Bella
"How's your injury?" tanong sa 'kin ni Zac.
"Eto, hindi pa rin okay. Masakit pa din. Pero gusto ko ng umuwi."
"Uuwi din tayo pero hindi pa ngayon. Hindi mo pa kaya." he said.
"Pero baka nag-aalala na sila sa 'tin Zac. Ano'ng gagawin natin?" kinakabahang tanong ko kay Zac.
"Huwag kang mag-alala, malamang hinahanap na nila tayo ngayon." aniya. Gusto niyang mapanatag ang loob ko.
"Pero gusto ko na talagang umuwi. Ayoko na dito." pagmamakaawa ko kay Zac.
"Don't worry Bella. Uuwi din tayo. Kelangan mo lang magpagaling."
Wala na 'kong nagawa. Hindi ko naman kayang umalis ng may injury pa. Kaya wala sa loob na sumang-ayon na lang ako sa kanya.
"Let's eat," he said.
Inabot niya sa 'kin ang isang isda na inihaw niya kanina.
"Thanks." I smiled. Hindi ko alam pero parang unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nag- iba na kasi yung trato niya sa 'kin. Naging maasikaso na siya at maalaga sa 'kin. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya.
Mag-iisang linggo na rin kaming na stranded ni Zac. Medyo okay na rin ang injury ko. Pero ayaw pa niya akong payagan na lumangoy muli. Kelangan ko pa daw magpahinga. Malayo kasi ang lalanguyin namin pabalik. Sana lang talaga may sumaklolo sa 'min dito para makauwi na kami.
Nasa loob kami ng kubo ni Zac at nagpapahinga matapos kumain.
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" tanong ni Zac. Bakit naman bigla na lang siya nagtanong ng tungkol du'n.
"Hindi pa." tipid kong sagot.
"Pag niligawan ba kita sasagutin mo 'ko?" aniya. Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Pano naman yung pinsan ko na may crush sa 'yo? Bakit hindi na lang siya ang ligawan mo?" Naalala ko ang pinsan kong si Kelsey. Matagal na itong may crush kay Zac simula pa nang dumating si Zac sa isla.
"Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko siya gusto. Bakit ba ang kulit mo?" inis niyang tanong.
"Eh, kasi crush na crush ka nu'n, eh. Magagalit sa 'kin 'yun 'pag nalaman niyang liligawan mo 'ko."
Lumapit siya sa 'kin at bahagyang hinaplos ang aking mukha. Samantalang ako ay napatitig lang sa gwapo niyang mukha.
"I like you. Kaya wag mo na 'kong ipagtulakan sa pinsan mo," he said. Then he kissed me in the forehead.
I was shocked. Hindi ko alam na magugustuhan niya pala ako. Isa lamang akong simpleng babae na naninirahan dito sa isla. Hindi ko inakala na magugustuhan ako ng tulad niya.
"Seryoso ka ba diyan?" tanong ko sa kanya.
"Yes. I really like you Bella." he said. He cupped my face and look at me with intense gazed. Pinamulahanan ako sa uri ng pagtitig niyang 'yun at nag-iwas ng tingin.
"Okay. Payag na akong magpaligaw sa 'yo," nakangiting sabi ko.
"Really?" bakas sa guwapo niyang mukha ang saya sa narinig niyang sagot ko.
"Oo nga," ani ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Pero bigla rin siyang kumalas sa 'kin. Animo'y nabigla ito. Namula ang kanyang mukha at nag-iwas ng tingin.
"I'm sorry. Nabigla lang ako," he said. I wrapped my arms around his neck. Nasorpresa siya sa ginawa kong iyon.
"Okay lang," tumingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya sa 'kin at ngumiti rito.
Hindi ko na maikakaila sa sarili ko na gusto ko din siya. Sa araw-araw na kasama ko si Zac ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Wala pa akong naging boyfriend kaya naman bago sa akin ang nararamdaman kong ito.
It's been two weeks already. Pero hanggang ngayon ay stranded pa rin kami dito. Gustong-gusto ko na talagang umuwi. Pero ayaw pa rin akong payagan ni Zac na muling lumangoy. Natatakot kasi siyang baka mangyari na naman 'yung nangyari sa 'kin bago kami mapadpad dito. Sobrang nag-alala daw siya sa 'kin nang mawalan ako ng malay dahil sa pagkalunod.
"What's wrong?" pinukaw ng tinig niya ang naglalakbay kong diwa.
