ANONG plano mo ngayon? Hinahaplos ni Dina ang likod ni Kendra habang wala itong humpay sa kakaiyak. Ang tatlo niyang anak ay umalis hihingi ng tulong sa mga barkada nila dahil sa pagbabanta ni Lara na babalik pa ito upang kunin ang lahat ng ari-arian nila. “Awang-awa ako sa mga bata, Dina. Ngunit hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil lahat ng sinabi ni Lara ay totoo. Aalis na lang kami dito sa Isabela at luluwas kami ng Maynila. Makikipagsapalaran muli sa buhay doon.” “Ano? eh paano itong mga pinaghirapan mo? itong mga negosyo mo? Kendra, saksi ako kung paano mo pinalago ang mga negosyo mo. Huwag mong hahayaan na manalo ang bruhang ‘yan.” “Wala akong karapatan ni singkong duling sa mga ito dahil kay Larry ang perang ginamit ko dito. Kaya ibibigay ko na lang lahat kay Lara para

