AKIE Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinakatitigan. Nag-iiwas siya. “Tumingin ka sa akin, Andrea,” masuyo kong hiling sa kaniya. Atubili siyang sumunod sa akin. “Mahal mo ba talaga ako?” Ang masinsinan kong tanong. Lumamlam ang mga mata niya sa akin. “Sabihin mo sa akin, mahal mo ba talaga ako?” tumango siya ng marahan, napangiti ako. “Alam mong mahal kita, mahal na mahal kita Akie, kaya ginagawa ko lahat ng posibilidad na paraan para makasama kita—“ “Then, sumama ka na lang sa akin. Lumayo na lang tayo.” Ang himok ko sa kaniya. Kung heto na lamang ang natitirang paraan para magkasama kami handa ko itong panindigan. Ilalayo ko talaga siya. At dahil siguro sa bugso ng damdamin ko nang mga sandaling iyon kaya lahat na lang maari kong maisip na paraan ay gusto kong subuk

