CHAPTER #3.

1035 Words
"Diba sabi ko mauna kana?!" Asik ko sa lalaking nasa harap ko. "At nagreplay ako na hihintayin kita dito!" Sabay ngiti niya. Kaasar! Ang aga-aga masyadong pa-fall. Inirapan ko nga! Nauuna kong maglakad sa kanya. Ayoko siyang tingnan! Kase kinikilig ako. Ano bayan! Para kong gago. =,= "Hooy! Putulin koyang kamay mo! Makaakbay ka feeling close?" Sigaw kong sabi sa kanya. Pano ang bigat kaya ng kamay! At ang bango din? Haay! Gulay! Wala, crush ko nanaman to! "Grabe, bat ba ang sungit mo? may dalaw ka?" Sabi niyang napaliyad bigla. Sayang! Hindi ko nasapak. "Wala akong dalaw! Bat ba ang bastos mo?!" Hindi ko alam ba't kami naglalakad! My dumadaan namang tricyle. "Ah! Edi, pwede pala ko pumunta mamaya." Out of the blue niyang sabi. "At baket? Wala kaming pagkain para sa bwisita!" Mataray ko sagot. "Ikaw nanga pupuntaha arte mo pa!" Sabi niya sabay sakay ng tricyle. Tamo to! Hindi manlang ako niyaya. Bwisit talaga! Pag ako nalate, sasakalin ko talaga siya mamaya! Sumakay nalang din ako sa sumunod na trycycle. Ayoko ngang malate! Ayokong mag face the wall no! Nakakahiya baka may makakita saken na crush ko pagtawanan pako. "Hi kuya!" Bati ko don sa guard na nagbabantay ng gate. Friendly ako eh! Syempre dapat close mo yung mga guard kung gusto mong makalabas pag mag ka-cut ka ng class. Char langs! Never pakong nagcut noh! Tinanguan lang ako ni kuyang guard kaya nagpatuloy nako sa paglalakad. San kaya si sheena?!maniningil ako ng utang! "Hooy! Chelleee!!" Tawag ni baklang bertud! Nakita ko silang nag-uumupukan sa gilid ng science room. Ano nanaman kayang kagaguhan netong mga to! "Bilis! Feeling model te?" Sigaw naman ni clara. "Nasan si sheena?" Tanong ko ng makalapit sa kanila. "Hindi papasok nagtatae!" Sagot ni janina. "Huh? Kachat ko lang kanina yon ah! Seryoso?" Nakataas kilay kong tanong sa kanila. "Gaga, syempre charot-charot lang ang slow ah!" Sagot naman ni justine ang baklang birtud. "Ewan ko sa inyo! Una nako" Aalis na sana ko nang magsalita si janina. " Girl, Magpeperform tayo sa intrams ah!" "Ano? Ano nanaman kagaguhan to? Bakit naisipan nyong sumali?" "Nakakamis din kase sumayaw eh!" "Ah! Sige, kelan ba praktis naten?" "Baka bukas na, next month na kase yung intrams diba?" "Ok." Huling sabi ko nang makita ko si sheena. Tinalikuran ko na agad sila. Kating-kati nakong tuktukan tong si sheena eh! Lalapit palang sana ko nang bigla siyang umiwas saken, nakita ko siyang pumasok sa c.r kaya sinundan ko nalang sya. Problema non? "Hoy, bruha! Buksan mo to! Problema mo?" Sigaw ko sa naka saradong pinto ng cubicle dito sa c.r . Ayaw niyang lumabas kaya hinintay kong isipin nya na lumabas nako. Para tuloy akong tanga dito, kada may papasok kunyare nagsasalamin at nagaayos nalang ako. Antagal kase lumabas! Baka nga nagtatae tong si sheena! At after 77hours! Lumabas nadin ang reyna ng cubicle. Hala! Bat maga yung mata? Baka naiyak sa pagtatae. Nagulat pa siya ng makita niya kong nakatayo sa gilid ng pinto palabas ng c.r . "Uy! Baket? Masaket tiyan mo?" Malambing kong tanong. Kaso ang gaga, sinamaan ako ng tingin. "Tadyakan kaya kita diyan, gusto mo?" "Hala! I'm the only one who concern here, tapos tatarayan moko! Diyan kana nga!" Iniwan ko nga siya don sa c.r. late na tuloy ako. Baket ba walang kwenta mga tao ngayon kausap. Sayang lang laway ko eh! Discuss! Discuss lang yung first and 2nd teacher namin kaya ansakit nanaman ng kamay ko kaka sulat ng sinasabi nila. Hindi kami naguusap ni sheena kahit magkatabi kami. Bahala siya diyan ang arte-arte niya! Magisa lang tuloy akong pumunta sa canteen nang magrecess na. Tahimik lang akong kumakain dito sa gilid ng pathway. Ayoko sa canteen nandun Si sheena baka masakal ko lang siya. Bumili ako ng fline sawser tuna tsaka winter melon milktea. Sumisipsip ako sa milktea ko habang ka chat ko kiel. Nanghihingi ng label. Nagsend nga ko ng barcode. Hahaha! Parang timang. Naglalandian na nga kami through chat gusto pa may label! Tch! ayoko nga! Ang hirap kayang mag moveon. Nagbabye muna ako kay kiel bago maglogout, baka sabihin pinaasa ko nanaman siya. Pabalik nako ng room nang magkita kami ni sheena sa hallway. Ang bruha nagmadaling maglakad makaiwas lang! Parang timang! Madapa sana siya! Nakasimangot ako nang may maramdaman akong umakbay sa'kin. "Kamay mo, bigwasan kita diyan!" Singhal ko kay miguel. "Luh! Bat nakasimangot ka? Ang panget mo pala!" Sabay tawa niya. May salatoyo ba tong isang to? Bat ako kinakausap neto ngayon? At bakit ako pinapaligiran ng mga may salatoyo? Hays! Tinanggal ko nalang yung kamay niya saka pinilipit at binalibag pabalik sa kanya. "Aray! Ang grabe naman neto!" Iniwan ko na siyang nagrereklamo don! Ba't ba ang panget ng araw ko ngayon! Naupo nalang ako sa malapit sa pinto. Makikipagpalit ako kay rassel, isa sa kaklase kong hindi ko kaclose. Ayokong makatabi si sheena eh! Kung naiwas siya edi ako din! Duh! Class! We have a long quiz tomorrow, review the lesson in page 21 to 25 in your books. By the way! Mrs. Lala is on leave today! You can all go home. Sabi ni ma'am ariesa domingo. Grabe ang ganda na ang seksi pa, at ang talino pa ni ma'am. Halos lahat kami nakatulala lang sa kanya palagi pag siya na yung nagtuturo eh! At dahil nga malapit ako sa pinto, nakalabas agad ako pagtalikod palang ni ms. Ariesa. grabe naiiwan yung amoy niya sa paligid. Shems! Pagkabayad ko kay manong agad nakong bumaba. Hindi naman malayo yung bahay namin mula sa binabaan ko kaya nagbagal muna ko ng lakad. May payong naman ako eh! "Oh! Michelle bat ngayon ka lang?" Tanong ni ate amy. "Baket po?" Pipilosophin ko sana kaso wala ako sa mood. "May lalaki kaseng naghihintay don sayo, ayon nga at kausap ang mama mo." Hala?! Sino nanaman yon! Nagpaalam nako kay ate amy at saka binilisan ang paglalakad. Dire-diretso akong pumunta sa sala at hinarap tong ponsho pilay nato. Nang mapagsino ko ang lalaking kaharap ni mama, agad ko itong nilakihan ng mata. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi kong kunyare na nakangiti. Baka mahalata ako ni mama lintik na! "Nanliligaw" kaswal na pagkakasabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD