"Hintayin nalang kita mamaya ah!" Sabay abot niya sa'kin ng bag ko bago umalis papuntang oval. Madalas na kase silang nagpapraktis ngayong week para sa inter basketball ng school. Malapit na palang magintrams. 1week nadin pala nung kinausap niya si mama about sa ligaw-ligaw nya. Parang tanga nga siya after non eh!
"Grabe! Nakaka kaba pala kausapin mama mo" reklamo niya habang nakahawak pa sa dib-dib niya.
Flashback.
"Ano ba kaseng eksena mo?"
"Bat paulit-ulit ka? Dimo ba narinig kanina?"
"Oo- i mean narinig ko, pero ba't mo nga kase sinabing manliligaw ka?"
"Tingin mo baket?"
Ayokong sumagot kaya kunyare busy ako maglakad. Ayoko mag assume. Bahala siya basta ako lang nakaka-alam na kinikilig ako.
End of flashback.
"Kamusta may jowa?" Tanong ni janna saken. Magkasabay kaming naglalakad papuntang science room.
"Gagi, diko pa jowa yon no!"
"Sus! Kelan mo balak gawing jowa?"
"Sa nextlife!" Seryoso kong sabi sa kanya. Para epektib.
"Gago! Pa checkup kana!"
Tinawanan ko lang siya. Bigla namang may sumabunot sa buhok ko at bumulaga nalang sa harap ko si sheena. Inirapan ko nga!
"Ang arte mo naman, di lang tayo nagusap ng isang linggo nagka jowa kana agad? Dika magte-thank you manlang?"
"Pak you!"
"Not accepted"
"Lol!" Tapos nilagapasan ko na siya.
"San kayo pupunta? Mga gaga walang pasok wala tayong pangalawang nanay!"
"Sus! Cutting ka lang dadamay mo pa kame!"
"La! Mamatay na manloloko! Wala nga kase!"
"Ba't parang may hugot?" Asar ni janina. Andito pa pala to. Wahahaha!
"Tara nood nalang tayo ng BASKETBALL!"
Ending naghilahan kaming tatlo papuntang oval. Kaso bigla akong nanghina kaya nanalo sila. Char! Nagpahila talaga ko. Haha!
Pagpasok namin ng oval nakita ko agad si Roewin na nagdi-driball. Hindi lang pala kami yung nanonood, may ilan-ilan ding mga babae. Di kalayuan sa inuupuan namin.
"Hala! Chelle! Papansin agad yung jowa mo oh!"
Pagtingin ko nakatingin nga sya saken tapos biglang nagdri-ball. Shems! 3pts tol! Tapos kinindatan ako then umarte siyang binuksan yung dibdib niya tas may kinuhang puso. Ano yon? Nag heart sign sya?! Hahaha! Ang lala! Ginaya ko nga din. Binuksan ko din kunyare yung dibdib ko tapos nag f**k you sign ako! Yung mga ka team niya tawa ng tawa. Tong dalawa kong katabi umiiyak na kakatawa! Mga abno!
"Ahaha, ano yon? Gago ka ang sweet na sana eh!"
"Oo nga! Wahahaha, pahiya tuloy boyfie mo" Iyak tawang sabi ni janina.
"Tang inumin nyo! Tara nanga!" Natatawa kong aya sa kanila. Tumayo nako para mauna na sa kanila. "Wala namang pogi dito eh!" Sabi ko pa habang naglalakad.
Lumingon ako nang ilang hakbang na wala pa sila sa tabi ko. Paglingon ko nakita ko si roewin na nagja-jog palapit saken. Yung dalawa? Ayun kinikilig sa gilid. Ang haharot!
"San ka pupunta? Kakaupo mo palang ah!" Tanong niya habang nagpupunas ng pawis.
"Canteen, gutom nako" Sagot ko habang inexplore yung mukha nyang pawis. Pogi ni loko eh!
"Upo ka nalang don, ako nalang bibili" tapos may tinawag syang lalaki na naka uniform. Lumapit naman yung lalaki.
Akala ko kung anong sasabihin nya dun sa lalaki yun pala uutusan nya lang. Wow! May utusan si loko! Kinurot ko nga!
"Aray! Bat nangungurot ka?!"
"Akala ko ikaw bibili? Ba't mo inutusan yun si kuya?"
"Bat concern ka don? Hindi mo panga ako sinasagot nanlala-laki kana agad?"
"Dahan-dahan sa pagbibintang baka totohonanin ko bigla!"
"Tss." Tapos naka pamewang na naglakad palabas ng oval. Napasunod tuloy ako.
Nakasunod lang ako sa kanya, kaya nakita kong lumapit s'ya don sa lalaking inutusan niya kanina. Na ngayon ay nasa counter na ng canteen. Nakita ko ding kumakamot na umalis yung lalaki. Ano kaya yon! Problema ba niya?! May sira na yata tong lalaking to eh!
"Mich, praktis mamaya 'huh" biglang sulpot naman netong baklitang to.
"Ano ba! Ba't ba nanggugulat ka!?"
"Ay! Namatay? Namatay? Ambisyosang to!" Palatak naman nya agad.
"Ah! Ganun!?" Kinutusan ko nga! Kutos na galing impyerno!
"Aray! Ang bigat talaga ng kamay mo!" Napalingon kami ng sabay nang may tumawag sa kanyang babae. Nice may chicks!
"Alis nako, basta mamaya ah! Basta chat nalang us"
Hindi ko alam pa'nu ko ba sila naging kaibigan. Charr! Magkakasama kase kami dati sa club nung 1st year. Kami ni sheena yung huling sumali, ewan ko nga din ano trip namin non. Drama club pa sila that time. Ewan ko bakit sila nagshift sa sing&dance club.
Nakatulala lang ako nang may maramdaman akong malamig sa braso ko. Nagulat pako kaya napa amba pako sa hangin.
"Grabe, binilan pala kita para sapakin lang ako!"
"Ba't kase nanggugulat ka!?" Sumimangot lang s'ya at inabot na sa'kin yung oversize dark chocolate na milktea tapos dalawang fline sawser na egg&tuna spread.
Grabe! Iba rin!
"Hindi pa tapos praktis n'yo diba? Ba't nakalabas kana agad?"
"Diba, sabi mo gusto mong kumain?"
So, kasalanan ko pala. Nakagat ko tuloy yung pang ibabang labi ko! Shet! Kinikilig ako! ito palang nga eh! Napaiwas ako ng tingin. Oo crush ko to dati pa. Pero, girl!! Geeze! Aatakihin nako sa kaba, hooy!
"Sa- salamat pala dito" Tapos nauna nakong naglakad. Hindi ako makahinga eh! Baka mapansin pako, isipin n'ya pa patay na patay ako sa kan'ya.
Bumalik na kami sa oval. Sinamahan niya muna akong makalapit kila sheena bago s'ya nag jog papunta sa team niya. Grabe, bakit biglang nagbago lahat! Alam ko crush ko s'ya at siguro alam niya yon, pero, pero ba't niya ko niligawan? Tsk. Pag nalaman kong nakipag pustahan lang s'ya, lagot talaga s'ya saken kasama na lahi niya!
"Wow, princessa!" Asar ni sheena saken.
"Inggit much?" Sagot ko sabay irap.
Tinawanan lang kami ni janina. Isa pa tong may sayad. Nang matapos maglaro sila roewin ay hinatid niya muna ko sa bahay, mamaya pa naman praktis eh!
Kaka-baba lang namin ng tricylce nang may tumawag kay roewin.
"Tol! Sa'n punta mo?"
"Kuya? Anong ginagawa mo dito?" Tapos naalala nya palang kasama nya ko. "Si michelle, chelle kuya ko si kuya arvii." Pakilala nya sa'min sa isa't-isa. Ngumiti lang ako, ganun din naman yung kuya nya.
"Bago mo? Akala ko-"
"Sige ya, hatid ko muna to. Tara chelle" Biglang putol ni roewin sa sasabihin ng kuya nya. Sabay ngumiti yung kuya nya ng nakakaloko! Ang fishy ah!