BRIXTON “Nang araw na tinanggap ni Andrea ang alok nitong si Gagu—“ natigilan ako nang sabay sabay akong tiningnan ng masama nina Prix, Alcon, at Draco. Nagbabanta ang mga tingin nila sa akin, parang ako na naman ang masama nito. Napakibit balikat na lang ako at sumusukong napahinga ng malalim. Fine! Pero anong magagawa ko, e, sa hindi pa rin talaga nahupa ang inis ko at panggigigil sa gagung ‘to na puro selos at galit ang pinapairal kaya yan tuloy ang napala. Binalaan ko na siya, sumigi pa rin ang tanga! Di ngayon sising-sisi siya?! Though, kahit anong galit at inis na ipakita ko ngayon sa kaniya, pagmumura ko at pangbubuska sa katangahan at katigasan ng ulo niya, ay nanatili siyang nakayuko at walang imik. Hindi na siya lumalaban sa akin, para mangatuweran at ipagtanggol ang

