TDD4 Pagkukunwari. (Raizel)

1629 Words
“Everything? What do you mean by everything, Kuya Stone?” inis na tanong ni Jackson kay Stone. “Are you an idiot or what? What is the meaning of everything for you, huh?!" “Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang mga babaguhin mo at aalisin mo, Kuya.” Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Aalis na ba ako o mananatili akong nakatayo hanggang sa matapos ang diskusyon ng mga kaharap ko. Nahihiya akong umalis bigla pero mas nakakahiya kung hindi pa ako aalis lalo na’t nagiging mainit na ang sitwasyon. Pero, paano kapag nagkagulo ang dalawa? Sino ang aawat sa kanila? Sa huli ay pinili ko na lamang na manatili pero hindi ako nakatingin sa kanila dahil nakatingin ako banda sa kinaroroonan ng lolo ko. Kunwari na lang ay wala akong nakikita at naririnig. “Lahat ng karapatan ninyong mag-ina ay aalisin ko dahil wala naman talaga kayong karapatan simula pa lang.” “Pero, inaalagaan at minahal namin si Papa, Kuya!” “Where is he? Huh!” “Kuya, hindi na namin saklaw kung hanggang saan lang ang buhay niya. Ang mahalaga ay inaalagaan namin siya at minahal no’ng nabubuhay pa siya.” “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Kailanman ay hindi ko kayo pakikinggan. Inuumpisahan na ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni dad. Hangga’t walang pang nakukuhang ebidensya ay kayong dalawa ng mommy mo ang suspek sa mga mata ko.” “You're unbelievable, Kuya Stone! Ibang klase ka talaga. Bigla-bigla kang umalis tapos ngayon na bumalik ka ganito naman ang gagawin mo? Sa tingin mo ba matutuwa ang papa sa ginagawa mong ‘to ngayon?” “Don't call him papa because he's not your dad and you're not his son. He just picked you up from somewhere. So, better know your place. Ow, inakit lang pala ng magaling mong ina ang daddy ko kaya napunta kayo rito sa lugar namin.” “That's not true! Mahal ni Papa ang mommy ko.” “Ba't hindi pinakasalan ni dad ang ina mo kung talagang nagmamahalan sila? You know why, huh? It's because my dad still loves my mother. Magaling lang talaga kasing mang-akit ang ina mo kaya nakuha niya ang daddy ko. Sadly, wala na si Daddy kaya wala na ring dahilan para manatili kayo rito. Kailangan na ninyong lumipat sa ibang lugar. Bahala kayo kung saan ninyo gusto basta ‘wag lang sa mga lugar o lupain na pag-aari ng pamilya ko.” “What? Are you serious, Kuya? Hindi naman yata tama na basta mo na lang kaming paaalisin dito. Hindi naman yata makatarungan ‘yon.” “You have two choices if you don't want to leave this place, Jackson. I will give you two options.” "A-ano? At ano naman 'yon, Kuya?" “Hanapin mo kung sino ang pumatay sa daddy ko. I want solid evidence and I want a result within this week.” “Paano kung hindi ko magawa? Paano kung hindi ko mahanap ang salarin, Kuya?” “Palalayasin ko kayong dalawa ng ina mo rito sa mansiyon at hindi kayo p'wedeng tumira ni isa man sa mga pag-aari namin. Kayo ang kasama niya bago siya mawala, hindi ba? Higit kanino man ay kayo ang marami ang alam sa mga nangyayari kaya kung hindi mo maibibigay sa akin ang sagot na hinahanap ko ay magsimula na kayong mag-impake dahil kung hindi ay gagamitan ko kayo ng dahas para lang mapalayas ko kayo ng madalian dito sa mansyon.” Napaisip ako. Bakit hahanapin ni Jackson kung sino ang pumatay kay Senior? Hindi ba aksidente lang ang lahat? “P'wede po ba akong magtanong, Señorito Stone?” singit ko. “Ano po ba ang sinasabi ninyo na pinatay si Senior? Pinatay po ba siya? Hindi po ba aksidente lang ang nangyari?” Kapwa napatingin sa akin ang dalawa dahil sa naging tanong ko. “Pasensiya na. Curious lang po ako. ‘Wag na lang po ninyong pansinin ang tanong ko. Sorry po ulit.” “Who are you?” tanong sa akin ni Stone. Grabe. Limang taon lang kaming hindi nagkita tapos hindi na niya ako kilala? Sabagay, marami na rin kasi talaga ang nagbago sa hitsura ko lalong-lalo na sa pangangatawan ko. “Raizel ang pangalan niya, Kuya.” pagpapakilala sa akin ni Jackson kay Stone. “Siya ‘yong nag-iisang apo ni Mang Esteban. ‘Yong batang laging pumupunta rito noon para hatiran si Papa ng pili nut.” Walang kahit na anong salita na binitiwan si Stone. Sa halip ay mariin niya lang akong pinagmasdan na tila ba hindi niya ako kilala. “I don't know her,” saad nito makalipas ang ilang minuto. “I haven't seen her even once.” “Imposibleng hindi mo siya kilala,” hindi makapaniwalang wika ni Jackson. Ako man ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Stone dahil bago pa man siya umalis papunta sa America ay madalas kaming nagkikita rito noon kapag hinahatiran ko ng pili nut si Senior. “Kilala mo siya. Nakalimutan mo lang siguro.” “Hindi ko siya kilala at wala rin akong pakialam kung sino siya,” wika ni Stone sa pormal na tono. Napailing na lang si Jackson. Ako man ay hindi na rin nagsalita o nagtangkang ipakilala ang sarili ko dahil hindi ako naniniwala na hindi ako kilala ni Stone. “Ahm, mauuna na ako sa inyo,” paalam ko bigla sa dalawa. May pasok pa ako bukas kaya kailangan ko ng yayain ang lolo ko para makauwi na kami. “Nakikiramay po ako sa nangyari kay senior. Nawa’y mahanap agad ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Senior. Magandang gabi po sa inyong dalawa. Mauuna na ako sa inyo.” Pagkasabi niyon ay umalis na ako dahil mukhang ayos naman na sila hindi kagaya kanina na punong-puno ng tensyon. Hinanap ng mga mata ko ang lolo ko at abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga tao na hindi ko kilala kung sino. Halo-halo kasi ang mga tao na pumunta ngayong gabi. At dahil mukhang matatagalan pa ang lolo ay umupo muna ako sa isang tabi. Kapag medyo malalim na talaga ang gabi ay lalapitan ko na siya para alukin na umuwi na kami dahil may pasok pa ako bukas. “Grabe, ‘no! Bakit kaya hindi nila alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Senior Ricardo?” narinig kong tanong ng isang ginang. Nakaupo kasi ako sa likuran ng mga ito kaya naririnig ko kung ano man ang pinag-uusapan nila. “Walang nabanggit kanina si Sir Stone, eh. Ang sabi niya lang, may mga bagay daw talaga na hindi maipaliwag samantalang may mga sugat daw ang senior nang matagpuan ito sa garden,” sagot naman nang ginoo na katabi ng ginang. Sa tingin ko ay mag-asawa ang dalawa dahil napansin ko na magkahawak sila ng mga kamay. “Marahil ay ayaw na nilang masaktan pa lalo kaya hindi na nila sinabi pa ang dahilan. Tiyak naman ako na mabibigyan agad ng katarungan ang senior lalo pa’t maraming CCTV rito sa mansiyon,” sabi pa ng ginang. “Sana nga at nang maturuan ng leksyon ang mga lintik kung sino man sila.” Ako man ay nagtataka. Bakit naman sasaktan ang senior sa sarili niyang lugar? Wala man lang bang nakakita? At saka, bakit maraming galos? Minaltrato ba muna siya bago pinatay? Tiyak akong gagawin ni Stone ang lahat para lang mahuli kung sino man ang walang puso na gumawa niyon kay senior. Nangangamba ako na baka buhay rin ang maging kapalit dahil kilala ko ang ugali ni Stone pero sana ay mali ang iniisip ko. Sa sobrang pakikinig sa mga taong nag-uusap-usap sa paligid ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa suot kong relong pambisig na ala-una na pala ng madaling-araw kaya bigla akong napatayo at tumingin sa gawi ni lolo. Mabuti na lamang at eksakto naman na napatingin ito sa gawi ko kaya kumaway ako at sumenyas ako na umaga na. Marahil ay naintindihan naman ng lolo ko ang ibig kong sabihin dahil agad itong tumango. Nagpaalam siya sa mga kausap niya at lumapit na sa akin. “Naku! Hindi ko na namalayan ang oras, Apo. Umaga na pala! Papasok ka pa ba mamaya?” “Opo, Lolo. Papasok pa po ako mamaya. Alam naman po ninyo na hindi ako lumiliban, hindi ba?” “O siya, tara na at baka mahuli ka ng gising mamaya.” “Sige po.” Binuksan ko ang flashlight na dala ko at pagkatapos ay hinawakan ko ang bisig ni Lolo at sabay kaming naglakad pauwi. “‘Lo.” “Yes, Apo?” “Nagkaharap kami ni Stone kanina.” “Oh, tapos? Ano ang nangyari?” “Hindi niya raw ako kilala.” “Ha? Imposible naman yata na hindi ka niya kilala, Apo. Baka naman nakalimutan ka lang niya." "Hindi nga raw po niya ako kilala, eh. Ang hina po ng memory niya, 'no? Saka alam n'yo, 'Lo, parang mas lalo siyang tumapang ngayon. Nakakatakot po ang awra niya kanina. Galit na galit po siya kay Jackson at saka sa mommy ni Jackson. Pagkatapos daw ng libing ni Senior ay lilinisin niya ang lahat at aalisin niya ang dapat alisin. Nakakatakot po siya, 'Lo." "Narinig ko rin kasi na hindi tama ang pamamalakad sa iba nilang negosyo kaya siguro aayusin ni Stone, Apo." "Gano'n po ba?" "May palakasan daw kasi, eh. Kahit naman ganiyan ang ugali ni Stone ay gusto niya patas siya sa lahat. Ayaw niya ng mga taong mapanglamang." "Paano po ninyo nalaman?" "Matagal ko na silang kilala at bata pa 'yan ay alam ko na ang ugali ng batang 'yan. Masungit, mahigpit, hindi marunong tumawa pero patas 'yan sa lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD