TDD5 PARUSA (Raizel)

1540 Words
Napatampal ako sa sarili kong noo nang makita ko na maliwanag na sa labas. Pagtingin ko sa relo ay alas-otso na pala ng umaga kaya naman dali-dali akong bumangon para maligo. “‘Lo, late na po ako!” wika ko sa lolo ko nang masalubong ko siya paglabas ko ng kuwarto ko. Halos kagigising lang din ng lolo ko. Siguro dahil pareho kaming napuyat kagabi. Pagdating ko sa banyo ay binilisan ko ang pagligo ko. Mamaya na lang ulit ako maliligo ng maayos pag-uwi ko dahil late na talaga ako. “Hindi na po ako nakapagluto, ‘Lo,” imporma ko sa lolo ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa pagpasok. “Paano ‘yan? Eh, ‘di wala kang kakainin mamaya?” “Bibili na lang po ako, ‘Lo. Ayos lang po ba kung kayo na muna ang magluto ngayon ng kakainin ninyo?” “Aba’y, oo naman! O siya, sige na at huli ka na. Pasensya ka na dahil sa akin ay tinanghali ka tuloy ng gising.” “Wala po ‘yon, Lolo.” “O siya, ingat ka sa daan, Apo.” “Salamat po, Lolo! Alis na po ako!” Lakad-takbo ang ginawa ko. Sa daan ko na lang din sinuklay ang buhok ko dahil wala na akong oras para ayusin ko ang sarili ko. Ngayon lang ako mahuhuli sa trabaho kapag nagkataon. Alas-nueve y media na ako nakarating sa lugar na pinagtatrabahuhan ko. Medyo hindi presentable ang hitsura ko dahil pawis na pawis ako dahil sa pagtakbo ko kanina. Pagpasok ko sa loob ay napansin ko na parang kakaunti lang yata ang pumasok ngayon. “Shiela, bakit kakaunti ang tao ngayon? Halos iilan lang tayo, ah? Bakit? Um-absent ba sila ng sabay-sabay?” Umiling si Shiela. “Lahat ng empleyado na maraming absent at late ay tinanggal nila kanina.” “Huh? Bakit?” “Utos raw ni Sir Stone." “Ano? Tinanggal niya kahit may dahilan naman ang pagliban nila no’ng mga nakaraan?” “Oo, eh. Sabi ko sa ‘yo marami ang magiging pagbabago, eh. Hindi ka ba na-inform na may emergency meeting kanina?” “Hindi, eh.” Wala kasi akong oras para silipin ang cellphone ko kasi nga late na ako. Yari talaga ako nito sa manager namin. Ito kasi ang unang beses na hindi ako naka-attend ng meeting tapos late pa akong dumating. “At simula bukas, kung sino raw ang ma-late ay tatanggalin na rin. Kaya kung halimbawa ay late ka ulit bukas, ‘wag ka na lang pumasok dahil hindi ka na rin naman papasukin ng guard.” “Ganoon?” “Oo, ganoon nga, Raizel. Grabe, ‘di ba?” “Grabe naman. Sobrang higpit naman. Hindi kaya nabibigla lang siya?” “Seryosong-seryoso siya habang nagsasalita siya kanina. Marami raw ang nangangailangan ng trabaho na responsable at maaasahan. Hindi raw siya manghihinayang kahit gaano ka pa katagal na naninilbihan sa kanila kung hindi mo naman pinapahalagahan ang trabahong ibinigay sa iyo. Hays, nakakalungkot talaga. Ang higpit niya sobra.” “Nakaalis na ba siya, Shiela?” “Nasa office pa yata siya. Nag-o-audit daw yata. Lahat raw kasi ng papeles ay tinitingnan at binubusisi ni Sir Stone sabi ni Ma’am Liza. Pinaalis nga daw siya ni Sir Stone dahil gusto daw ni Sir Stone na mapag-isa, eh.” “Kahit may dahilan ‘yong pag-absent nila nitong mga nakaraan ay mga tinanggal talaga? P'wede ba 'yon?” “Eh, paano naman daw kasi sobrang dami ng absent kaya parang hindi na naniniwala si Sir Stone. Mukhang pinapagawa lang daw ang medical certificate sa tabi-tabi tapos kumpleto ang sahod na nakita sa system.” “Kanino mo naman narinig ‘yan?” “Narinig ko lang kanina habang kinakausap ni Sir Stone ang lahat ng empleyado na may mataas na katungkulan. Si Ma'am Liza nga sinabon ng husto kanina, eh. Sinabihan pa siya na kung hindi raw niya kayang panindigan ang position niya ay ‘wag na raw siyang papasok bukas.” “Talaga? Sinabihan siya ng ganoon?” “Oo nga.” Grabe. Na-late lang ako ng kaunti tapos marami na pala agad ang nangyari. Natigil ang pag-uusap namin ni Shiela nang makita namin na paparating sa gawi namin si Ma'am Liza na manager namin. “Gonzalez, kararating mo lang?” tanong sa akin ni Ma'am Liza. Ngayon ko lang siya nakita na sobrang seryoso ng mukha. “Late ka?” Tumango ako. “Sorry po, Ma’am.” “Ipinapatawag ka ni Boss.” “Po? Bakit daw po?” “Hindi ko alam at wala akong idea. Siguro nakita niya sa CCTV na late ka.” “Sige po.” Habang naglalakad kami ni Ma'am Liza papunta sa opisina ni Stone ay parang sasabog ang puso ko sa kaba. Hindi pa naman ako na-late sa trabaho kahit na kailan, eh. Ngayon lang naman at may dahilan naman kung bakit. Pagdating namin sa opisina ni Stone ay kumatok muna si Ma’am Liza. “Boss, nandito na po si Miss Gonzalez.” “Let her in,” narinig kong wika ni Stone kay Ma'am Liza. “Pumasok ka na. Aalis na ako dahil marami pa akong gagawin. Pagkatapos mo riyan ay bumalik ka na rin agad sa trabaho dahil maraming customer ngayon.” “Sige po.” Bago ako pumasok ay hindi ko maiwasan na hindi mapa-sign of cross. Bahala na. Ngayon lang naman ako na-late, eh. “Good morning po,” bati ko kay Stone pagpasok ko sa opisina niya. “What is good in the morning?” seryoso niyang tanong sa akin habang salubong ang dalawang makakapal niyang kilay. “Is it good for you to be late?” “Ngayon lang naman po nahuli sa trabaho.” “Ngayon lang kasi ngayon lang kita nahuli! Ngayon ko lang nahuli ang mga ginagawa ninyong hindi maganda rito sa kompanya ko! Kailan pa ninyo ginagawa ang ganitong sistema, huh?” “Señorito–” Nagulat ako nang sumigaw ito. “Don't call me, Señorito!” “Ano po ang itatawag ko sa inyo kung ganoon? Sir o boss po?” “Just call me by my name.” Kumunot ang noo ko. Bakit naman tatawagin ko lang siya sa pangalan niya? Hindi ba ‘yon kabastusan kapag may nakarinig na ibang tao? Ayos lang ba si Stone? May sakit ba siya? Napabuga ako ng hangin. “Sige po.” “How long have you been working in this company?” tanong ulit ni Stone sa akin na ngayon ay nakakrus na ang mga braso niya. “Hindi pa naman po masyadong matagal.” “Why are you late today?” “Napuyat po kasi ako. Pasensiya na po. Hindi na po mauulit.” Tumawa ito ng pagak. Totoo naman na napuyat ako, eh. Akala yata ng lalaking ‘to ay nagsisinungaling ako. Isa pa, ba’t ngayon niya naisipan na ikutin ang lahat ng negosyo nila samantalang nakaburol pa nga ang ama niya? Napatitig ako sa mukha niya. Halatang wala pa siyang maayos na tulog dahil napansin ko na medyo maitim ang paligid ng mga mata niya. Pero, sobrang daya lang talaga ng mundo dahil kahit saang anggulo tingnan ay magandang lalaki pa rin ang masungit na 'to kahit puyat man o hindi. “Is it my fault that you are late today?” Mabilis akong umiling-iling. “Siyempre po, hindi!” “Isang linggo kang hindi papasok simula bukas. That's your penalty for being late today,” sabi ni Stone sa akin. “Kailangan parusahan ang mga taong abusado.” "Po?" P’wede naman niyang bawasan na lang ang sahod ko ngayong araw. Bakit naman isang linggo niya akong hindi papapasukin? Grabe naman ang lalaking ‘to. Wala man lang kahit na kaunting konsiderasyon. Alam naman niya na late na kami nakauwi kagabi, eh. “Bawasan na lang po ninyo ang sahod ko o ‘di kaya’y kahit wala na lang pong bayad ang araw ko ngayon basta ‘wag lang pong isang linggo ninyo ako hindi papapasukin.” “Who's the boss?” “Kayo po.” “My company, my rules, Mara.” “Mara? Hindi po ako si Mara.” “Your name is Maria Raizel, right?” “Opo.” “So, Mara for short.” Siya lang ang nakaisip ng ganiyan. Medyo maganda namang pakinggan dahil maikli lang kaya lang hindi iyon sapat para matuwa ako dahil isang linggo niya akong hindi papapasukin sa trabaho. “So, nagkakaintindihan na ba tayo?” “Hindi po ba ako p'wedeng makiusap na patawarin n’yo na muna ako ngayon? Pangako, hindi na po mauulit ang ganitong tagpo.” “No!” matigas nitong tugon. “Isang linggo kang hindi papasok. Depende pa sa mood ko ‘yan kung pababalikin pa kita o hindi na.” Ang sarap niyang saktan sa totoo lang. Nakakainis ang pag-uugali. Kahit na naiinis ako ay hindi ko iyon ipinahalata dahil baka mas lalong mapasama ang sitwasyon. “Hindi na po talaga mauulit.” Ngumiti ako ng matamis sa lalaking masungit na kaharap ko baka sakaling makaramdam siya ng konsensya. “Sige na po, please? Sige na po boss kong pogi na macho pa. Patawarin na po ninyo ako. Hindi na po talaga mauulit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD