Bella
Maganda ang lagay ng panahon ngayon, maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman ay naisipan na namin ni Zac na lisanin ang lugar na ito. Natapos na rin ang ginagawa niyang maliit na bangka na magdadala sa 'min pabalik sa isla.
Mahigit isang buwan na rin kaming stranded dito. Hindi man naging madali sa amin ang mamuhay dito ng kami lang dalawa, at ng walang kahit anong dala ay naging masaya pa rin ako. Dahil naging daan ito para mas lumalim ang relasyon namin ni Zac.
Hindi niya ako pinabayaan dito. Inalagaan at prinotektahan niya ako lalo na ng may lasing na lalaking nagpunta sa tinutuluyan naming kubo at muntikan na akong mapagsamantalahan, kung hindi lang dumating sa tamang oras si Zac.
Nakita ko kung paano magalit si Zac at halos mapatay na niya ang lalaking 'yun kung hindi ko lang siya inawat.
"Love, anong iniisip mo?" aniya. Napansin niya pala na malalim ang iniisp ko.
"Wala. Natutuwa lang ako na makakauwi na tayo," ngumiti ako sa kanya.
"Ipapaalam na ba natin sa magulang mo 'yung relasyon natin?" tanong niya.
Nagulat ako at biglang kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kung sakaling malaman nila ang tungkol sa 'min ni Zac.
Magagalit ba sila o hindi? Matatanggap kaya nila na boyfriend ko na si Zac? Naguguluhan pa ko kung ipapaalam na ba namin ang relasyon namin ni Zac.
"Huwag muna. Isikreto muna natin sa kanila," ani ko.
"Okay. Ikaw ang masusunod," aniya. Ngumiti si Zac na ikinapanatag ng magulo kong pag-iisip.
"Saka na natin sabihin 'pag handa na 'ko. Okay lang ba?" ani ko.
"Sure. Hindi na mahalaga sa 'kin kung alam nila o hindi. Ang mahalaga sa 'kin ay nagmamahalan tayo," aniya. Pagkatapos ay humalik siya sa aking noo.
Inalalayan niya na akong sumakay sa ginawa niyang bangka. Ngayon na kami aalis sa islang ito. Nananabik na akong makita ang mga magulang ko.
Malalakas na alon ang humahampas sa bangka namin kaya naman nagsimula na naman akong makaramdam ng takot. Napayakap na lang ako kay Zac.
Inabot na kami ng dilim ay hindi pa rin kami nakakarating sa 'min. Pero patuloy pa rin sa pagsagwan si Zac.
Ilang araw din kaming naglakbay sa dagat bago kami tuluyang makauwi sa amin. Dali-dali akong bumaba ng bangka ng matanaw ko na ang tirahan namin.
Nagtatakbo na ako papasok ng bahay namin at hinanap agad si Mama. Nakita ko si Mama sa kusina.
Ganu'n na lamang ang pagkagulat niya nang makita kami ni Zac na nakauwi na.
"Bella, anak! Diyos ko! Saan ba kayo nanggaling ni Zac? Alalang-alala kami sa inyo. Ang itay mo ay walang araw na hindi kayo hinanap," naiiyak na sabi ni Mama. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
Ikinuwento ko kay Mama ang nangyari. Nang dumating si itay ay laking gulat niya nang makita kami ni Zac na nakauwi na. Na-miss ko talaga sila kaya naman walang araw na hindi ko kinulit si Zac para makauwi na kami.
Balik na rin kami sa daily routine namin ni Zac bago kami mawala dito sa isla. Sinasamahan niya ako sa pangunguha ng mga gulay at prutas, at tinutulungan sa pangangahoy. Ayaw niya ng aalis ako na hindi siya kasama.
Kami na lang dalawa ni Zac ang naiwan sa bahay. Madaling-araw pa lang ay umaalis na ang itay ko para pumalaot sa dagat kasama ang tiyuhin ko. Ang mama ko naman ay alas-siete ng umaga pumupunta sa pinagtatrabahuhan niya na malapit lang dito sa tirahan namin.
Nagluluto ako ng pananghalian namin nang lumapit si Zac at biglang yumakap sa bewang ko. Nakatalikod ako sa kanya habang abala sa pagluluto.
"Love, matagal pa ba yan? Gutom na ko," malambing na sabi niya habang humahalik sa aking pisngi.
"Malapit ng maluto. Gutom ka na ba talaga? O ibang gutom 'yang sinasabi mo?"
Nilingon ko siya habang nakataas ang aking isang kilay.
"I want to eat now. Then, I'll eat you later," aniya na may pilyong ngiti sa labi.
Ewan ko ba pero hindi ko magawang tanggihan ang lalaking ito kapag humihirit sa 'kin.
Halos araw-araw na may nangyayari sa 'min. Isinasarado namin ang buong bahay at kuwarto ko para makasigurong walang makakaistorbo sa 'min at walang makakahuli sa ginagawa namin. Natatakot ako na may makaalam, lalo na ang mga magulang ko.
Matapos naming mananghalian ay nagpahinga muna kami bago niya ako buhatin sa kwarto ko. Dun kami madalas ni Zac, gumagawa ng milagro. Ilang araw na nga akong hindi lumalabas para makipagkwentuhan sa mga pinsan ko.
Nagtatampo na ang pinsan kong si Kelsey sa akin dahil madalas na hindi ako lumalabas ng bahay. Kasalanan ito ni Zac eh. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking 'yun.
"Couz, nasaan si Zac? Bakit hindi na rin siya madalas lumalabas ng bahay?" nag-aalalang tanong ni Kelsey.
"Ah, eh, masama kasi pakiramdam niya nu'ng mga nakaraang araw kaya hindi siya lumalabas," pagsisinungaling ko kay Kelsey. Pinagpapawisan ako ng malapot sa tanong niya.
"Ganu'n ba? Gustung-gusto ko pa naman siyang makita. Alam mo ba, couz, nu'ng nawala kayong dalawa nag-alala ako," malungkot na sabi ni Kelsey.
"Kanino ka ba nag-alala? Sa 'kin ba o kay Zac?" nakasimangot kong tanong sa pinsan ko.
"Syempre sayo, couz, pati na rin kay Zac," aniya.
Ewan ko ba, pero hindi ako komportable pagbinabanggit niya ang pangalan ni Zac.
Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa pinsan ko na kami na ni Zac, na mas malalim na ang relasyon naming dalawa.
Paano ko kaya sasabihin ito sa pinsan ko ng hindi siya masasaktan? Alam kong gustung-gusto niya na si Zac simula pa nu'ng una niya itong makita. Pero hindi ko kayang ipaubaya si Zac sa iba, kahit pa sa pinsan ko.
I love him so much. And it's my first time to really fall in love so deeply. I want Zac to be beside me always. I don't want him to leave me. Pero natatakot ako na balang-araw ay dumating ang panahon na iiwan niya na ako kapag bumalik na ang kanyang ala-ala. Ayokong mangyari 'yun.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Zac habang nakasimangot ang guwapo niyang mukha. Niyakap ko siya para hindi na magtampo.
"Napasarap lang ang kwentuhan namin nina Kelsey," ani ko. "Siya nga pala tinatanong niya kung bakit hindi na tayo madalas lumabas ng bahay at kung bakit nagkukulong tayo dito sa loob."
"What did you tell her then?" he asked.
"Siyempre kinailangan kong magsinungaling. Alangan namang sabihin ko ang totoo," ani ko.
"Okay, but you should've told her the truth that we're now in a relationship. So she'll forget about me. We can't hide this for too long, love," he said.
"I know. But please, love, I can't do it right now. Mas lalong magiging komplikado, lalo na't magkasama tayo dito sa iisang bahay. Baka isipin nila na may nangyayari sa atin dito," nag- aalalang sabi ko kay Zac.
"Bakit wala ba?" aniya na may pilyong ngiti sa kanyang mga labi habang hinahaplos niya ang aking buhok. Namula ako sa sinabi niya.
"Alright, forget about it, love. We'll tell them once you're ready," he said and kissed me on the cheeks.
Gusto ko ng sabihin sa kanilang lahat pero natatakot ako sa kung ano'ng sasabihin nila tungkol sa akin at kay Zac. Lalo na kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag nalaman nila ang relasyon namin.
Naging parte na rin kasi si Zac ng pamilya namin at parang anak na ang turing sa kanya ng mga magulang ko. Kaya naman naguguluhan pa talaga ko at hindi pa handa na ipaalam sa lahat. Pero alam ko naman na hindi namin ito maitatago ng matagal. Malalaman at malalaman din nila ang tungkol sa 'min.