AKRIM Wala na akong nagawa nang piliin ni Andrea na sumama kay Mama para doon muna pansamantalang manuluyan. Para doon magpahinga, doon magpagaling. Pagdating sa kalusugan ng mahal ko, siyempre hindi ako puweding maging kontrabida, baka mabad shot akong lalo sa kaniya, hindi na niya talaga ako magawang patawarin. Kahit nga ngayon, madamot sa pakikipag usap. Madamot rin sa sulyap. Parang allergy na sa mukha ko. Pero ang pagtira niya kay Mama ay hindi magtatagal. Pansamanta lang naman. Well, pansamantala kako dahil hindi naman ako papayag na doon na sila manatili ng anak ko. Pagbibigyan ko lang siya sa ngayon at babawiin ko rin sila sa ayaw man niya or sa gusto. “Ipapahatid ko po sa driver si Dollor sa inyo, para may mautusan at katu-katulong si Andrea sa pag-aalaga sa ana

