Chapter 1

1750 Words
Bella Lumabas ako ng aming tahanan para manguha ng gulay na iluluto ko mamayang tanghalian. Simple lang ang uri ng pamumuhay namin rito sa isla. Malayo man sa sibilisasyon ay masaya kaming namumuhay ng pamilya ko dito. Ang mga ninuno ko ang may-ari ng maliit na islang ito. British expat ang ninuno ko na nakapangasawa ng isang Pilipina ayon sa kasaysayan ng mga ninuno namin. At dito na rin sila nagsalinlahi. Nag-iisang anak lamang ako ng aking mga magulang. Ngunit kahit solong anak lamang ako ay hindi naman ako nalulungkot. May mga pinsan naman akong nandiyan lagi sa tabi ko simula nu'ng mga bata pa kami. Lahat kami ay dito isinilang at lumaki sa isla. Dito na rin kami nakapagtapos ng pag-aaral hanggang high school. Dahil may sariling eskuwelahan ang isla. Isang Christian community school at meron ding Christian church kung saan kami nagsisimba ng pamilya ko tuwing linggo. Kasali din ako sa choir na kumakanta every Sunday. Pangarap kong makapag aral ng kolehiyo sa siyudad. Matagal ko ng pangarap yun. At gusto kong maging isang Flight Attendant balang-araw. Gusto ko kasing libutin ang buong mundo. Kahit kelan kasi hindi ko pa naranasan ang makarating sa ibang lugar. Dito na sa isla umikot ang buhay ko. Ang problema ay hanggang pangarap na lamang 'yon. Isang pangarap na malabong matupad kailanman. Hindi naman kami mayaman para makapag aral ako sa isang malayong lugar. Isa pa, malulungkot ang mga magulang ko kapag napalayo ako sa kanila. Pumalaot sa dagat ang aking Itay at ang Tiyuhin ko ngayong araw para manghuli ng isda. Pangingisda kasi ang hanapbuhay ng karamihan sa mga taga rito sa isla. Pero ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay bumalik na sila agad dito sa 'min. Laking gulat ko ng makitang may buhat-buhat silang lalaki na walang malay-tao. May mga pasa at sugat sa katawan nito. Nagkumpulan ang mga tao dito sa isla nang makita ang walang malay na lalaki. Sa tantya ko ay nasa twenties na ito. Malaki ang kanyang pangangatawan, matangkad, maputi at matangos ang ilong. In short, gwapo ito. Pero ano kaya ang nangyari sakanya? Nakisali na rin ako sa kumpol ng mga taong curious sa nangyari sa lalaki. Dinala na siya ng aking Itay at Tiyuhin dito sa medical clinic ng isla para mabigyan ng pangunang lunas. Hindi parin siya nagkakamalay. Mukhang malala ang tinamo niyang mga sugat sa katawan. Ilang araw na rin ang lumipas pero wala pa ring malay-tao ang lalaki na nakahiga sa kama ng clinic. Si Itay ang madalas magbantay sakanya. Kung minsan ay ako kapag nangingisda na si Itay. Humahangos na nagtungo si Itay sa bahay namin. Napatigil ako sa aking ginagawa. Abala kasi ako sa paglilinis ng aming tahanan. "Bella, anak, nagising na ang lalaki," hinihingal na sabi ni Itay. "Talaga po, Itay? natutuwang tanong ko at nabitawan ang hawak kong walis tambo. Mabuti naman at nagkaron na siya ng malay. Lahat kami ay nag alala sa kalagayan niya. "Oo, 'nak, kaya lang wala siyang maalala kung bakit napadpad siya dito," malungkot ang tinig ni Itay. Nakakaawa naman ang sinapit ng isang estrangherong yun. Base sa nangyari sakanya ay malamang naaksidente ito sakay ng eroplano. Milagrong nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan. Pero wala siyang maalala kung sino siya at nasaan ang pamilya niya. Nagkaroon siya ng amnesia dahil sa tinamong head injury. "Where the hell am I?" he shouted loudly. Pinuntahan ko kasi siya sa clinic upang makita ang kalagayan niya. Muntik na akong mapatalon sa gulat sa lakas ng kanyang boses. He scared the hell out of me. "Who are you?" Nakakunot-noong tanong niya sa 'kin. "I'm Bella...Bella Smith. Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko. "Like hell, I would stay here If I remember anything," nakasimangot na wika nito. Nakakainis naman ang isang 'to. Pasalamat nga siya dahil buhay siya eh. Sa tono ng pananalita niya ay mukha syang spoiled brat. Nakakuyom ang mga kamao niya habang nakapatong ito sa kanyang mga hita. Mukhang mainitin ang ulo nito. Kaya naman iniwan ko na muna siya para mapag-isa. Baka kasi ako pa ang mapagbalingan niya ng init ng ulo kaya dali-dali na akong naglakad palabas ng clinic. Mag-iisang linggo na rin simula nang magkamalay ang lalaki na sinagip nina Itay. Hindi pa fully recovered ang kanyang katawan kaya nagpapagaling pa siya dito sa isla. Wala siyang natatandaan na kahit anong tungkol sa kanyang pagkatao. Pero may nakita akong bracelet na suot niya sa kaliwang pulso at naka engraved dun ang pangalang Zac. Marahil yun ang pangalan niya. "Kuya, kain ka po muna." nagluto ako ng almusal namin. Ang mga magulang ko ay abala sa pagtatrabaho kaya ako ang naiiwang mag isa dito sa bahay. Dito na rin nga pala nakatira samin ang lalaki. Hanggang wala pa itong alaala ay dito na muna siya pinatuloy ng mga magulang ko. Mabait sila sa estrangherong ito kahit na hindi nila alam ang buong pagkatao nito. Pinaghain ko siya ng pritong isda at gulay. "Okay, just leave it there." sabi niya na hindi man lang tumitingin sakin. "Okay po." nakangiting tugon ko. Nakasimangot ang itsura niya ng lumingon saken. Nag ayos na ako para pumunta sa mga pinsan ko na nakatira malapit lang dito sa bahay namin. Iniwan ko na ang lalaking yun mag isa. Napakasungit kasi eh. Walang magtatagal makipag usap sakanya. "Couz, anong pangalan nun?" Tanong ni Kelsey na pinsan ko. Si Zac malamang ang tinutukoy niya kasi wala namang ibang dayo dito sa isla namin kung 'di si Zac lang. "Ah, si Zac." tipid na sagot ko. "Zac? Zac Efron?" manghang tanong niya. Aba't napagkamalan niya pang Hollywood actor ang isang 'yon. "Baliw," napairap ako sa sa kanya. "Eto naman, joke lang. Pero in fairness couz ang gwapo niya," kinikilig na sabi ni Kelsey. Parang kinikiliti sa singit ang gaga sa sobrang kilig. "Gwapo ba 'yun? Napakasungit nga nu'n eh. Kala mo naman prinsipe," naiinis na sabi ko. Lagi ngang nakakunot ang noo nu'n. Hindi ko talaga makakasundo ang isang 'yon kahit pa gwapo ito. Hindi ko gusto ang mga tulad niya. At wala rin akong planong makipagkaibigan sa kanya. "Talaga? Mukha naman siyang mabait, ah. Saka parang tahimik lang." Mabait? Baka mabait pagtulog. "Uy couz, crush ko na siya," kinikilig na sabi ni Kelsey. Magkababata lang kami ni Kelsey. Sabay kaming lumaki dito sa isla. Matanda lang siya ng isang taon sa 'kin. She's 19 while I'm 18. "Eh, 'di ligawan mo," I rolled my eyes. Patay na patay talaga ito sa mokong na yun. Ewan ko ba kung bakit na love at first sight ang pinsan ko sa lalaking 'yon. "Hala, ba't ako ang manliligaw? 