To. Roewin Rago Arañas : Dito kami sa oregano street. Tapat ng bahay nila sheena, chat nalang ulit kita maya!
Send!
Huling chat ko kay win. Last day na ng praktis kaya puspusan na sila para malinis na yung bawat galaw. Nakakapagod! Ba't napa oo bako dito. Nagbigay lang ng 5minutes break then start ulit. Tumayo na silang lahat, ako naka upo pa. Grabe yung pagod ko! Baka comatose na labas ko neto! Sinigawan ako ng koryo namen kaya napatayo agad ako at napatakbo.
Nagbibilang ako sa isip ko. Sabi kase dapat daw magbilang padin kahit may tugtog na. Remix na love song lang yung sasayawin namin, sabi pa ng koryo para mas madali tandaan. Eh! Ang hirap padin naman!
Nahati kami sa dalawang grupo. Sampu lahat kaya sa isang grupo lima lahat kami. Nang matapos na kami sa bilang, sumigaw yung koryo namin do'n sa kasama niya na magpatugtog na.
Kasabay sa beat ng tugtog ay may biglang lumipad na salagubang! Sheeet!!!! Nagpanick agad yung buong sistema ko. Tumitindig lahat ng balahibo at nanlalamig ako.
"Shet! Patayin n'yo pls!" Sabi ko habang tumatakbo. tangina tinawanan lang ako ng mga hayop!
Lalo pakong nagimbal nang lumipad palapit sa'kin yung salagubang. Sigaw ako ng sigaw. Akala nila nagbibiro lang ako kaya pati yung koryo namin nagalit na.
Napaupo nalang ako sa simento, nginig na nginig yung katawan ko habang umiiyak ako. Nahihirapan nakong huminga kaya lumingon ako kila sheena. Bago pa sila makalapit naging itim na sila sa paningin ko!
***
Nagising ako na parang nalulunod. Hindi nanaman ako makahinga kaya napakapit ako sa dibdib ko.
Agad naman akong nilapitan ng naka puting lalaki at nilagyan ako ng oxygen sa ilong. Naiiyak nanaman ako, ang sakit sa dibdib. Feeling ko mamamatay nako!
Nang mabigyan ako ng hangin ay saka lang kumalma ang paghinga ko, akala ko talaga mamamatay nako. Saka lang ako tumingin sa paligid ko at nakita ko sila na nakapalibot sa'kin.
"Girl! Anong nangyare?" Tanong agad ni sheena
Nakatingin lang ako sa kanila. Diko pa talaga kayang magsalita feeling ko kase pag gumalaw ako biglang may lilipad nanaman na salagubang. Tumaas nanaman yung balahibo naisip ko lang yon. Tsk!
"Rheig, ayos kana ba?" Biglang singit ni miguel. Yung mukha niya sobrang alalang-alala.
Ba't nandito to? Nakatingin lang ako sa kanya. Na-awkwardan nadin siguro s'ya, halos lahat kami ay nakatingin lang kase sa kanya. Tapos, hindi pa ako sumagot.
"Ahm, napadaan kase ako kanina don sa pinag-papraktisan nyo, tapos nakita kong nagkakagulo kayo. Tapos nakita kita na nawalan ng malay. Kaya yun, nandito ko ngayon." Sabay ngiti niya ng alanganin.
Napalingon naman kaming lahat sa pinto, dahil sa sobrang lakas ng pagkakabukas nito. Agad lumapit si roewin sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Chelle, ano nangyare? Ok, kalang ba? May- may masakit paba sayo?"
Tumango lang ako at umiling lang din. Pumikit nalang ako para maramdaman nilang gustong kong magpahinga. Feeling ko pag hindi ko pa to tinulog matutuluyan na ako eh!
"Ah, win paki sabi nalang sa kanya ok lang kahit hindi s'ya maka-attend bukas sa program. Sabi kase ng doctor kanina baka na trauma s'ya, kase bigla s'yang nagka panick attack." Narinig kong sabi nung koryo namin bago ako hilahin ng antok.
Nag-iiscrol ako sa i.g wall ko nang marinig kong dahan-dahan na bumukas ang pinto. Pagka tingin ko si roewin na may dala-dalang mcdo. Bakit nandito to? Eh, ala-una na ng madaling araw! May bantay naman ako, ay parang wala pala kase si mama ayun! Tulog sa katabi kong kama. Konti lang kase ang naka confine dito sa ward kaya ok lang kahit gamitin yung ibang hospital bed, ng mga bantay sa pasyente.
"Baket?" Tanong ko sa kanya, habang nilalagay niya sa table yung dala-dala niya.
"Anong baket?"
"Baket ang gwapo mo kahit madaling araw na?"
"Hindi lang sa madaling araw, kundi minu-minuto" Sabay upo niya sa tabi ko at pisil sa pisngi ko.
Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya, nakita kong bigla s'yang naguluhan kaya hinawakan ko ang pisngi nya. Dinikit ko ang noo ko sa noo niya. Gamit ang kaliwa kong kamay idinausdos ko pababa sa dibdib niya sabay pisil sa utong niya.
Narinig kong napaungol s'ya kaya pinag igihan ko pa, napa pikit pa s'ya at naka kagat sa labi niya. Bigla kong nilapit yung bigbig ko sa tenga niya.
"It's a prank." I whispered.
Pigil na pigil yung tawa ko sa reaksyon niya, kase biglang may nurse na naground. Save by the bell ako don ah!
Pagka-alis na pagka-alis ng nurse ay humagalpak na ako ng natawa, yung mukha niya hindi na maipinta sa pula. Nakahawak pa ako sa tiyan ko at nawawalan na ng boses kakatawa. Grabe nakakatawa yung mukha nya!
Napatigil ako sa tawa ko nang iwan niya ako at umalis ng hindi ako nililingon. Tinawag ko s'ya pero natatawa padin talaga ko, kaya siguro hindi na s'ya nag-abalang lumingon pa. Buti nalang talaga una kong nakita yung nurse bago nya kami makita.
Araw na ng laro nila roewin, pero hindi padin nya ako kinakausap, hanggang ngayon natatawa padin ako pag naiisip ko yung nangyare sa ospital. Nagsend nalang ako ng googluck sa kanya, sinabi ko din na manonood ako.
"Nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ni sheena.
"Wala" Sagot ko, hindi nila pwedeng malaman yung nangyare sa ospital kung hindi lagot ako.
Sabi ni Sheena, ok naman daw yung performance nila kahit kulang ng isa. pero sayang padin daw yung pagod ko sa pagpapraktis. Sabi ko naman ayos lang yon basta ok yung preformance nila.
Third-game na nang maka nood kami ng laro. Grabe yung hiyawan, ang intense ng laban. Sikat kase yung nakalaban nila kaya andaming tao dito sa oval. Wala na kaming mapwestuhan kaya nakatayo lang kami malapit sa exit ng court.
Nakita kong lamang ang kalaban ng limang puntos kaya sobrang tense na ng team nya. Bawat driball nya ako yung kinakabahan eh. Last minute na at isa nalang ang lamang. Biglang naagaw yung bola. Shet!
Nakita kong sobrang nalungkot yung team nila. First game palang kase talo agad. Mabilis akong nag type ng chat nang mapansin kong hinawakan nya yung phone nya.
Mtchy Rheig Velarde : goodjob captain! Be my boyfriend?
Send!