TDD6 (Raizel)

1639 Words
“Sa tingin mo ba ay madadala mo ‘ko diyan sa mga ngiti mo?” tanong sa akin ni Stone na para bang mas lalo pa yatang nagalit sa akin. “Do you think, I am joking right now?” Nakita ko na rin na nagtatagis na ang mga bagang niya ngayon. “Nagagawa mo pa talagang tumawa sa harapan ko? Ganiyan ka ba talaga, ha? Imbes na magseryoso ka ay para kang naglalaro at ginagawang biro lang ang lahat?” Nawala bigla ang ngiti ko dahil medyo napahiya ako sa mga sinabi niya. “Pasensiya na po.” “Sa tingin mo ba ay nakikipagbiruan lang ako sa ‘yo ngayon? Sa tingin mo ba binibiro lang kita na hindi kita papasukin ng isang linggo? Tell me!” “Sorry po. Ngayon lang naman talaga kasi ako na-late, eh. Kahit po tingnan pa ninyo ang mga records ko. Wala akong absent, late, over break o kung ano pa man. Ngayon lang talaga ako na-late dahil nga napuyat–” “Enough!” pasigaw nitong sabi kaya napahinto ako sa pagsasalita. “I don't want to hear any explanation from you.” “Pasensiya na po talaga.” “You can go home now.” “Po?” “Didn't you hear me?” “Narinig po.” “What are you waiting for? Get your things and go home.” “Hindi na po ba talaga magbabago ang isip ninyo?” tanong ko. Umaasa ako na baka magbago pa ang isip ng lalaking kaharap ko kahit pa nga alam ko na pinal na ang desisyon niya base sa hilatsa ng mukha niya ngayon. Siguradong magtataka ang lolo ko kapag napansin niya na isang linggo akong hindi umalis ng bahay. Tiyak na kung ano-ano ang iisipin ng lolo ko kapag nagkataon. “Kidding around is not in my vocabulary. Whatever I said earlier is final and I wasn't joking to you and to anyone. Now, do you have any questions?” “W-wala na po.” “Then, get out of my office and go home.” “Sige po. Pasensya na po talaga.” “Close the door before you leave.” Tumango ako bago ako humakbang palabas. Paglabas ko ng opisina niya ay dumiretso ako sa locker ko para kunin ang bag ko at nang makauwi na dahil ‘yon ang instruction niya sa akin. Hindi na ako nagpaalam sa manager ko o kahit kay Sheila dahil baka makita pa ako sa CCTV ni Stone. Isa pa, baka maistorbo ko pa ang dalawa kaya dumiretso na ako sa exit. “Saan ka pupunta?” tanong ni manong guard sa akin. “Hindi pa naman break time, ah.” “Uuwi na po ako.” “Saan ang permit mo? Under time ka ba?” “Hindi po. Pinapauwi na po ako ni Sir Stone dahil na-late po ako sa pagpasok kanina.” Umiling-iling si manong guard. “Marami rin ang pinauwi niya kanina. ‘Yong I.d nila ay isinurrender na nila kaya nakasisiguro ako na hindi na sila papasok pa.” Sa kabilang banda ay masuwerte pa pala ako dahil hindi kinuha ni Stone ang i.d ko. Ibig sabihin ay may pag-asa pa akong makabalik. Kaya lang, ang sabi niya kanina ay depende pa rin sa mood niya kung pababalikin pa niya ako o hindi na. Kung sakaling hindi na niya ako pabalikin ay maghahanap na lang siguro ako sa iba. Hindi naman siguro ako mahihirapan lalo na’t nakapag-aral naman ako. “Sige po, mauna na po ako sa inyo.” “Sige, ingat ka na lang pauwi.” “Salamat po. Ingat din po kayo,” ani ko at tuluyan na ngang naglakad palabas at pagkatapos ay nag-abang na ng jeep na masasakyan pauwi. Pagdating ko sa bahay namin ay naabutan ko ang lolo ko na tinatanggal ang mga damo sa mga tanim niyang halaman. Napatayo pa ito nang makita ako. “Oh, bakit nandito ka na? Hindi ka na ba pinapasok ng guard dahil na-late ka?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa lolo ko. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Sa huli ay sinabi ko ang totoo dahil ayaw kong magsinungaling sa lolo ko. “Ano? Bakit naman? Aba’y, ngayon ka lang naman ‘ka mo nahuli dahil napuyat ka kagabi.” “Sinabi ko na rin po ‘yan sa kaniya pero ayaw niya pong tanggapin ang paliwanag ko, ‘Lo.” “Grabe naman ‘yong batang ‘yon!” wika ni Lolo na may halong inis. “Hayaan mo na kung ayaw ka na niyang papasukin. Marami pa namang iba riyan, eh. Isa pa, hindi mo naman kailangan magtrabaho dahil mabubuhay naman tayo kahit sa pagtatanim lang. Marami namang bumibili sa atin ng mga gulay kaya hindi tayo magugutom lalo pa’t dadalawa lang naman tayo.” “Sabagay, tama po kayo. Nag-almusal na po kayo, Lolo?” “Tapos na.” “Ano po ang inulam ninyo?” “Alamang at saka tinapa.” “Marami po ba ang nakain ninyo?” “Medyo marami naman. Kumain ka na. Naroon sa estante ‘yong mga ulam. Magpahinga ka pagkatapos mong kumain o ‘di kaya’y matulog ka para mabawi mo ‘yong pagpupuyat mo kagabi.” “Pupunta po ako sa bukid pagkatapos kong kumain, ‘Lo,” wika ko. “Kukuha po ako ng langka para po may ulamin tayo mamayang gabi. Kukuha na rin po ako ng niyog doon na gagamitin ko sa paggata ng langka.” “O siya, sige. Ikaw ang bahala. ‘Wag ka lang magpapagabi masyado roon.” “Opo.” Wala naman kasi akong gagawin rito sa bahay. Isa pa, sa bukid talaga ako naglalagi kapag wala akong pasok. May kubo naman kasi kami roon ni Lolo kaya kahit doon ako matulog ay ayos lang. Kaya lang, kapag hindi ko kasama si Lolo ay hindi ako natutulog doon dahil walang kasama rito sa bahay si Lolo kung sakaling hindi ako umuwi. “Raizel.” “Po?” “P’wede ka na magpuyat, ‘di ba?” “P'wede na po dahil hindi naman ako papasok bukas.” ”Ayos lang ba kung abutin tayo ng umaga sa mansiyon?” “Po? Hindi po kaya magkasakit naman kayo dahil sa pagpupuyat n’yo?” “Minsan lang naman.” “Siguradong aabutin po ng ilang araw ang pagpupuyat n’yong ‘yan, Lolo. Baka po pagkatapos ng libing ni Senior ay kayo naman ang magkasakit.” “Eh, ‘di alternate na lang. Ngayon magpupuyat ako tapos bukas hindi. Gano'n na lang ang gagawin ko.” “Lolo–” “Sige na, Apo. Please naman," pakiusap nito sa akin. "Ngayon lang naman ‘to, eh. Kapag naihatid na sa huling hantungan si Ricardo ay hindi naman na ako magpupuyat, eh.” Napabuga na lang ako ng hangin. Gustuhin ko man na pigilan ang lolo ko ay wala akong magawa lalo pa nang makita ko na medyo naluluha na naman siya. “Sige po. Kayo po ang bahala.” “Salamat, Apo.” “‘Wag po kayong aalis hangga't wala pa ako,” bilin ko. “Baka pag-uwi ko mamaya ay hindi ko na po kayo maabutan, ah.” “Hihintayin kita, siyempre! Anong oras ka ba uuwi?” “Alas-kuwatro po o ‘di kaya’y alas-singko.” “Medyo agahan mo naman, Apo.” “Bakit naman po?” “Tutulong pa kasi ako sa pagluluto roon. Doon na lang tayo kumain ng hapunan para hindi ka na magluto rito pag-uwi mo mamaya.” Hay naku! Kung tutuusin ay hindi naman na kailangan tumulong ng lolo ko dahil sobra-sobra ang mga tauhan ng mga Devereux sa mansyon. “Hindi ko naman papagurin ang sarili ko kung ‘yon ang inaalala mo. Tutulong lang ako sa paghihiwa-hiwa ng mga rekado roon o ‘di kaya’y tutulong ako sa pamimigay ng mga pagkain sa bisita.” “Sigurado po kayo?” “Siguradong-sigurado.” “Sige po, basta hintayin n’yo po akong makauwi mamaya dahil sasamahan ko po kayo roon. Magdala na rin po tayo ng mga gulay bilang tulong sa kanila kahit pa nga alam kong hindi naman nila kailangan kasi marami naman na silang pera.” “Magandang ideya ‘yan, Apo!” natutuwang wika ni Lolo. “Mas gusto pa nga nila ang gulay kaysa sa mga karne, eh. Medyo damihan mo na para marami ang maibigay natin sa kanila.” “Sige po, Lolo.” “O siya, magbihis ka na muna tapos kumain ka na para makaalis ka na at nang makauwi ka ng maaga.” “Opo.” Kung hindi lang talaga pupunta sa lamay mamaya si Lolo ay isasama ko sana siya sa bukid. Maganda kasi maglagi roon dahil bukod sa presko ay payapa pa ang kapaligiran. Payapa rin naman dito sa lugar namin pero iba pa rin kapag nasa bukid talaga. Doon kasi ay tila ba lahat ng problema ay naglalaho na lang bigla. Kagaya na lang ngayon na may pinagdadaanan ako dahil kay Stone. Hindi kasi marunong umintindi ang lalaking ‘yon. Hindi man lang marunong makinig ng katuwiran. Tsk. Nakakainis ang lalaking ‘yon. Sabagay, kasalanan ko naman talaga kung bakit nandito ako sa sitwasyon na ‘to. Kung hindi naman kasi ako na-late ay wala naman sanang problema. "Raizel." "Po?" "Gusto mo bang kausapin ko si Stone mamaya pagpunta natin sa mansyon?" "Naku po! 'Wag na po, Lolo. Hayaan na lang po natin siya. Isa pa po, may kasalanan rin naman talaga ako." "Ilang minuto ka lang namang nahuli, 'di ba?" "Hayaan na po ninyo, Lolo. Ayaw ko na po kasing palakihin pa ang gulo, eh. Kasalanan ko rin naman po, eh. Hayaan na lang po natin siya sa gusto niya lalo pa't siya po ang may-ari ng kompanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD