AKRIM Sa isang liblib na lugar sa ilo-ilo namin natagpuan sila Ricky at ang buong mag-anak nila Rowena. Nadatnan pa namin ang pagiging abala nila sa pag-aani ng mga palay. Nakabalot man ang buong mukha ni Ricky ng tela bilang proteksyon sa matinding sinag ng araw ay nakilala ko pa rin siya sa tindig niya at sa kaniyang mga mata. Natigilan si Ricky at nakita ko ang takot sa reaksyon niya nang makita kami ni Alcon. Ganun din ang reaksyon ni Rowena. Nang nakalapit kami sa kanila ay agad pumagitna ang naaalarmang si Rowena at iniharang ang sarili sa amin. “Akrim, pakiusap.. sana ay maging mahinahon kayo at daanin nyo na lang sa maayos na pag-uusap.. maniwala ka walang kasalanan si Ricky,” ang pagtatanggol niya agad. Napabuntong hininga ako at kinalma siya sa tila pagkataranta. “

