Habang sumisimsim ng kape si Stone ay hindi maipaliwanag ang hitsura ng mukha nito. “Is this really a coffee?” “Kape po ‘yan.” Kahit kanina pa ako naiinis ay pinapakisamahan ko pa rin siya ng maayos bilang respeto ko sa kaniya. “This bread? When did you buy it? Last month, last week, or yesterday? It taste different.” Lahat na lang pinuna. Hindi na lang kumain ng tahimik lalo pa’t sinabi nito na kanina pa ito gutom. “Kahapon ng hapon lang po ‘yan,” ani ko sa tinatamad na tono. “Halos bago lang po ‘yan.” “It tastes like they made it last year.” Ang sarap hampasin ng lalaking ‘to. “Kung last year pa ‘yan, siguradong may amag na ‘yan at hindi niyo na po makakain iyan.” “Gutom lang ako kaya pinipilit ko na lang na lunukin,” sagot ni Stone sa akin sabay ismid. “Wala ba kayong ibang p

