ANDREA Gustong gusto ko ang mama ni Akie, nakikita ko sa kaniya ang pagka-motherly awra ng namayapa kong ina. Ganitong ganito si Mommy. Nakikita ko sa kaniya ang pagiging mapagmahal at maasikaso bagay na siguro ay namana ni Akie sa kaniya. Pero napansin ko ang malalamlam na tingin niya sa amin ni Akie kapag hindi nakatingin sa kaniya ang anak. Alam kong may bumabagabag sa kaniya. Parang may gusto rin sabihin ang mga mata niya sa akin pero hindi lamang nito masabi nang kaharap si Akie. May dumating na batang lalake, pinapatawag daw si Akie para tumulong. “Ma, iwan ko muna sa inyo si Andrea. Tutulungan ko lang po saglit si Mang Oscar.” “Aba, sige lang anak. Pero huwag kang magtatagal diyan, alalahanin mong may bisita tayo.” Ang paalala ng kaniyang ina na agad naman niyang sinan

