Zac
Naging daan ang pagka-stranded namin ni Bella sa isla para malaman ko ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
I really love her and she feels the same way. I don't want to lose her. Kaya naman ng muntikan na siyang malunod at mawalan ng malay ay ganu 'n na lang ang takot at kaba na naramdaman ko.
Every single day on this island with her is a treasure for me. Nawalan man ako ng alaala ay may pumalit na bago at mas magandang ala-ala na kailanman ay ayaw kong kalimutan.
I'm so blessed to meet her. She's like a God's gift to me. I'm head over heels in love with her.
Alam ko na gustong-gusto niya ng makauwi sa kanila kaya naman naisipan kong gumawa ng maliit na bangka na gagamitin namin pabalik.
Sa kabila nang nangyari sa 'min ay natutuwa pa rin ako dahil mas lumalim ang relasyon naming dalawa. Ayoko pa nga sanang bumalik sa kanila. Gusto ko pang magtagal kami dito para ma-solo ko siya, kaya lang ay gusto niya ng umuwi dahil namimiss niya na raw ang kanyang mga magulang. Malamang ay sobrang nag-aalala na ang mga ito sa kanya.
Matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ay nasundan pa iyon. We make love almost every day. I really can't get enough of her. She drives me crazy. She has a gorgeous body that makes me lose control. I don't think what we're doing is wrong because we love each other. And I'll take full responsibility for it. But I make sure that we're making it safe, so she won't be pregnant early.
I'm his first and I'll make sure that I'll be his first and last love. Ayokong magkahiwalay kami kahit pa bumalik na ang ala-ala ko.
"Love, gusto ko ng umuwi," malungkot na sabi ni Bella habang nakayakap ito sa 'kin. Nasa loob kami ng kubo at nagpapahinga matapos mananghalian. Hindi siya sanay na malayo sa kanyang mga magulang. At naiintindihan ko naman iyon.
"Makakauwi din tayo. Ayaw mo na bang makasama pa ko ng matagal dito?" ani ko habang hinahaplos ang kanyang mahabang buhok.
"Hindi naman sa ganu'n, love. Nami-miss ko lang kasi sina mama at itay. Ngayon ko lang naranasan na mapalayo sa kanila ng matagal. Hindi kasi ako sanay, eh," aniya sa malungkot na tinig.
"Pero gusto pa kitang masolo dito," ani ko ng may pilyong ngiti sa aking mga labi.
"Loko ka talaga," namula ang kanyang pisngi at nag-iwas ng tingin sa 'kin.
"I love you, Bella. Hindi ako magsasawang sabihin 'yun sa 'yo."
"I love you too, Zac," she said and kissed me. I kissed her back passionately. Kumalas ako sa kanya.
"Don't ever leave me. Okay?" I said to her.
"Yeah. Don't worry." she smiled and kissed my cheek.
She's getting sweeter every day. Mas lalo ko tuloy siyang minamahal. Sumagi din sa isip ko kung may minahal na ba ako dati. Pero kung sakaling meron man ay hindi ko magagawang iwan si Bella.
She's my life. It's my second chance to live in this world. That's why I want to spend the rest of my life with her. Only her. Walang laman ang isipan ko kung 'di siya lamang. I don't care if I can't remember anything about my past. I'm much happier here at the moment, of course, with Bella by my side.
Malapit ko na ring matapos ang ginagawa kong bangka kaya naman kaunting tiis na lang at makakaalis na rin kami dito.
Nanggaling ako sa may kakuhayan para manguha ng mga prutas. Sa 'd= kalayuan ay natatanaw ko na ang kubo na tinutuluyan namin.
Narinig ko ang malalakas na sigaw ni Bella habang papalapit ako sa kubo. Humihingi siya ng saklolo. Abut-abot ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang sigaw niya.
"Tulong! Tulong! Saklolo! Zac!" Malalakas na sigaw ni Bella.
"Parang awa niyo na po! Huwag!" Takut na takot na sigaw nito.
Agad naman akong nagtatakbo. Binalewala ko na ang mga nabitawan kong prutas. Bella badly needs my help! May lalaking nakapasok sa kubo namin! Kaya naman namumula ako sa galit sa isiping may masamang balak siya kay Bella.
Pagpasok ko sa loob ay nagdilim ang paningin ko sa aking nasaksihan.
Nakahiga si Bella sa sahig na suot lamang ang kanyang bikini habang nakadagan sa kanya ang lalaki at hinahalikan ito. Hawak ng lalaki ang magkabilang pulso ni Bella. Nasa kuwarenta anyos na mahigit ang lalaki sa aking tantya.
"Hayop ka! Layuan mo si Bella!"
Hinila ko ang lalaki at pinagsusuntok ito. Lasing ang lalake kaya naman hindi siya nakapalag sa mga binibigay kong suntok.
Patuloy ko siyang sinusuntok hanggang sa duguan na ang mukha niya. Inawat ako ni Bella dahil para na akong nagwawalang halimaw sa galit. Baka mapatay ko na ang lalaki sa suntok na binibitawan ko.
How dare he do that to my girl?! Hindi ko siya mapapatawad!
"Zac! Tama na!" Umiiyak na sabi ni Bella. Doon lamang ako natauhan. Kaya agad ko siyang nilapitan.
"Sssh...tahan na. Huwag ka ng umiyak. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo," malumanay kong sambit.
Niyakap ko siya para mawala ang takot nito.
Binalingan ko naman ang manyakis na lalaki.
"G*go ka! 'Pag nakita ko pa ang pagmumukha mo dito. Hindi ka na makakauwi ng buhay!" Banta ko sa lalaki.
I gritted my teeth. Pinagbantaan ko ang lalaki na hindi lang iyon ang aabutin nito kapag inulit pa nito ang nangyari. Nagtatakbo ito sa takot at halos madapa pa sa pagtakbo.
Bakas pa rin ang takot sa magandang mukha ni Bella. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Parang kinukurot ang puso ko sa nakikita ko. Ayokong nakikita siyang umiiyak.
I gritted my teeth. I was so pissed with that pervert! Walang sinumang lalaki ang puwedeng gumawa nu'n kay Bella, kung 'di ay magkakamatayan kami. Pinahid ko ang tumutulong luha sa kanyang magandang mukha.
"Huwag ka ng matakot. Nandito na 'ko. Hindi na kita iiwang mag-isa dito," pag-aalo ko sa kanya.
Tumango lang siya habang patuloy sa pagluha. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Mahal na mahal ko si Bella. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Niyakap ko siya ng mahigpit para mabawasan ang takot na kanyang nararamdaman.
Kinabukasan ay napansin kong natutulala si Bella. Nilapitan ko siya para yakapin.
"Love, kalimutan mo na 'yung nangyari. Wala ng makakagawa nu'n sa 'yo. Papatayin ko ang sino mang magtatangka."
"Pero natatakot pa rin ako. Umuwi na tayo, please," pagmamakaawa niya.
"Yes, love. Uuwi na tayo. Kaya nga binibilisan ko ng matapos ang ginagawa kong bangka, eh," ani ko habang hinahaplos ang kanyang makinis na mukha.
"Okay. Basta huwag mo na kong iiwang mag-isa dito. Natatakot na 'ko."
"Don't worry. Kahit saan ako magpunta isasama kita. Kaya wag ka ng matakot. Nandito lang ako. Hindi ko hahayaang may ibang humawak sa 'yo."
Kinabukasan ay natapos ko na rin sa wakas ang maliit na bangkang ginawa ko. Sinigurado kong matibay ang pagkakagawa nito at makakaya ang lakas ng alon ng dagat.
Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Bella dahil sa wakas ay makakaalis na rin kami dito. I know how happy she is right now. And it makes me happy too. I'll do everything for her. Whatever that would make her happy. And I'll protect her even if it cost my life.