ANDREA “Tapos ka na naman di ba?” kapag kuway masamang tingin niyang tanong sa akin. Agad akong tumango ng sunod sunod, medyo nataranta ako. “Ililigpit ko lang ‘to—“ “Iwan mo na ‘yan,” napabitaw ako sa pinggan na gusto ko sanang dalhin sa lavabo. Brixton tsked. Sinulyapan ko siya. Napapailing siya, siguro tulad ko ay clueless din ito kung ano na naman ang rason kung bakit nagagalit si Akrim. “Umakyat ka na sa taas,” ramdam ko sa boses niya ang inis at matinding pagkairita. “Pinaandar na naman ang pagiging mainitin ng ulo,” ngising iling ni Brixton. Matalim siyang tiningnan ni Akrim. “Kung hindi mahalaga ang sadya mo, mas mabuti nga na umalis ka na muna baka masalo mo init ng ulo ko!” Walang gatol niyang sabi na may pagbabanta ang tono. Ninerbyos ako. Napalunok ako ng sun

