ko pagkatapos ay lumuhod ako sa harapan niya.
"Patawad Sir Renz, pero hindi kita kayang mahalin. May isang tao ng nagmamay-ari ng puso ko kung ‘di si Bren lang. At kung talagang mahal mo ako hindi ka gagawa ng ikagagalit ko. Sa paghalik mong 'yan sa 'kin pakiramdam ko hindi mo na iginalang ang p********e ko. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lang habang buhay kaysa ang masaktan ulit dahil sa pag-ibig na 'yan," seryosong sabi ni Gelli sa 'kin habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mukha.
"Tama ka nga hindi dapat kita hinalikan kaya patawarin mo ako, Gelli. Ginagalang kita katulad ng paggalang ko sa 'king ina. Sadyang hindi lang mapigilan ng sarili ko ang halikan ka," sabi ko sa pagkatapos ay tumayo ako malapit sa may bintana. "Pero kahit anong sabihin mo ay hindi ako susuko na mahalin ka. Kahit ligawan ko pa ang magulang mo mapasagot lang kita ay gagawin ko. At kung talagang mahal ka ni Bren ay magiging masaya siya na may ibang lalaki na magmamahal at kukumpleto sa pagkatao mo."
"Ka-kahit pumayag sila sa gusto mo wala silang magagawa kung ayaw ko," mataray na sabi niya sa 'kin habang namumula ang kanyang mga pisngi at hindi makatingin sa akin.
Bakit ganoon? Kahit ang taray ng boses niya para sa 'kin ang sexy pa rin nito sa pandinig ko.
Kaya imbes na mawalan ako ng pag-asa ay lumapit pa ako sa kanya bago nagsalita. "I will make you mine whatever it takes. Maraming bagay ang puwedeng magpapasaya sa 'yo. Kaya huwag mong hayaan na isang tao lang ang magiging rason ng kalungkutan mo. Nandito lang ako palagi para sa'yo. Handa kang mahalin at pasayahin tuwing malungkot ka."
Iniwan ko siyang nakatulala pagkatapos ay pumunta na ako sa swivel chair ko. Nagkunwari akong may ginagawa sa laptop ko habang nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na inaayos niya ang kanyang sarili.
Sa mundo ngayon, bilang na lang ang mga lalaking seryoso. Kaya Gelli maghihintay ako sa iyo hanggang matutunan mo akong mahalin. Alam ko kahit konti may nararamdaman ka rin sa 'kin. Kaya iyong kaunting 'yun ay palalakihin ko hanggang maging akin ka.