ANDREA Sa patuloy kong pagmamasid sa hacienda mansion, naging malinaw na sa akin ang lahat ng nangyayari. Narinig ko mismo mula sa pagtatalo ni Daddy at Julia. Narinig ko rin ang usapan ni Daddy at Jacky. Pati ang pagpunta ng isang abogado sa hacienda namin. Lahat ng iyon ay lihim kong inalam para magkaroon ng linaw sa akin ang lahat. Hindi nga ako nabigo, kahit paano nakuha lahat ng sagot sa mga tanong ko. Julia convinced Dad to invested a huge amount of money sa ilang kompanya. Dad usually didn’t trust that easily to anyone lalo na kung negosyo at pera ang pag-uusapan. Pero bakit siya nagtiwala sa mga kompanyang ito? Ano ang nag-udyok sa kanya? May sarili naman kaming negosyo bakit hindi na lang nag-focus ang daddy doon? Bakit kailangan pa siyang makisusyo sa ibang kompanya a

