ANDREA Para siyang mabangis na lion na sinisibasib ang labi ko. Hindi ako nakahuma, nabigla rin ako sa ginawa niya. Nasaktan ako sa pagsalya niya. Bukod dun, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako tutugon sa ganitong approach. Mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko. He savagely kissed me. Halos madurog ang bibig ko, umalingawngaw sa utak ko ang galit na boses niya, kailangan ko siyang paligayahin, kailangan kong galingan ang serbisyo ko para bawi niya ang binayad sa akin. Pero paano ako tutugon? Para akong naistatuwa. Nangangapa ako sa isip kung paano gaganti ng halik, hindi ko maigalaw ang labi ko. Ngayon na lamang ako ulit nahalikan ng lalake, sa marahas pa na pamamaraan. Napakislot ako nang manga

