TDD11 (Raizel)

1531 Words

Habang hinihintay ko na magising si Stone ay kumuha muna ako ng mga panggatong sa hindi kalayuan. Kapag nagising na siya ay saka na kami uuwi dahil hapon naman na. Ayaw ko kasi siyang gisingin dahil ayaw kong maputol ang tulog niya. Halata kasi na wala pa siyang maayos na tulog simula nang umuwi siya rito sa Pilipinas. “Rai!” “Oh!” Nakita ko si Teodoro na nakangiti habang kumakaway sa akin. Isa siya sa mga kaibigan ko. Halos magkatabi lang ang mga lupa namin kaya halos nagkakasabay kami kapag nagtatanim o ‘di kaya ay nagtatanggal ng mga damo. “Kumusta, Teodoro?” “Ayos lang naman. Hindi ka pa uuwi?” “Pagkatapos nito uuwi na rin ako dahil hapon na,” ani ko habang inaayos ko ang mga panggatong na kinuha ko. Ang iba naman ay napulot ko lang. “Bakit?” “Huling lamay na ni Senior, ‘di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD