Halos magdamag akong gising kasama ang mga kaibigan ko. Hindi na rin namin nagawang makipaglibing dahil pare-pareho kaming puyat. “Saan ba tayo mag-uumpisang maghanap?” tanong ni Teodoro sa akin. “Sa mga kapitbahay ba muna?” “Umuwi na muna kaya kayo,” ani ko. “Ako na lang muna ang maghahanap sa lolo ko. Babalitaan ko na lang kayo.” Umaga na rin kasi. Magdamag ay halos puro titigan lang ang ginawa namin na para bang binabasa namin ang isip ng bawat isa. Tumango si Gaspar. “Tama ka. Uuwi muna ako para magpaalam sa mga magulang ko, Rai. Babalik na lang ako mamaya para tumulong.” “Sige.” Tiyak na mag-aalala kasi ang mga magulang ng mga kaibigan ko kapag hindi sila umuwi o hindi sila nagpaalam na tutulungan nila ako sa paghahanap sa lolo ko. “Sabay-sabay na kayong umuwi. Magpahinga kayo

