Hindi mapalagay si Kendra sa upuan kaya tumayo siya at lumapit sa pasamano at saka tinungtong ang kanyang kamay. Malalim siyang napabuntong hininga nang salubongin siya ng sariwang hangin. Dito talaga ang paborito niya dahil kahit tirik ang araw malakas naman ang hangin. Mas lalo na ngayong gabi malamig ang simoy at napakaganda pa ng view lalo na sa dagat na tanaw mula dito sa ikatlong palapag. Hanggang sa lumapit na nga si Larry at tumabi sa kanya. Dumistansya pa siya nang kaunti nang sumagi ang braso nito sa braso niya. “I’m sorry for what happened, Kendra. I deeply regret the outcome and take full responsibility for my behavior.” Tumingin siya kay Larry at ngumiti siya. “Wala kang dapat na ihingi ng sorry sa akin, Larry. Kung mayroon man dapat na mag-apology ako ‘yon at hindi ikaw

