AKRIM “Here, all the information I gathered from my first investigations,” ang lapag agad ni Brixton ng folder sa ibabaw ng mesa pagka-upo na pagka-upo namin. Dalawang araw pa lang mula ng tawagan ko siya, at hanga talaga ako sa bilis ng gagu dahil may nailapag agad siya sa akin ngayon. At siya mismo ang nagsabi na hahawakan niya ng personal ang pang iimbistiga sa kaso ni Andrea. Saglit akong napatitig dun, hindi ko mapigilan ang pag-igting ng mga panga ko. Kapag nalaman kong nagsinungaling nga sa akin si Jef, hindi lang isang daliri niya ang tatanggalin ko. “I will tell you, frankly, I am very interested to Andrea’s case,” ang napaka seryosong mukha ni Brixton na sabi sa akin. “Alam kong marami pa akong matutuklasan, kailangan ko lang mahanap ang mga taong makakapagbigay ng