"Wala. Namimiss ko na sina Mama at Itay," ani ko sa malungkot na tinig.
Hinaplos niya ang buhok ko at itiningala niya ang mukha ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Hwag kang mag-alala makakauwi din tayo. Gagawa ako ng paraan," aniya para hindi na 'ko mag-alala pa.
"Promise?"
"Yeah. Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?"
"Okay," I smiled. Then he suddenly kissed me in my lips. Nabigla ako sa paghalik niya sa 'kin dahil ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ng isang lalaki.
"I love you, Bella." seryosong sabi niya habang hinahaplos ang aking mukha.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Nagulat kasi ako sa sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko din siya. Pero hindi ko pa masabi kung mahal ko na din ba siya.
Magkayakap kaming natulog ni Zac. Hindi ko pa siya sinasagot pero may pagkakaunawaan na kami. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Ganu'n naman lagi araw-araw. Maaga siyang gumigising para manguha ng kakainin namin sa kakahuyan. Nangingisda rin siya at nangangahoy. Para tuloy akong prinsesa na walang ginagawa kung 'di manatili lang dito sa kubo.
Napakasuwerte ko naman sa kanya. Guwapo na responsable pa.
"Gising na pala ang prinsesa ko," nakangiti siyang lumapit sa 'kin at humalik sa noo ko. Yumakap din siya sa'kin. Ang aga-aga naglalambing na.
"Opo mahal na prinsipe ko. Gutom na 'ko. Tutulungan na kitang magluto ng kakainin natin."
Pagkakain namin ng almusal ay nagpahinga lang kami sa kubo. Lumapit siya sa 'kin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"I really love you, Bella," he said while staring at me. Punung-puno ng pagmamahal ang kanyang tinig.
"Do you love me too?" he said while caressing my face. I nodded. I love him too. Pero nahihiya akong aminin iyon sa kanya.
"Then say it. Say that you love me too."
May pag-aalinlangan akong sabihin iyon sa kaniya. Dahil iniisip kong baka maaga pa para sabihin ang katagang iyon. My heart is beating so fast. I felt the need to say those words back.
"I love you Zac," I said and smiled at him. Hinawakan ko ang guwapo niyang mukha.
"Really?" he smiled. Masayang masaya siya sa narinig niya at mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.
He started to kissed me. Gumanti rin ako ng halik sa kanya. Naging mainit ang pinagsaluhan naming halik. Sa mga oras na ito ay hindi ko na maikakaila na mahal ko na talaga siya.
Mas matanda man sa 'kin si Zac ay hindi na mahalaga pa 'yun. Ang mahalaga ay parehas kaming nagmamahalan. At isa pa, nasa hustong gulang naman na ako. At naniniwala ako sa kasabihang age doesn't matter when you fall in love. Saka isa pa, mas gusto ko na mas matured sa 'kin 'yung guy. Isa iyon sa mga napi-picture out ko noon kung magkakaroon ako ng boyfriend, mas ideal para sa 'kin kung matanda ang lalaki sa 'kin.
...
Mahal na mahal ko na si Zac. Gusto ko, nasa tabi ko lang siya palagi. Natatakot akong isang araw ay mawala nalang siyang bigla sa tabi ko. Napapaisip rin ako na paano na lang kung bumalik na ang ala-ala niya? Ako pa rin ba ang mamahalin niya? O kaya naman ay baka may mahal na siyang iba bago pa man niya ako nakilala.
Bigla akong nalungkot sa isiping may mahal na iba si Zac. Paano kung panandalian lang ang pagmamahal niya sa 'kin at pagkatapos nu'n ay iiwan niya din ako? Masiyado na naman akong nag-o-overthink sa mga bagay-bagay.
Pinutol ni Zac ang naglalakbay kong diwa.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya.
"Wala," sagot ko. "Namimiss ko lang ang mga magulang ko," pagsisinungaling ko.
Ayokong sabihin sa kanya na iniisip ko ang kanyang nakaraan dahil wala naman siyang kahit anong naaalala matapos siyang maaksidente. Wala siyang ideya sa mga bagay na nagpapabagabag sa 'kin. Niyakap niya ako para pagaanin ang loob ko.
"Aalis din tayo dito. Kaya wag ka ng malungkot."
Ilang beses niya ng sinabi 'yun. Pero hanggang ngayon nandito pa rin kami. Makakaalis pa kaya kami dito? Hindi na 'ko makapaghintay na makaalis dito at makabalik na sa aking pamilya.