TDD7 Pagtatanong (Raizel)

1618 Words
Narito na kami ni lolo sa mansyon sa pangalawang pagkakataon. Marami kaming dala-dalang gulay at agad iyon na iniabot ni lolo sa mayordoma ng mga Devereux. Alas-sais na kami nakapunta rito dahil kumain muna kami sa bahay bago kami umalis. Ayaw ko kasi sa suhestiyon ni lolo na dito na lang daw kami kumain ng hapunan dahil baka makita pa ako ni Stone at baka kung ano pa ang isipin ng lalaking ‘yon. “Raizel, doon muna ako sa kusina,” paalam sa akin ni lolo. “Tutulong muna ako roon kung ano ang p’wede kong maitulong.” “Sige po. ‘Wag masyadong magpapagod, ha?” “Oo naman. Ikaw ba? Dito ka lang ba o gusto mo ring tumulong?” “Dito na lang po ako sa labas, ‘Lo. Ayos lang naman po ako rito.” “O siya, maiwan na muna kita.” Tumango ako. “Sige po.” Nakaupo ako sa mahabang upuan na gawa sa semento. Walang masyadong tao rito sa pwesto ko kaya kahit humiga ako ay walang makakakita sa akin. “Ba’t nag-iisa ka rito?” Nagulat ako nang sumulpot si Anton. Isa siya sa mga katrabaho ko. Isa siya sa mga bagger sa pinapasukan kong mall. “Ayaw mo bang sumama sa karamihan?” “Hindi naman sa ganoon. Ba’t ka nga pala nandito? May kasama ka?” “Kanina meron akong mga kasama pero umuwi na sila dahil may pasok pa sila bukas. Day off ko kasi bukas kaya nagpaiwan ako. Ikaw ba? Ba’t nandito ka?” “Sinamahan ko lang ‘yong lolo ko.” “Ah, kaya pala hindi ka pumasok kanina.” “Pumasok ako–” Napahinto ako bigla sa pagsasalita. Hindi na dapat malaman ng iba kung ano ang nangyari kanina. “Ano kasi…p-puyat kasi ako kaya hindi ako nagising ng maaga.” “Ganoon ba? First time mo um-absent kaya nagtaka kami. Akala namin may sakit ka kaya hindi ka nakapasok. Kahit nga may sakit ka pumapasok ka pa rin, ‘di ba?” Nginitian ko ng tipid si Anton sabay tango. “Gusto mo ng kape, Rai?” “Hindi ako umiinom ng kape, Anton.” “Siguro naman umiinom ka ng gatas?” “Umiinom naman.” “Sige. ‘Yon na lang ang ipapatimpla ko.” “S-salamat.” Gusto ko sanang tumanggi dahil naiilang ako kaya lang ayaw ko naman na mapahiya si Anton. “Maiwan na muna kita. Hintayin mo ako. Saglit na saglit lang ako, Rai.” “Sige.” Habang hinihintay ko na makabalik si Anton ay biglang sumulpot sa tabi ko si Stone. Umusod ako ng bahagya para bigyan siya ng space. Kung p'wede nga lang na umalis ay ginawa ko na, eh. Kaya lang ay hinihintay ko si Anton dahil sinabi ko sa lalaking ‘yon na hihintayin ko siya rito. “What are you doing here?” tanong ni Stone habang nakapamulsa ito. Obvious naman kung ano ang ginagawa ko rito tapos nagtatanong pa. Gusto ko sana siyang sagutin ng balagbag kaya lang hindi ko ginawa. “Sinamahan ko lang po ang lolo ko,” sagot ko sa magalang na tono. Hindi na nagtanong pa ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Nang pasimple ko siyang tingnan ay nakatingin din pala siya sa akin. Hindi nakakakilig ‘yong mga tingin niya kun’di nakakatakot kaya bigla akong nag-iwas ng tingin. May kakaiba kasi sa lalaking ‘to kapag tumitingin. Pakiramdam ko halimaw ang mga tingin niya sa lahat ng nilalang kagaya na lang ng mga tingin niya sa akin ngayon. Kahit kailan ay hindi ko pa talaga siya nakitang ngumiti. Hindi ko alam kung marami ba siyang pinagdadaanan o hindi lang talaga siya marunong ngumiti. “Rai, ito na ang gatas mo!” imporma ni Anton habang papalapit ito sa akin. Mabuti na lang talaga at dumating na si Anton dahil medyo nabawasan ang pagkailang ko sa lalaking nasa tabi ko. “Ingat. Mainit pa.” “Salamat.” “Nandito pala si Boss!” nahihiyang wika ni Anton nang mapansin niya na hindi lang kaming dalawa ang narito ngayon dahil nga nandito rin si Stone na hindi ko alam kung bakit. P’wede naman kasing nasa loob lang siya o ‘di kaya’y doon sa malapit ni Senior pero nandito siya ngayon at nakatayo malapit sa amin kaya nakakailang tuloy. “Gusto n’yo po ng kape, Boss?” Hindi sumagot si Stone. Sa halip ay blangko lang ang mukha niya na nakatingin kay Anton. “Gatas po? Gusto n’yo po bang ikuha ko kayo ng gatas?” tanong pa ni Stone kahit pa nga hindi siya iniimik ni Stone. “Shut your mouth.” ‘Yon ang isinagot ni Stone kay Anton kalaunan kaya naawa ako bigla kay Anton dahil alam kong napahiya siya. Nang makita ko na ibubuka ulit ni Anton ang bibig niya ay mabilis ko siyang kinalabit sabay iling para iparating sa kaniya na ‘wag na niyang tangkain na magsalita pa o tanungin ulit si Stone. “What time is it?” tanong ni Stone makalipas ang ilang minuto kaya kapwa kami napatingin ni Anton sa kaniya. “None o’clock na po, Boss," sagot ni Anton. “Hindi ka pa ba uuwi?” “Day-off ko po bukas kaya magpupuyat po ako ngayon, Boss. Isa pa, para may kasama po ‘tong si Rai dahil magpupuyat din po siya.” “Go home.” “Po?” “Didn't you hear? You won't have a day off tomorrow.” “Pero, ‘yon po ang schedule ng day off ko bukas, Boss.” “Uuwi ka ba o tatanggalin kita sa trabaho? Gusto mo bang mag-day off ka na lang habangbuhay? I will grant your wish if that's what you want.” Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng lalaking ‘to? Grabe. Ibang klase. Unti-unting na talaga akong naniniwala na masama ang ugali ng Stone na ‘to kagaya ng iniisip ng karamihan. "Marami ang hindi papasok bukas kaya cancel muna ang day off mo. Sa ibang araw ka na lang mag-day off." "Ha? Ah, eh...Uuwi na po ako kung ganoon." "Kanina ka pa dapat umuwi." “Rai, uuwi na ako,” paalam sa akin ni Anton na bakas sa mukha ang lungkot at hiya. “Mauuna na ako sa iyo. Pasensiya ka na dahil hindi na kita masasamahan pa.” “Ayos lang. Ingat ka pauwi.” “Sige. Ingat ka rin dito.” Tumango naman ako. Tumingin si Anton kay Stone at nagpaalam na rin. “Uuwi na po ako, Boss.” Hindi man lang umimik si Stone. Sa halip ay salubong ang mga kilay nito na nakatitig kay Anton na para bang nagbabanta. Pag-alis ni Anton ay kami na lang ulit ang naiwan kaya bumalik ang pagkailang na nararamdaman ko kanina. Ba’t ba kasi nandito ang lalaking ‘to? Sa lawak ng mansiyon ay dito pa talaga nito naisipan na pumuwesto, eh. "Who is he?” tanong ni Stone sa akin pag-alis ni Anton. “Empleyado n’yo po,” sagot ko. “I know.” “Bakit n’yo pa po ako tinatanong kung sino si Anton kung kilala n’yo naman po pala siya?” “Sino sa siya buhay mo?” “Po?” “Bingi ka ba?” “Kakilala ko lang po. Katrabaho pala na medyo kaibigan na rin,” sagot ko. “How about Jackson?” “‘Yong kapatid n’yo po?” “He's not my brother and you know that.” “Kaibigan ko lang din po. Bakit po?” “So, lahat ng kaibigan mo ay puro lalaki?” Napatingin ako kay Stone ng may kasamang pagtataka. Bakit ba ang dami niyang tanong sa akin ngayon? Ayos lang ba siya? “What?” “Bakit n’yo po ba tinatanong?” “Am I not allowed to ask you a question?” balik niyang tanong sa akin. “Hindi naman po kaya lang nagtataka lang ako.” “So, puro nga mga lalaki ang mga kaibigan mo?” “Mas marami po ang mga babae,” sagot ko para matapos na ang lalaking ‘to sa katatanong sa akin. “Bakit niyo po naitanong?” “Nothing.” Tumango ako. Ang weird talaga ng lalaking ‘to. “Bakit po pala nandito kayo?” “Am I not allowed to go here? This is our place, remember?” “I mean, bakit po kayo nandito sa madilim na bahagi? Bakit hindi po kayo roon tumayo sa tabi ni Senior o ‘di kaya’y kausapin po ninyo ang mga bisita ninyo. Bakit po rito?” “Kanina ka pa tanong nang tanong.” Siya nga itong maraming tanong, eh. Ngayon lang naman ako nagtanong dahil nagtataka ako. Kapag siya p'wedeng magtanong sa akin tapos kapag ako ang nagtanong ay dapat limited lang pala. “Bakit hindi ka pa umuwi?” tanong na naman sa akin ni Stone. “Umuwi ka na.” “Hindi ko p’wedeng iwanan ang lolo ko,” sagot ko. “Nakiusap siya sa akin na magdamag daw siyang mananatili rito.” “Kapag nanatili ba kayo rito magdamag ay mabubuhay ba ang daddy ko?” “Ha?” “Umuwi ka na. Yayain mo na ang lolo mo dahil gabi na. Bumalik na lang ulit kayo bukas kung gusto ninyo.” “Hindi naman kasi papayag si lolo kahit yayain ko siya na umuwi na kami ngayon, eh. P’wede po bang kayo ang magsabi sa kaniya na umuwi na kami? Ayaw ko rin kasi siyang magpuyat talaga, eh.” Hindi siya sumagot. Sa halip ay umalis na lang siya bigla sa tabi ko at nakita kong dumiretso siya sa kinaroroonan ng lolo ko at agad na kinausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD