Bella
Sa paglipas ng mga araw sa isla ay unti-unti ng napapalapit ang loob ko kay Zac. Kung dati ay nasusungitan ako sa kanya, ngayon ay mas magaan na ang loob ko. Mas nakakapagkwentuhan na rin kami na hindi na nagkaka-ilangan. Akala ko nu'ng una ay hindi ko siya makakasundo. Pero mabait naman pala siya at okay kasama.
Madalas ko na rin siyang kasama sa kakahuyan para manguha ng pagkain. Unti-unti na rin siyang nasasanay sa pamumuhay namin dito sa isla. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi ordinaryong tao lang si Zac. Pakiramdam ko ay nagmula ito sa mayamang pamilya. Kaya naman napapaisip ako kung bakit hindi siya hinahanap ng mga magulang niya. Alam kaya nila kung ano'ng nangyari sa anak nila? O baka ang alam nila ay patay na ito? Nagkibit-balikat na lang ako.
"Ano? Hanggang dyan ka na lang ba?" pagmamayabang ni Zac.
Nagyaya kasi siya na mag-swimming kami dito sa dagat. Magaling siyang swimmer. Palagay ko ay isa siyang atleta sa dami niyang alam na sports. He's very athletic. Kita naman sa kaniyang katawan. He's very fit. Kaya naman naglalaway ang pinsan kong si Kelsey kapag nakikitang shirtless ito.
"Huwag kang mayabang maabutan din kita!" sigaw ko.
Malayu-layo na rin ang nalangoy namin.
Lumalakas na ang bawat hampas ng alon ng dagat. Hindi na magandang magpatuloy pa sa paglalangoy. Pero ang layo na ni Zac sa 'kin. Pilit kong binibilisan ang paglangoy para lamang maabutan siya.
Pero bigla na lamang akong nakaramdam ng pamamanhid ng binti. Pinupulikat ako. Nakadagdag pa sa paghihirap kong lumangoy ang lakas ng hampas ng alon.
Hindi ko na makita si Zac. Nasaan na kaya siya? Paghampas ulit ng malakas na alon ay parang kakapusin na 'ko ng hininga. Nahihirapan na akong huminga at nakainom na ng maraming tubig dagat.
Hanggang sa natatangay na ako ng malalakas na alon. Unti-unti naman akong nanghina at nawalan ng malay.
"Nasaan ako?" tanong ko kay Zac paggising ko.
Niligtas niya 'ko sa muntikang pagkalunod. Nakahiga lang ako sa buhanginan habang nasa gilid ko si Zac. Punung-puno ng pag-aalala ang guwapo niyang mukha.
"Pinag-alala mo 'ko. Kala ko naman magaling kang lumangoy. Eh, 'di sana hindi na lang kita niyaya."
"Yabang nito! Magaling naman talaga akong lumangoy! Sadyang malakas lang talaga 'yung hampas ng alon kanina!" naiinis na sabi ko.
"Forget it. Kelangan na nating makaalis dito. Papalubog na ang araw," he said.
Tumayo na 'ko. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nanghina na ang mga tuhod ko. Nagtamo ako ng knee injury.
"Aray! Ouch!" namimilipit ako sa sakit. Namamaga ang tuhod ko.
"Are you alright?" nag aalalang tanong ni Zac. "Can you walk?"
"Pipilitin ko," ani ko.
"No. You have to rest. Baka lumala pa 'yang injury mo," aniya.
"Eh, magdidilim na. Tiyak na nag-aalala na sa 'tin ang mga magulang ko."
Nakaramdam ako ng kaba. Ayokong mag-alala ang mga magulang ko. Kailangan na naming makaalis dito.
"Alam ko. Pero malayo na rin ang narating natin. Hindi ko na nga alam kung saan na tayo napadpad, eh." aniya.
Maging ako ay hindi alam kung saan na kami nakarating. Tinangay kasi ako nang malakas na alon kanina. Pasalamat na lang ako kay Zac dahil nailigtas niya ako.
"Lets stay here for a while. Saka na natin isipin kung paano tayo makakabalik," usal niya. Inalalayan niya ako para makalakad.
Hindi ko alam kung saan kami tutuloy ngayon. Papadilim na ang kalangitan. Kailangan namin ng masisilungan. Nilalamig na rin ang buong katawan ko. Bikini lang kasi ang suot ko.
Malayo na rin ang nalalakad namin habang inaalalayan ako ni Zac sa paglalakad. Mukhang dito muna kami magpapalipas ng gabi hangga't hindi pa magaling ang injury ko.
May nakita kaming isang abandonadong kubo sa 'di kalayuan at du'n na muna kami nagpasyang magpalipas ng gabi. Wala kaming pagpipilian kung 'di manatili muna dito pansamantala. Wala rin kaming kahit anong dala kung 'di ang sarili namin.
Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Iniwan muna ako ni Zac sa kubo. Nagpaalam siya sa 'kin na maghahanap muna siya ng pwede naming makain.
"Mag-iingat ka," nag aalalang sabi ko rito. Madilim na kasi at baka kung ano'ng mangyari sa kanya sa daan.
"Don't worry," he smiled and left.
Matagal din akong naghintay sa pagdating ni Zac. May ilang prutas siyang dala para pagsaluhan namin ngayong gabi. Parehas na rin kasi kaming gutom sa layo ng nilangoy namin kanina.
Nagpaningas na rin siya ng apoy sa labas ng kubo gamit ang mga bato at ilang kahoy. Nilalamig at inuubo ako ngayon. Pakiramdam ko ay magkakasakit pa yata ako. Huwag naman sana, kasi kelangan na naming makaalis dito kinabukasan. Ayokong mag-alala ang mga magulang ko sa 'kin.
"Magpainit ka muna dito sa apoy. Magkakasakit ka niyan," aniya.
Hinubad niya ang kanyang t-shirt na basa at sinampay 'yun malapit sa apoy upang matuyo. Lumapit naman ako sa tabi niya para magpainit din sa may apoy.
"How's your injury?" nag aalalang tanong niya sa 'kin.
"Eto masakit pa rin," ani ko.
"We can't go back if that still hurts," he said.
"Pero baka nag-aalala na sina Mama at Itay."
Hindi kami puwedeng magtagal dito. Tiyak na nag-aala na sila ngayon.
"We have no choice. Baka lumala pa 'yang injury mo 'pag pinilit mo."
"Pero..."
"Huwag matigas ang ulo, Bella. I won't allow you to go back alone." May awtoridad sa tono ng pananalita niya kaya tumango na lang ako.
Pumasok na kami sa kubo at nagpasya na kaming matulog ni Zac. Walang patid pa rin ako sa pag-ubo. Nangangatog ang katawan ko sa lamig. Wala naman akong ibang suot na damit maliban dito sa bikini na suot ko.
Kinuha ni Zac ang t-shirt niya na pinatuyo niya sa may apoy kanina. At inabot iyon sa 'kin.
"Here, wear it," aniya.
Kinuha ko naman yun at sinuot sa katawan ko.
"Wait...You should remove your bikini and then wear the shirt."
"Ha!? Ayoko nga!" sabi ko na nakataas ang isang kilay.
Ano ako hilo? Mamaya kung ano pang gawin niya sa 'kin.
"Don't worry, I won't look. Kailangan mong hubarin 'yan para komportable kang makatulog. Inuubo ka pa naman tapos matutulog ka ng basa 'yang suot mo."
"Okay, basta huwag kang lalapit sa 'kin. Tumalikod ka lang."
"Sure," he said.
Nahiga na siya sa kawayang sahig ng kubo. Nakatagilid siya ng higa patalikod sa 'ken. Nahiga na rin ako na suot ang kanyang t-shirt. Pero hindi pa umabot sa kalahati ng binti ko ang haba ng t-shirt na pinahiram niya sa 'kin. Pinagtiyagaan ko na rin dahil baka lumala pa ang ubo ko.
Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ulan sa labas. Malalakas ang kulog at kidlat. Pero si Zac ay tulog na tulog pa rin sa tabi ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang katawan.
"What's wrong? Hindi ka makatulog?" wika nito.
"Hindi. Nagising lang ako," ani ko na nanginginig ang katawan sa lamig.
Hinawakan niya ang nilalamig kong kamay.
"Nilalamig ka." nag-aalalang sabi niya.
Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong yakapin. Nailang ako sa ginawa niya. Lalo na't wala akong suot na panloob.
"Ano'ng ginagawa mo?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang braso niyang nakayakap sa 'kin.
"Para hindi ka lamigin," aniya.
Pinamulahanan ako habang nakakulong sa mga bisig niya ang nilalamig kong katawan.
Hinayaan kong nakayakap siya sa 'kin hanggang sa makatulog na ulit ako. Patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sana lang ay maganda na ang lagay ng panahon bukas.
Nagising ako na wala si Zac sa kubo na tinutuluyan namin. Kaya naman nag-aalala akong bumalikwas sa hinihigaan kong matigas na kawayan para hanapin ito.
Paglabas ko ng kubo ay nakita ko agad si Zac na abalang nag-iihaw ng isda.
"Gising kana pala."
Napalingon siya sa 'kin at ngumiti. Pinamulahanan ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Masakit pa rin ang mga tuhod ko kaya hindi na ako nag-abalang lapitan siya.