'Di ba dapat siya?" aniya habang nakataas ang isang kilay. "Ano ka ba hindi na 'yun uso ngayon, 'noh!" tukso ko kay Kelsey. "Wow ha! Ewan ko sa 'yo Bella. Dami mong alam," nakasimangot na wika nito. I laughed. Seriously? Crush niya 'yung lalaking 'yun na parang pinagsakluban ng langit at lupa? Parang galit sa mundo. Napabuntong-hininga na lamang ako. Napansin kong nakatanaw sa malayo si Zac. Nakatingin lang siya sa langit habang nakaupo sa buhanginan. Mukhang may malalim na iniisip. "Kuya, kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, ha?" ani ko kay Zac na hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Parang walang narinig ang mokong. Hindi kami madalas nag-uusap ni Zac. Kinakausap ko lang siya para tawagin 'pag nakahanda na ang niluto kong pagkain. O kaya naman ay 'pag may kailangan siya. Masiyado siyang tahimik at parang laging may malalim na iniisip. Hindi pa siguro siya nakakapag-adjust sa buhay dito sa isla. Habang abala ang mga magulang ko sa paghahanapbuhay ay ako naman ang naiiwan para gumawa ng mga gawaing bahay. Pumupunta rin ako sa kakahuyan para manguha ng mga prutas at mga gulay. Pati na rin ang pangunguha ng kahoy na panggatong para sa pagluluto. Nakasanayan ko na itong gawin sa araw-araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mapadpad dito si Zac at manatili sa aming isla. Ganu'n pa rin ang ugali niya. Tahimik, suplado at walang pakialam sa mundo. Wala pa rin siyang naaalala tungkol sa nakaraan niya. Habang bitbit ko ang mga prutas na pinanguha ko sa kakahuyan ay lumapit si Zac sa akin. Nabigla naman ako. Tinulungan niya akong bitbitin ang mga dala ko. May bitbit rin kasi akong panggatong. Nakita niya siguro na nahihirapan ako. "Salamat," ani ko. Ngumiti ako sa kanya. Pero wala siyang imik. Bakit ba ganito kaseryoso ang isang 'to? Gwapo nga siya pero napakamisteryoso naman. Pinagmasdan ko ang itsura ni Zac. Dark brown ang kulay ng kanyang buhok. Asul ang kulay ng kanyang mga mata at malalantik rin ang kanyang eyelashes. May makapal siyang kilay. Maputi ang kanyang balat pero dahil dito na rin siya nakatira sa isla ay nagiging tan na rin ang mestisuhin niyang balat. Matangos ang kanyang ilong. May manipis na mamula-mulang labi. Matangkad rin siya. Nasa 6 ft ang taas nito. Maganda rin ang pangangatawan. He have those perfect body figure just like some male models in a magazine. May six pack abs ito. Mukhang lagi siyang nagwo-work out bago pa siya maaksidente. Kaya naman patay na patay sa kanya ang pinsan kong si Kelsey. Panay ang papansin ng pinsan ko sa kanya pero ni hindi man lang magawang tingnan ni Zac ang pinsan ko. Maganda din naman ang pinsan ko. Ewan ko ba dito kay Zac. Ang labo niya. "Ah, kuya, pakilagay nalang po yung mga kahoy dito," ani ko. Tinuro ko ang kalan. Magluluto na rin kasi ako ng hapunan. Sinigang na hipon naman ang lulutuin ko ngayon. Parating na rin kasi ang mga magulang ko. "Iho, hindi ka ba nalulungkot dito?" ani ng aking Itay. Nasa harapan niya lamang si Zac. "Kung gusto mo ay magpasama ka kay Bella para makapaglibot ka naman dito sa isla," sabi ni Itay rito. "Hindi naman po. Okay lang po ako dito," tipid na sagot ni Zac na nakangiti kay Itay. Nasa hapag kainan na kami at nagsisimula ng maghapunan. "Naku iho, sayang ang ganda ng isla, magsisisi ka kapag hindi mo naranasang sulitin ang pamamalagi mo rito," sabi ni Mama. Si Mama ay abala naman sa paggawa ng mga handicrafts na gawa sa likas na yaman ng isla. At ang mga likha nila ay inaangkat para ibenta sa siyudad. Napaismid ako sa sinabi ng magulang ko. Ayoko kayang kasama yang lalakeng 'yan. Panigurado mapapanisan lang ako ng laway kasi hindi naman niya ako kakausapin. Mabo-boring lang akong kasama siya. Saka feeling ko talaga hindi ko siya makakasundo. Magkaiba kasi kami ng personality.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD