ANDREA Linggo ng hapon nun nang bigla na lang akong lapitan ng madrasta ko at walang abog na dumapo sa pisngi ko ang bigat ng kaniyang palad. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya. Napaawang ang mga labi ko at agad napasapo ang palad ko sa kaliwang pisngi kong tila biglang namanhid. Pakiramdam ko, agad iyong namaga dahil sa lakas ng puwersang dumapo roon. Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko, nanginginig rin ako sa takot. Ni hindi ko kayang kontrolin ang kabang nararamdaman ko. Hindi talaga ito nangingiming saktan ako kahit noon pa. Bata pa lang ako nakakatikim na talaga ako ng pananakit sa kaniya. Kaya sa murang edad ay nagawa niyang maipunla ang malaking takot sa dibdib ko. Yung tipong boses pa lang niya, ay kinakabahan at nanginginig na ako sa takot. Kaya madalas, hind

