BRIXTON PAGKAKITA pa lang ng dalawa kay Akrim ay kita na namin ang pagkaalarma sa mukha nila. “Siguro naman ay nabalitaan niyo na ang nangyari kay Jef sa kulungan di ba? Kaya kung ako sa inyo, dapat pawang totoo lang ang ikukumpisal ninyo sa amin,” ang agad na banta ni Alcon sa kanila. Hinawi ko naman ang laylayan ng suot kong Jacket para sadyang ipakita sa dalawa ang baril sa tagiliran ko saka ako pasandal na naupo sa mahabang mesa na naroon. “Kaya hinay hinay lang kayong dalawa sa pagsasalita, ilang araw nang nagdidilim ang paningin ni Gob, baka magkita kita na kayo nila Jeff bukas,” ang pananakot kong dagdag sa kanila. Takot na takot ang dalawang tiningnan si Akrim. Kita na namin ang biglang panginginig nila. “A-Akrim, maniwala ka, matagal na kaming tumiwalag kay Jef, matagal

