ANDREA Pagkatapos ng hapunan at saglit na makapagkuwentuhan, ay tumikhim si Akrim para kunin ang pansin ng mga nagkukulitan pang mga kaibigan. Ang ingay nila sa hapag. “Let’s go, we still have a lot of things to talk,” pormal na pormal na ang pananalita niya at mukha. “Isama natin si Andrea?” pabirong hirit ni Draco. Gusto kong mapapikit. s**t. Ako na naman? Bakit ba kasi lagi na lang nila akong sinisingit sa usapan? Tiningnan siya ng matalim ni Akrim pero parang baliwalang nagkibit balikat lamang si Draco. “Binibiro lang napipikon kaagad, kaya may mga puting buhok ka na e, hindi ka na mabiro biro, ayan madali ka tuloy tumanda.” Ang hirit pang anash nito. “Kanina ka pa.” Mahina ngunit may babalang sambit ni Akrim sa kaniya. Then, Brixton looked at Draco, nilapitan niya ito.

