10 years later… Labing isa ang leletsonin bukas nang tanghale tatlo kay Mayor, dalawa kay Kapitan. “Yan po ang lista, ate. Pagsamahin na lang daw kay Mayor at Kapitan kasi iisang barangay lang naman sila.” “Paano naman naging labing isa eh lima lang lahat nabanggit mo?” tanong niya sa kapatid habang nagbibilang siya ng inventory sa tatlong botika niya. “Diba po sinabi ko na kahapon na ‘yong lima ay order ni aling Diday? kukunin daw po dito ng driver ng amo niya.” “Mali ka naman eh. Kahit magkakaiba ang may-ari kung ilang baboy ang leletsonin ‘yon pa rin ang dapat sasabihin mo. Alam mo naman sabay-sabay iniihaw ang mga ‘yan.” “Sorry po ate mahina po ako sa math.” Paliwanag ng bunso niyang kapatid. Dese sais anyos na si Liit at niregla na nga pero madalas niya pa rin itong pagsa

