Kararating lang namin dito sa mansiyon at pagdating namin ay lolo ko agad ang hinahanap ng mga mata ko pero hindi ko siya makita. “Ang daming tao,” komento ni Gaspar. “Huling lamay na kasi,” wika naman ni Baltazar. “Uuwi pa ba tayo mamaya?” tanong ni Teodoro. “O, saka na tayo umuwi kapag inilibing na si Senior?” “Bukas na tayo umuwi,” sabi ni Gaspar. “Sabay-sabay na tayo. Alanganin kasi kung uuwi pa tayo dahil masyado ng madilim sa daan mamaya.” “Sabagay,” sang-ayon ni Teodoro. Ako man ay sang-ayon sa sinabi ni Gaspar. Malayo pa kasi ang uuwian nila kung saka-sakali kaya mas mabuti na bukas na lang sila umuwi pagkatapos ng libing ni Senior. “Rai, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Gaspar. “Nakita mo na ba ang lolo mo?” Umiling-iling ako. Kanina pa ako palinga-linga pero kahit na an

