TDD3 Ang Unang Pagkikita. (Raizel)

1903 Words
“Lolo, nandito na po ako!” imporma ko sa lolo ko pagdating ko galing sa trabaho. “Naka-ready na po ba kayo?” Sumilip ang lolo ko galing sa kuwarto niya. Nakabihis na at halatang nakahanda na siya sa pagpunta namin sa mansiyon. “Ang tagal mo naman, Apo!” reklamo ni lolo nang makita niya ako. “Gabi na tayo. Gagabihin na tayo nito.” Birthday kasi ng isa sa mga katrabaho ko kaya napilitan akong sumama. Ayaw ko nga sana kaya lang nahiya naman ako. Sumaglit lang naman ako dahil nagpaalam na rin agad ako dahil sinabi ko na may pupuntahan pa kami ng lolo ko. “Malapit lang naman po ang pupuntahan natin, ‘Lo. Kahit po abutin tayo ng alas-diyes doon ay ayos lang sa akin.” “Ayos lang sa iyo na mapuyat ka ngayon? 'Di ba kailangan mong matulog dahil maaga ka pa bukas?” “Ayos lang po kahit mapuyat ako ngayon basta hindi lang po araw-araw,” magalang kong sagot. Sigurado kasi ako na baka abutin kami ng hanggang hatinggabi roon. Hindi naman kasi papayag si Lolo na umuwi agad kami lalo pa't unang gabi ngayon ni Senior Ricardo. “Ngayon lang naman po ako magpupuyat, eh.” “Tara na ba, Apo?” “Magbibihis lang po ako, Lolo.” “Sige, magbihis ka na para makaalis na tayo.” “Sige po. Saglit lang po ako. Hintayin n’yo na lang po ako sa labas, Lolo.” “Sige.” Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin agad ako. Kinuha ko ang flashlight para may ilaw kami mamaya pag-uwi namin. “Tara na po, ‘Lo,” yaya ko sa lolo ko na agad akong sinagot ng tango. Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami sa mansiyon ng mga Devereux. Ang daming tao. Halos lahat yata ng mga tauhan ng mga Devereux ay nandito ngayong gabi. Sabagay, unang gabi kasi. Isa pa, mabait naman talaga ang Senior kaya mahal na mahal ito ng mga tauhan. “Lolo, ang daming tao,” bulong ko sa lolo ko. “Baka po maipit kayo, ah. Ano po kaya kung bumalik na lang po kaya tayo bukas?” “Apo, hangga't narito pa si Ricardo ay araw-araw ko siyang pupuntahan dito. Kaunti man o marami ang tao araw-araw ay pupunta pa rin ako at sisilip sa kaniya.” “Kayo po ang bahala.” Nagpaalam saglit sa akin ang lolo ko. Lalapitan niya raw sandali ang ilan sa mga kaibigan nila ni senior na nakasama nila sa inuman bago mangyari ang sakuna. Agad ko naman siyang pinayagan pero pinaalalahan ko na mag-ingat dahil baka mabangga siya o ‘di kaya’y madapa siya. Habang wala ang lolo ko ay palinga-linga ako sa paligid. Hindi sinasadya na mapatingala ako sa terrace. Madilim sa gawi roon kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino ang nakatayo roon banda habang humihithit ng sigarilyo. Hindi ko alam kung bakit kahit madilim ay nararamdaman ko na nakatingin din sa akin ang lalaki kaya naman nag-iwas ako ng tingin at itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa lolo ko. Nakasilip ito sa kabaong ni Senior Ricardo habang kausap si Mang Elmer na isa ring magsasaka kagaya ng lolo ko. Nang mapatingala ulit ako sa terrace ay wala na roon ang lalaki. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita ko kanina o totoong tao talaga. “Apo, gusto mo ng kape?” tanong sa akin ni lolo na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala. “Dala-dala ito ni Elmer. Gusto mo ba? Naghahalo ang tamis at pait. Medyo masarap naman. Gusto mo bang ikuha kita para mainitan and sikmura mo?” “Ayaw ko po, Lolo,” tanggi ko. Hindi naman kasi ako masyadong umiinom ng kape lalo na’t gabi na dahil baka hindi ako makatulog mamaya. “Anong oras po tayo uuwi?” “Mayamaya siguro. Mga alas-nueve. Ayos lang ba sa iyo?” “Ayos lang po.” May dala naman akong flashlight kaya kahit gabihin kami ay ayos lang. ‘Wag lang sanang umulan dahil hindi ako nakapagdala ng payong. “Lolo, ‘wag po kayong masyadong magkape at baka hindi po kayo makatulog agad-agad pag-uwi natin.” “Hindi naman, Apo. Pinilit lang ako ni Elmer na magkape habang nagkukuwentuhan kami.” “Kumusta raw po ba, Lolo? Ano daw po ang ikinamatay ni Senior?” “Walang may alam kung ano ang dahilan. Ang hula ng iilan ay baka naparami ang inom at nabagok ang ulo. May sugat daw kasi ang ulo ni Ricardo nang matagpuan sa garden, eh.” “Siguro po dahil sa sobrang kalasingan.” Kaarawan kasi senior nang araw na mawala ito. Marahil ay hindi na napansin ng matanda na naparami na pala ang inom. Magpapahangin lang siguro ito sa garden pagkatapos nang okasyon pero aksidente naman ang inabot. Posibleng ganoon nga ang nangyari. “O siya, maiwan na muna ulit kita, Apo. Inalok lang kita ng kape kaya ako lumapit sa iyo. Babalik na ulit ako roon. Ayos ka lang ba rito?” “Ayos lang po, Lolo.” “O siya, maiwan na muna kita.” “Sige po.” Nang makaramdam ng pangangalay ng paa ay naghanap ako ng p'wede kong maupuan. Luminga-linga ako sa paligid. Eksakto naman na may nakita akong bakanteng upuan sa ‘di kalayuan. Kinuha ko iyon at dinala sa parte ng mansyon kung saan may puno ng mangga para makasandal ako. Wala kasing sandalan ‘yong upuan na nakita ko. “Hi!” Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko dahilan para maidilat ko ang mga mata ko. Ipinikit ko muna kasi sandali ang mga mata ko habang nakasandal dito sa puno ng mangga dahil medyo inaantok na rin ako. “Why are you here?” “Ikaw pala ‘yan, Jackson,” ani ko at tipid na ngumiti. “Nakikiramay kami ng lolo ko sa pagkawala ng ama ninyo ni Stone.” “Salamat, Raizel," matamlay na sagot ni Jackson sa akin. “Ayos ka lang?” tanong ko dahil pakiramdam ko ay matutumba ang kaharap ko. Napansin ko kasi na parang hindi ito makatayo ng diretso na animo’y anumang oras ay mabubuwal ito. “Jackson, ayos ka lang ba?” “Ayos lang,” sagot sa akin ni Jackson habang bahaw na nakangiti. “Wala pa kasi akong tulog simula kahapon. Ako lang kasi ang mag-isang nag-asikaso kay papa kaya halos wala pa akong pahinga talaga. Kahapon pa nga ako halos walang kain, eh.” “Ganoon ba?” Tumayo ako para i-offer sa kaniya ang inuupuan ko dahil kapag nabuwal ang lalaking ‘to ay siguradong hindi ko siya kayang saluhin at itayo. “Umupo ka muna, Jackson. Magpahinga ka na muna rito sandali.” “Salamat, Raizel.” Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Magkaibigan kami, oo. Pero, hindi naman kami masyadong close para yumakap siya sa akin ng ganito kahigpit. “Wala na ang papa!” sambit ni Jackson habang nakayakap sa akin. Umaalog ang balikat nito kaya alam kong sobra ang pagdadalamhati nito ngayon. “Tiyak ako na pahihirapan kami ngayon ni Kuya Stone na wala na si Papa, Raizel. Wala na kaming kakampi ni mama. Wala na...” “Hindi naman siguro. 'Wag kang mag-isip ng mga negatibo,” pagpapalakas ko ng loob niya habang bahagyang hinahagod ang likod ni Jackson. “Ngayon pa nga lang ay nag-uumpisa na siya, eh. Pinapahirapan na niya kami at kung tingnan niya kami ay para bang isa kaming insekto na anumang oras ay kaya niyang patayin." “Ha? Bakit naman?” “Ang sabi niya, simula raw ngayon ay kami na raw mismo ni mommy ang maglalaba ng mga damit namin at magluluto ng mga kakainin namin. Bawal daw namin gamitin sa walang kuwentang bagay ang pera ni Papa dahil hindi naman daw kami baldado. Mommy tried to protest but Stone hit her face. Bawal daw kaming mag-utos sa mga katulong dahil hindi naman daw kami ang nagpapasahod sa mga ‘yon. I hate him to the core!” “Intindihin mo na lang si Stone, Jackson,” sabi ko. “Marahil ay galit lang ‘yong tao kaya nasabi niya ang mga ganoong bagay. Masakit din kasi sa kaniya ang nangyari dahil si Senior na lang ang mayroon siya tapos nawala pa.” “Masama talaga ang ugali niya noon pa man, Raizel!” giit ni Jackson. "Hayop talaga ang pag-uugali niya dahil noon pa man ay hindi niya kami pinakitaan ng maganda." “Umupo ka kaya muna,” suhestiyon ko. Lahat kasi ng bigat niya ay parang salo-salo ko na. Masyadong mahigpit ang yakap niya kaya halos hindi na ako makahinga. “Jackson, umupo ka muna para makapag-usap tayo ng maayos. Hindi kasi ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap mo–” Pareho kaming nagulat ni Jackson nang may humablot sa damit niya at itinulak siya palayo sa akin. “K-kuya, ikaw pala,” kandautal na sambit ni Jackson kay Stone samantalang ako ay nakatitig lang sa lalaking bagong dating. “What are you two doing here?” puno ng awtoridad na tanong sa amin ni Stone. He looks more handsome now kahit hindi masyadong maliwanag ang ilaw dito sa puwesto namin banda. Mas lalo pang lumaki ang katawan ni Stone kaya lang parang mas lalo rin itong naging masungit base sa nakikita kong awra nito ngayon. “Wala ba kayong kahihiyan? Dito pa talaga sa burol ni daddy kayo naglalandian?” “Nagkakamali po kayo,” paliwanag ko. “Wala po kaming ginagawang masama ni Jackson. Nag-uusap lang naman kaming dalawa. Hindi po namin binabastos ang labi ni Senior. Wala pong ganoon na nangyayari, Señorito.” “Raizel is right, Kuya,” segunda naman ni Jackson. “We're just talking here as friends. ‘Wag mong haluan ng malisya kung ano man ang nakita mo, Kuya.” Inisang hakbang ni Stone ang pagitan nilang dalawa ni Jackson at malakas na hinablot ang suot na damit ni Jackson. Sa sobrang lakas ng pagkakahatak ay nakita kong nagtalsikan ang ilan sa butones ng suot na damit ni Jackson kaya parang ginahasa tuloy ang huli. “Kilala kita!” wika ni Stone kay Jackson sa madilim na anyo. “Kilala ko ang pagkatao ninyong mag-ina kaya hindi ninyo ako maloloko. Now that I'm here, I will watch every step you make. I won't give even a little mercy to the two of you. Tell your mother that she's just trash in this mansion. She has no power like you. Hinding-hindi ko kayo bibigyan kahit na kaunting awa lalo na kapag nalaman ko na may kinalaman kayo sa pagkamatay ng daddy ko. I will torture every inch of your body. Mark my work.” Pagkatapos nitong Sabihin iyon ay pabalyang binitiwan ni Stone si Jackson. Punong-puno ng galit ang mukha ni Stone na tila ba kapag nagkamali ka kahit maliit na bagay lang ay hindi ka nito kayang patawarin. "Pagkatapos ng libing ni Dad ay lilinisin ko ang mga dapat linisin at aalisin ko ang mga dapat alisin." "What do you mean, Kuya?" tanong ni Jackson na may kasamang takot. "Ano'ng gagawin mo?" Ngumisi ng nakakatakot si Stone bago nito tiningnan si Jackson. "Babaguhin ko ang sistema rito sa mansiyon at sa lahat ng negosyong pag-aari namin. Lahat ng walang silbi ay aalisin ko at itatapon." "What? Ano ang aalisin mo?" "Everything, Jackson. Everything."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD