Hindi pa nahimasmasan si Kendra nang kinalabog ni Lara ang pinto ng gate. “Lumabas ka diyan kung ayaw mong umabot tayo sa korte!” malakas na sigaw ni Lara sa labas. “Korte? anong pinagsasabi ng bruhang ‘yon, Kendra?” ang nag-aalalang tanong ni Dina. “Hindi ko rin alam, Dina. Gulong-gulo na ako!” umiiyak niyang tugon. Hanggang sa tinulak ni Lara si Kevin na siyang nagpapaalis sa mga ito. “Anak?!” sigaw ni Kendra nang matumba si Kevin dahil sa malakas na pagtulak ni Kendra. Nakatayo naman nang mabilis si Kevin at akmang susuntokin nito si Lara nang mabilis niya itong nayakap. “Huwag na huwag mong gagawin ‘yan, anak!” Galit na galit si Kevin kay Lara. “Ang tapang ng anak mo, ah? mana sa ‘yo, alam ba niya kung sino ang tatay niya sa dami ng lalakeng tumira sa ‘yo? alam ba niyan

