TDD8 Palusot (Raizel)

1738 Words
“‘Lo, bakit po ganiyan ang hitsura n’yo?” tanong ko sa lolo ko. Ano kaya ang sinabi ni Stone rito. “May masama po bang sinabi sa inyo si Señorito kanina?” “Ang sabi niya umuwi na raw tayo.” “‘Yon lang po ba ang sinabi niya sa inyo kanina?” “Umuwi na raw tayo dahil masyado na raw maraming tao sa mansiyon nila. Hindi na raw siya makahinga sa sobrang dami ng tao.” “Marami po bang tao ang nakarinig no’ng sinabi niya ‘yon sa inyo?” “Marami.” Grabe naman ang ugali ng lalaking ‘yon. Ang akala ko ay kakausapin niya lang ang lolo ko ng mahinahon pero hindi pala dahil ipapahiya niya pala ito para lang pauwiin. “Halos lahat ng mga bisita ay sinabihan niya na umuwi na muna at bumalik na lang bukas kung gusto pang bumalik.” “Ah, marami kayo, ‘Lo? Akala ko po kayo lang ang sinabihan, eh.” “Marami, Apo. Halos lahat.” “Ayos na rin po ‘yon, Lolo. Siguro po dahil iniisip niya lang ang mga bisita niya. Iniisip niya po siguro na baka puyat at pagod na rin ang mga tauhan at ang mga bisita niya, ‘di po ba?” “Sa Isang araw na ang libing ni Ricardo, eh.” “Ililibing na agad?” “Wala naman na kasing hinihintay, eh.” ‘Ang bilis naman. Akala ko po isang linggo muna ang palilipasin bago ilibing si Senior? Kailan po sinabi ni Señorito iyan?” “Kanina lang.” “Ba’t parang nagmamadali po siya?” “Marami pa raw kasi siyang aasikasuhin. Hindi pa raw umuusad ang imbestigasyon tapos ang dami niya pang lilinisin sa mga negosyo nila.” “Ganoon po ba?” “Oo raw.” Hindi na namin namalayan ni lolo na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Masyado kaming nalibang sa pagkukuwentuhan. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay dumiretso na ang lolo ko sa sarili nitong silid habang ako naman ay dumiretso na rin sa silid ko. Paggising ko bukas ay pupunta ulit ako sa bukid dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay. Kapag nakalipas na ang isang linggo at hindi pa ako tinatawagan ni Stone ay maghahanap na talaga ako ng trabaho sa iba. Gusto ko nga sana sa Maynila kaya lang hindi ko naman p'wedeng iwanan rito ang lolo ko at ibilin lang sa kapitbahay dahil tiyak na araw-araw akong hindi mapapakali kapag iyon nga ang ginawa ko. Habang nagmumuni-muni ako ay biglang tumunog ang cellphone ko indikasyon na may nagpadala sa akin ng mensahe. Napaisip ako bigla. Sino naman kaya ang magti-text sa akin ng ganitong oras? Si Stone kaya? Pinababalik na kaya niya ako bukas? Imposible naman dahil wala pang isang linggo. After a week saka raw siya tatawag. At saka, hindi magti-text ‘yon kun'di tatawag. “Nakauwi na kayo?” ‘Yon ang nabasa kong text mula sa hindi kilalang numero. Sino naman kaya ‘to? Si Anton kaya? Kahit hindi ko kilala kung sino man ang nag-text sa akin ay ni-reply-an ko pa rin ito ng oo. Hindi na nag-reply pa kung sino man ang nag-text sa akin. Si Anton nga siguro ‘yon kaya lang wala naman masyadong nakakaalam ng numero ko bukod sa mga taong kilala ko talaga. Hays! Bakit ko nga ba iniisip ang mga ganiyang bagay na kung tutuusin ay hindi naman dapat. Pinilit ko ang sarili ko na ipikit na ang mga mata ko dahil maaga pa akong gigising bukas. Kinabukasan ay alas-tres y media pa lang ang gising na ako. Sa labas ako nag-init ng tubig gamit ang mga kahoy na kinuha ko mula sa bukid. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko na may nakasandal na bulto sa puno ng sampalok. Kahit madilim pa rito sa labas ay alam ko na lalaki ang nakasandal sa puno base sa pangangatawan nito. Sa sobrang takot ay hindi ko alam kung sisigaw ba ako, papasok sa loob o dadampot ng kahoy at hahampasin kung sino man ang pangahas na pumasok sa aming bakuran. “Is this your house?” Sa kabila ng pagiging aligaga ko ay biglang nagtanong ang pangahas. Kumunot ang noo ko dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon kaya naman tumakbo ako papasok sa kuwarto ko para kunin ang flashlight ko. Nang makuha ko na ang pakay ay agad akong lumabas at itinutok sa mukha ng taong nakasandal sa puno ang hawak kong flashlight. “What the hell!” mahina ngunit inis nitong sambit. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking ‘to rito? “Ilayo mo nga ‘yang flashlight mo rito sa mukha ko.” “Ba’t nandito ka?” “I am looking for someone,” sagot sa akin ng magaling na lalaki na walang iba kung hindi si Stone Heat na baliw. “Sino naman? Sino naman ang hinahanap mo sa ganitong oras?” tanong ko. Mayamaya pa ay napaisip ako. Hindi kaya gumagamit ang lalaking ‘to ng ipinagbabawal na gamot? “Señorito.” “What?” “Drug addict ka ba?” “What?” “Gumagamit ka ba ng ipinagbabawal na gamot?” “Do I look like I'm an addict?” “Hindi ko po alam. Kaya nga po tinatanong ko kayo, eh.” “Tsk.” “Alas-tres y media pa lang po kasi ng madaling-araw tapos sasabihin n’yo sa akin, may hinahanap kayo? Kahit po siguro sino ay iisipin na nag-aadik kayo.” “Hindi ba p'wedeng maghanap ng nawawala ng ganito kaaga?” Umiling ako. “Maniniwala po siguro ako kung medyo maliwanag na. Siguro mga alas-sais po pataas. Kung sa ibang lugar po kayo napadpad ay baka mapagkamalan po kayong magnanakaw o ‘di kaya'y aswang.” Ang lakas ng trip ng lalaking ‘to talaga kahit kailan. Imbes na manatili lang sa mansyon at bantayan si Senior, pero heto siya kung ano-ano ang naiisip gawin. “Do you have a coffee?” “Meron.” “Give me a coffee.” “Nag-iinit pa ako ng tubig.” Kung makapag-utos akala mo kung sino. “I'm hungry.” “Umuwi ka na kasi sa mansyon,” pagtataboy ko. Gusto ko sanang sermon-an si Stone kaya lang hindi ko ginawa dahil baka magalit ito sa akin lalo pa’t malaki ang agwat ng edad namin. Baka isipin pa ng lalaking ‘to ay wala akong galang sa matanda. “Inuutusan mo ba ako?” “Hindi po. Nagsa-suggest lang po. Ang sabi n’yo po kasi ay gutom na kayo, ‘di ba?” “Hindi pa ba kumukulo ‘yong tubig na pinapakulo mo?” "Hindi pa. Nakita n'yo naman na kasasalang ko lang, 'di ba?" "Gutom na ako. Tsk." “Talaga bang gutom ka na?” Nakita kong tumango si Stone. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa lalaking ‘to. Imbes na manahimik lang sa mansiyon ay naisipan pang gumala-gala. Ayos lang naman kung gumala siya basta 'wag naman sana ganito kaaga. “Kumakain ka ba ng tinapay? May tinapay kami.” “Ilabas mo na lang kung talagang bukal sa loob mo na bigyan ako.” Napanganga ako sa sinabi nito. Aba'y wala man lang pakiusap o pakisuyo. Akala mo siga lang sa kanto kung makapagsalita. “Ano’ng palaman?” “Peanut butter po, Señorito,” mahina kong wika ngunit may kasamang inis dahil baka magising ang lolo ko kapag sinigawan ko ang lalaking ‘to. “Kumakain po ba kayo ng ganoon? Baka naman po allergy kayo sa mani.” “I don't have an allergy.” “Sige po. Wait lang po. Umupo po muna kayo.” Itinuro ko ang mahabang upuan na gawa sa kahoy. “Hintayin n’yo po ako at pagsisilbihan ko po kayo.” “Faster because I'm hungry.” “Opo. Wait lang po. Sandali lang po ako.” Kinuha ko na ang takure dahil kumukulo na ang tubig. Pagtalikod ko rito ay inirapan ko ito ng sunod-sunod sabay ismid. Isinalin ko ang pinakulo kong tubig sa termos at pagkatapos ay binitbit ko iyon sa labas dahil baka magkape si Stone ng sampung beses. Naglabas rin ako ng kape, asukal, tinapay, peanut butter at saka dalawang tasa na parehong may nakalagay na kutsarita dahil iinom na rin ako ng kape. “Magtimpla na po kayo ng kape n’yo, Señorito,” wika ko. “Nandiyan na po sa harapan n’yo ang mga kailangan ninyo.” “Why me?” “Bakit? Hindi po ba kayo marunong magtimpla ng kape?” “Ipagtimpla mo ako ng kape dahil bisita ako rito.” “Anong bisita? Hindi kita bisita dahil bigla ka lang naman sumulpot rito sa bakuran namin na para bang isa kang aswang. Magtimpla ka para sa sarili mo.” “Mara, nagugutom na ako.” “Kaya nga magtimpla ka na–” Napahinto ako sa pagsasalita sabay buga ng hangin. Hindi nga siguro marunong magtimpla ng kape ang lalaking ‘to. “Ano ba ang gusto mong timpla? Matamis ba o matabang.” “I don't know.” “Diyos ko po!” Napahilot ako sa sentido ko. Ang aga-aga pero problema na agad ang kinakaharap ko. Una, hindi marunong magtimpla ng kape. Pangalawa, hindi alam kung anong klaseng timpla ang gusto nito. “Señorito, matino pa ba ang pag-iisip ninyo?” “Do I look like I'm crazy?” “Eh, ano nga ang gusto n’yong timpla kasi? Matamis, matabang o walang lasa?” “Ano ba dapat ang maging lasa?” “Diyos ko po!” “Why?” “Depende kung ano ang trip n’yong lasa nga. Kapag matamis kasi ay baka hindi ninyo mainom naman.” Nagsalin ako ng mainit na tubig sa tasa niya at pagkatapos ay nilagyan iyon ng kape. “Ikaw na ang maglagay ng asukal. Kaunti muna para matantiya mo.” “Okay.” Titig na titig ito sa garapon kung saan nakalagay ang asukal. “Is this really sugar?” “Mukha po bang hindi asukal?” “Nakakatakot ‘tong lagayan niyo ng asukal. Wala ba ‘tong bacteria? Is this really clean?” Medyo luma na kasi ang lagayan namin ng asukal pero nakasisiguro naman ako na kahit luma na ay malinis ito. “It looks like it's contaminated.” Patawarin. Diyos ko! Bigyan niyo po ako ng mahabang pasensiya ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD