CHAPTER 6

1069 Words
"It's okay sir! Kailan po siya magsisimula?" napipilitang sagot ko sa kanya. "In a minute she will be..." napatigil siya magsalita dahil may biglang pumasok na isang babae na nagpatulala sa 'kin.”Gelli, he will be your boss starting today.” Pagpapakilala ni sir sa anak niya. “Mr. Renz, this is my daughter and she will be your secretary. I hope you will teach her everything she needs to know about our company." Suddenly I was mesmerized by a girl’s beauty. She was a bit shy and I feel uneasiness on her actions by biting her rosy lips. Nakarinig ako ng pagtikhim kaya napabalik ako sa ulirat. "I will sir and thank you for the trust." "I’m thankful too, for accepting my daughter to be your secretary, Mr. Renz. Alam mo bang pinili kitang maging boss ng anak ko dahil alam kong kaya mo siyang turuan ng mga dapat niyang malaman at isa ka sa mga pinagkakatiwalaan kong empleyado rito sa kompanya na ‘to," nakangiting sabi niya sa'kin. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Parang gusto kong sabihin na tama lang na dito siya nilagay sa departamento ko bilang sekretarya ko. "Gelli, anak iiwan na kita rito kay Mr. Taylor. Sundin mo lahat anak ang pinag-uutos niya,” malambing na sabi ni sir. Pinagmasdan ko kung gaano kalapit ang mag-ama sa isa’t isa. Masasabi kong si Gelli ay magiging isa ring mabuting may-ari ng kompanyang ito katulad ng kaniyang ama. Umalis na rin si Sir Jorge pagkatapos niyang mag-paalam sa kaniyang anak. Ilang minuto rin ang nakalipas bago nagsalita si Gelli. “Sir, what do you want me to do as your secretary?” tanong niya na hindi mapakali habang nakaupo sa upuang nasa harap ng lamesa ko. “First I want you to observe everything that I do for 1 week. After that, you will do the works all by yourself. Magtanong ka lang sa 'kin kapag may kailangan kang malaman,” seryosong sabi ko sa kanya kahit sa loob-loob ko ay nagwawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi sa nababakla ako pero ganito ata kapag tinamaan ka ng pana ni kupido. Pero bilang boss ay umakto pa rin akong istrikto sa harap niya kahit na sa isip ko ay parang gusto kong hawakan ang maganda niyang mukha. “Okay sir,” nakangiting sagot niya sa’kin habang nakatingin sa bintana. Pagkatapos ng usapan at konting paliwanagan ay tinuruan ko siya nang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa department ko. Isang linggo rin ang lumipas simula ng magsimula siyang magtrabaho bilang sekretarya ko. Napansin ko na mabilis siyang matuto kaya kahit papaano ay hindi ako hirap sa trabaho ko. Lahat ng mga kailangan ko ay nagagawa niya agad ng mabilis tulad ng pagsagot sa mga tawag, pagtulong sa’kin sa pagre-research, pag-promote ng mga produkto sa ibang kompanya at paghahanap ng mga bagong strategies na makakatulong sa kompanya. "Sir you have an appointment and a proposal about advertising in Shin's Winery Corporation at exactly 4pm with Mr. Shinobi," pormal na sabi niya sa akin habang nakatayo sa harap ko at hawak ang maliit na notebook niya. "Thank you Gelli," nakangiting sabi ko sa kanya. Napansin ko na wala na 'yong ilang na dati mayroon siya kapag kinakausap niya ako. Mukhang sanay na siya sa presensiya ko tuwing humaharap sa akin. Wala rin akong makita na paghanga na kadalasang nakikita ko sa mga babae katulad niya. Ang mga kababaihan kasi rito sa departamento ko ay kung palaging nagpapakita ng motibo at minsan ay palihim na nagiging tagahanga ko. Wala rin ang kilig na kadalasang nakikita ko sa ibang mga babaeng nakikita ako. Wala rin ang pamumula sa kaniyang mukha kapag kinakausap ako. Simula noon ay sumibol ang paghanga ko sa kanya dahil mayroon pa lang babae ang makaka-resist ng charm ko. Kung sa ibang mga empleyado ko na sakop ng departamento ko ay masungit at mahigpit ako…sa kanya ay hindi. Hindi ko kayang ipakita sa kanya ang ugali na ipinapakita ko sa iba dahil ayaw kong katakutan o kamuhian niya ako dahil ayaw kong ilipat o magpalipat siya sa ibang departamento. Alam ko rin na may mga balitang kumakalat sa opisina na isa akong babaero at lahat ng mga nandito sa departamento ko ay naikama ko na. Pero ang totoo ay ipinakalat lang ‘yon ng mga babaeng tinanggihan ko. Hindi ko na lang pinapatulan dahil alam ko naman kung ano ang totoo kaya tinatawanan ko na lang. Ayaw ko rin na magtanggal ng mga tao lalo na ng nagkakalat ng tsismis tungkol sa akin dahil alam ko kung gaano kahirap ang maghanap ng kompanyang pagtatrabahuan. Alam ni Sir Jorge ang pagtingin ko kay Gelli dahil umpisa pa lang ay sinabi ko na sa kaniya ang tungkol dito. Hindi ko na lang sinabi at ipanaramdam kay Gelli noon dahil ayaw maging dahilan ito ng pag-alis niya sa departamento ko at ayaw kong mailing siya sa akin. Lahat ng mga alaala noong una ko siyang makita't makilala ay nagpapangiti palagi sa 'kin. Pero noong malaman kong may kasintahan na siya ay unti-unti na akong lumayo sa kanya at pilit kong inalis sa isip at puso ko ang pagkagusto ko sa kanya. Isang linggo na rin ang lumipas simula noong makita ako ni Gelli sa mahalay na sitwasyon. Noong oras na 'yon parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil nakita ako ng nag-iisang babaeng patago kong minahal sa nakakahiyang pangyayari. Patago ko siyang minahal dahil simula ng pumasok siya sa opisina ko bilang sekretarya ay ginulo na niya ang buong sistema ko. Dahil lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ng isang lalaki ay nasa kanya na. Maganda, mahinhin, masayahin, responsable, masunuring anak at puwede mong ipagmalaki sa lahat. Walang bulag na lalaki ang hindi siya kayang mahalin. Hindi ko naman hiniling na may mangyaring masama kay Bren at maging dahilan ng pagkamatay nito. Pero ito na siguro ang langit na siguro ang nagbigay ng daan para maipagtapat ko ang nararamdaman ko sa kanya. At sisiguraduhin ko na maging isang mabuting lalaki para sa kanya. Dahil para sa 'kin ang tunay na lalaki ay nagpapangiti ng babae, hindi nagpapaiyak. Kaya sisiguraduhin ko na tuwing ako ang kasama niya ay pangingitiin ko siya. “Kapag nakikita ko siyang nasasaktan, mas nasasaktan ako. Mas gugustuhin kong ako na lang, huwag ka lang masaktan, huwag lang kitang makitang malungkot.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD