SIGURO wala na akong hihilingin pa. Nasakin na ang lahat. Ang asawa ko at ang mga anak namin. I'm happy and contented with them. Habang nasa labas kami ni Krystal nakatingin kami sa dagat kung saan naliligo at nag tatampisaw sa tuwa ang mga asawa namin. Nakikipag laro sila mga anak namin. Tawang tawa kami habang pinag mamasdan sila. Wala silang damit lahat, naka boxer sila at terno pa talaga. "Sila na ang nag papasaya sakin araw-araw." Sabi ni Krystal. Tumango ako. "Indeed, pareho tayo ng mga naiisip Kryst, ang dami namin napag daan ng asawa ko pero heto parin kami masaya at walang problema." "Honestly akala ko noon wala ng saysay ang buhay ko. We experienced depression dahil sa pagkawala nila noon kaya matinding lungkot ang napag daanan natin noon Ana." Hinawakan niya ang kamay ko. "B

