“Kailangan mong palitan ang buhay na nawala, Mara. Kailangan mong palitan ang buhay ng daddy ko dahil kung hindi ay hindi mo magugustuhan kung ano man ang gagawin ko," mapanganib na wika ni Stone sa akin habang nagtatagis ang mga bagang niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Stone. “Kailangan mong palitan ang buhay ng daddy ko," ulit nitong wika. “A-ano? Ano’ng ibig mong sabihin? Paano ko mapapalitan ang buhay ni senior? Ayos ka lang ba? Naiintindihan mo ba ‘yang sinasabi mo? Hindi ko na maibabalik ang buhay niya kahit ano pa ang gawin ko, Stone.” "I want you to get pregnant with my child. Just carry my child and we're even, Mara. 'Yon ang hihingiin kong kapalit mula sa iyo.” Natawa ako ng pagak. “‘Yon ang kapalit para lang makausap ko ang lolo ko? Bubuntisin mo ako?

