CHAPTER 5

965 Words
Hindi ko na hinintay na magsalita ulit 'yong kausap ko. Pinatay ko na agad ang tawag at mabilis na umalis sa opisina. Naglalakad ako na punong-puno ng luha ang aking mukha habang papunta sa labas ng kompanya para maghintay ng masasakyang taxi.  Hindi ko na inabalang punasan ang luha sa mukha ko dahil ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay ang makita si Bren sa hospital para mayakap at makita ang kalagayan niya.   Pagdating ko sa hospital ay awang-awa ako sa kalagayan niya. May tubo siya sa bibig, may benda sa kanyang ulo at katawan. Magang-maga ang kalahati ng kanyang mukha mula sa natamo raw nito sa pagkakabangga ng kotse sa malaking truck ng basura.  Noong ni-review ang CCTV para malaman ang totoong nangyari ay nakita nila ang truck na mabilis ang takbo at mukhang nawalan ng preno. Sakto namang paliko ang kotse niya pakanan kaya sumalpok ang kotse ng kasintahan niya sa truck na naging dahilan ng aksidente. Kitang-kita kung paano nayupi ang unahang bahagi ng sasakyan at grabe ang pinsalang idinulot nito kay Bren. Mabuti na lang ay may mga tumulong na tao at dumating agad ang mga rescuer kaya nadala agad siya sa ospital.  Ang drayber naman ng truck ay wala masyadong natamong sugat mula sa aksidente. Dahil sa labis itong nakonsensiya ay agad rin itong sumuko sa mga pulis kaya mabilis na nalutas ang kaso. Ayon sa kanya ay nawalan daw ng preno ang minamaneho niyang truck kaya hindi na nito napigilan ang pagsalpok nito sa kotse. Ilang buwan din ang lumipas noong nagbantay ako sa hospital at labis ko ring ipinagtataka kung bakit wala rito ang magulang niya para dumalaw. Nalaman ko na lang sa mga kaibigan niya na may kanya-kanya na palang pamilya ang magulang ni Bren. Tuwing nagtatanong kasi ako noon sa magulang niya kung nasaan ay hindi ito sumasagot kaya hinayaan niya na lang.  Dahil sa malaki ang idinulot na pinsala mula sa malakas na pagkakauntog ng kanyang ulo sa windshield ay hindi na ito gumising pa. Hindi ko matanggap na 'yong lalaking minahal ko ay naging ganoon ang sitwasyon.  Hindi ako makatulog, makakain, makaligo at makausap ng pamilya ko dahil sa nangyari sa kanya. Sabi nila nakatitig lang ako buong araw kay Bren naghihintay na magising at makasama siya. Sabi pa ng doctor himala na lang ang magising siya mula sa pagkaka-coma pero sa kasawiang palad ay sumuko na lang ang katawan niya dahil sa pagkaka-coma nang mahigit isang buwan. Mula nang mawala siya sa buhay ko ay sinirado ko na ang puso’t isip ko sa ibang tao sa loob ng anim na buwan. At noon kapag namimiss ko siya kahit matutulog na lang ako ay naglalaan pa rin ako ng oras para isipin siya. Pero noon 'yon, ngayon kailangan ko ng maging masaya sa kabila ng lahat. Hindi ka Bren mawawala sa puso't isipan ko kahit na may sumisibol ng kaunting pagtingin ang puso ko para kay Renz. Malungkot kapag 'yong taong sobra mong pinahalagahan bigla kang iniwan ng hindi mo inaasahan. Pero alam ko bawat mga nangyayari sa'kin ay may dahilan. Hindi naman siguro ako susubukin ng Panginoon kung alam niyang hindi ko makakayanan.    UNANG beses ko pa lang na nakita si Gelli ay hindi na siya nawala sa isip ko. Lagi kong naaalala ang maamo niyang mukha.  Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ako naman 'yong tipo ng lalaki na hindi madaling maakit ng ganoong babae. Sanay na kasi ako na palaging pinaliligiran ng mga naggagandahang babae at sila mismo ang lumalapit sa 'kin para mapansin ko. Siguro nga na-love at first sight ako sa kanya. Si Gelli kasi ay naiiba sa mga babae dahil kahit anak pa siya mismo ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko ay hindi niya ginagamit ang ama niya para ipagyabang ito sa lahat.  At bilang sekretarya ko ay nagagawa niya nang maayos ang ipinapagawa ko. Isa pa ay madaling siyang matuto.  Ang mga nagtatangka naman sa kanyang manliligaw ay tinatapat niya na wala itong pag-asa pa dahil malapit na siyang ikasal sa kasintahan nito.  Kaya ako bilang boss niya ay hindi na rin hinangad na magustuhan niya dahil si Gelli ay isang babaeng tapat kung magmahal.  Napakasuwerte ni Bren na magkaroon ng isang kasintahang katulad niya. Naalala ko pa noong unang ipakilala sa 'kin ni Sir Jorge si Gelli para maging sekretarya ko.   Nasa loob ako ng opisina at kasalukuyang inaayos ang mga papeles na inihahanda ko para sa mga proposals at marketing strategies na ginawa ko.  Napahinto ako sa kasalukuyang ginagawa ko dahil sa biglang may kumatok sa pinto ng aking opisina. "Good morning Mr. Taylor," nakangiting bati ng boss ko sa 'kin. Kahit siya ang may-ari ng kompanyang ito ay hindi siya kailanman nagpakita ng pangit na ugali sa mga emplayado niya.  I just gave him a warm handshake before I greeted him. "Good morning too, Sir Jorge. Please have a seat."  Tumango naman siya bilang tugon pagkatapos ay umupo sa swivel chair na para sa mga magiging bisita ko. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ako nandito sa opisina mo kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang ipaalam na ang anak ko na babaeng si Gelli ay ilalagay kong sekretarya sa departmento mo," pormal na sabi niya sa 'kin. Habang animo’y parang may hinihintay na dumating dahil sa malimit niyang pagtingin sa pinto.  Gustuhin ko mang tumanggi na huwag akong bigyan ng sekretarya na babae dahil baka maging sakit pa ng ulo ko at wala ng ibang gawin kung hindi ang magpa-cute sa 'kin.  Ngumiti na lang ako bilang tugon sa boss ko. “Renz, alam mo na ang gagawin mo kapag naging abala lang sa iyo ang bago mong sekretarya.” Naisip niya na kung anong gagawin niya kapag hindi nagawa nang maayos ng sekretarya niya ang trabaho nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD