Debt Payment Chapter 9

2554 Words
##### Chapter 9 Weird Feelings *****Control Room***** Nagulat ang mga security guards at staffs nang pumasok si Faye sa control room ng hotel. She signaled them to come out, and they immediately followed her. Umupo s'ya sa harapan ng maraming tv screen na nakapalibot. Ang bawat isa ay may anggulo ng bawat CCTV ng buong hotel. Hinanap n'ya ang mismong pwesto kung nasaan sina Yoko at Mikael habang hawak n'ya pa rin ang dibdib dahil sa malakas na pagtibok nito. Hindi pa rin kasi humuhupa simula nang magkasabay sila ni Yoko sa washroom. Nang makita na n'ya ang pwesto ng dalawa ay hindi pa s'ya nakuntento. Nag-zoom in s'ya para makita sila nang malapitan. Kitang-kita n'ya ang pagtawa ni Yho sa harapan ni Mikael, tinutulungan pa s'ya nitong hiwain ang steak na in-order nila. Dahil dito ay bigla s'yang na-badtrip. Hindi n'ya maintindihan kung bakit. " Tsk! If you only knew his plan, the reason why he wanted to be close to you? Magsisisi ka. He takes your trust for his evil plans, uto-uto, " bulong n'ya sa sarili habang nanghahaba ang nguso. Lalo lang nag-init ang ulo ni Faye nang makita n'ya ang ginawa ni Mikael. Hinawi kasi nito ang buhok ni Yho na tumatabing sa mukha n'ya. Nakita pa n'yang marahan nitong hinaplos ang pisngi nito. " Bwisit! Why I'm so annoyed like this? " nagbuntonghininga s'ya nang malalim, pagkatapos ay kinuha ang cellphone n'ya. " Hello Lux, pumunta ka sa office ko, right now. I have something for you to do. " " Yes, Gov., " tugon ni Lux mula sa kabilang linya, pagkatapos ay lumabas na si Faye sa control room at nagpunta na sa pribadong office n'ya. *********** *****Faye's Office***** Iniutos ni Faye kay Lux na ipa-background check si Yoko. Gusto n'ya kasing malaman ang lahat-lahat tungkol dito. Hindi n'ya rin maintindihan ang sarili n'ya kung bakit ba n'ya ito ginagawa at kung para saan ba. Hinihintay na lang n'ya ang result. Ngayon kasi ang usapan nila ni Lux na matatapos na nito ang pinagagawa n'ya. Katok sa pinto ang nagpabalik sa malalim na pag-iisip ni Faye sa kawalan. Bumukas ang pinto, pumasok si Lux na may dalang brown envelope at inabot sa kanya.. " Ito na ba 'yon? " " Yes. " Seryosong binasa ni Faye ang lahat ng nakasulat dito. " Sigurado ka ba d'yan sa gagawin mo? Ano ba ang dahilan mo? Para saan ang lahat ng ito? " " Pwede ba Lux, bakit ka ba nakikiilam. Malaki naman ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagligtas n'ya sa buhay ni Becca. " " Pero hindi naman ikaw 'yan eh. Be honest with me Faye, are you interested in that doctor? Do you like her? " nakakunot ang noo na tanong ni Lux sa kanya. Alam n'yang seryoso ito dahil minsan lang s'ya tawagin ni Lux sa pangalan n'ya kapag nagseseryoso lang ito. " Ano ba namang klaseng tanong 'yan Lux, hindi ako katulad n'yo, okay! Gusto ko lang s'yang tulungan dahil sa pagligtas n'ya sa buhay ni Becca. " " Alam mo kasi ang hirap mong paniwalaan, you're Faye Malisorn. Your heart is like a stone, you won't just help if you're not interested in something or you don't like it. " " Isipin mo na lang Lux, nasasakupan ko s'ya. Nandito s'ya sa distrito ko. Masama bang tulungan ko s'ya. Isa pa, hindi naman n'ya alam ang nakaabang na panganib para sa buhay n'ya. Ayaw ko s'yang mapahamak, lalo na ngayong inuumpisahan na ng Mikael na 'yon ang plano n'ya para kay Doktora Apasra. Parang hindi ko yata kakayanin na makita s'yang nagdurusa, napaka-inosente ng mukha n'ya. Mabuti rin s'yang tao, nararamdaman ko 'yon kahit hindi pa kami gan'on magkakilala, " mahabang paliwanag ni Faye, samantalang si Lux naman nakatulala at nakatingin lang sa kanya. " Meaning, gusto mo nga talaga s'ya. Na-love at first sight ka ba sa doktora na 'yon? Sa mga pinagsasabi mo, daig mo pa ang in-love eh. " " Lux, pwede ba! Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, tumahimik ka! " " Oo na, hindi ka na in-love, hindi ka gagastos ng 70 million para lang tulungan ang isang tao na ngayon mo lang ginawa sa buong buhay mo kasi hindi ka in-love, " patawa-tawang pang-aasar ni Lux. Si Faye naman ay tumahimik na lang habang nakasimangot. " Gawin mo na nga lang ang pinagagawa ko sa 'yong contract Lux, umalis ka na. " " Oo na, ito na gagawin na, " sagot ni Lux na hindi mawala ang ngiti sa labi, pagkatapos ay umalis na rin ito. Papasok naman sa office ni Faye sila Becca, Marissa at Ize. Nakasalubong pa nila ang papalabas na si Lux, bumati lang sila rito at dumiretso na sa loob ng office. " Hi, Ate, " bati ni Becca. Ngumiti naman si Faye bilang ganti. " Kamusta ang lakad n'yo? " tanong ni Faye sa kanilang tatlo. " Okay naman, wala namang naging problema sa farm. Lahat ng mga trabahador natin ay napasahod na rin namin. Tinatanong lang nila kung kailan ka ba daw dadalaw para naman makasama at makita ka nila, " sabi ni Ize. " Sabi namin masyado ka pang busy ngayon, saka ka na siguro makakapunta ng farm kapag bakante na ang schedule mo, " sabi naman ni Marissa. Hindi napansin ni Faye na nakalapit na pala si Becca sa tapat ng table n'ya, seryoso n'yang pinagmamasdan ang larawan na nakapatong dito. " Ate, hindi ba s'ya 'yong doktora na nagligtas sa buhay ko? " Dahil sa sinabi ni Becca, bigla s'yang napaayos ng upo. " Ah- eh oo, s-s'ya nga. " " Bakit? May problema ba? " Malalim na napabuntonghininga muna si Faye bago nagsalita at ipinaliwanag sa kanila ang plano n'ya para sa doktora. " S-sigurado ka ba d'yan sa gagawin mo? Baka isumpa ka naman n'ya, Ate. " " Bahala na s'ya kung ano ang gusto n'yang isipin, basta ako gusto ko lang iligtas ang buhay n'ya sa kamay ng Mikael na 'yon. " " It looks like you're really serious about what you're going to do. There's nothing we can do about that, what we can do now is to give our full support. Basta huwag ka lang masyadong lalabis sa kanya, " anas ni Ize, habang naka-back hug kay Marissa kaya naman hindi mapigilan ni Faye ang pagmasadan at simangutan sila. " Kung wala na kayong kailangan sa 'kin, pwede bang umalis na kayo, naaalibadbaran na kasi ako, " turan ni Faye habang nakasimangot. " Oo na aalis na kami, mag-love life ka na kasi pinsan para hindi ka na naiinggit at kami ni Marissa ang lagi mong pinag-iinitan, " tugon na tawa ni Ize, pagkatapos ay nagpaalam na rin silang tatlo. Humalik muna si Becca sa pisngi n'ya bago ito umalis. " Bye Ate, I love you, " sigaw pa ni Becca, sabay flying kiss bago tuluyang lumabas sa office n'ya. Nang tahimik na ang paligid, muli n'yang tinitigan ang larawan ni Doktora Yoko Apasra sa ibabaw ng table n'ya. Hindi n'ya maintindihan ang sarili pero parang may sariling buhay ang mga labi n'ya na kusa na lang napapangiti sa tuwing nakatitig s'ya sa larawan nito. Dahil dito, nagulat s'ya at sinampal-sampal ang pisngi n'ya nang mahina para matauhan at magising sa katotohanan. *Fast Forward* *****Yoko's House***** " Ito na ba 'yong bahay nila? " tanong ni Faye kay Lux. Nasa tapat sila ng bahay ni Yoko. Nasa loob lang sila ng kotse habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. " Nandyan ba ang Daddy n'ya ngayon? " " Yes Gov. uuwi s'ya ngayon. Ilang araw ko na s'yang minamanmanan kaya alam ko na ngayon ang uwi n'ya. " " Eh, si Yoko. " " Nand'yan sa loob ang cute na doktora, day-off n'ya ngayon. Kasama n'ya ang best friend n'yang si Freen, " sagot ni Lux, pero sinamaan n'ya lang ng tingin. " Hintayin na muna natin na makauwi ang Daddy n'ya bago tayo pumasok sa loob. " " Okay, sabi mo eh, you're my boss. " ***Samantala, sa loob ng bahay*** " Freen, papahid naman ng sunblock sa likod ko, " sweet voice na pakiusap ni Yoko kay Freen. Nasa likod sila ng bahay, may swimming pool kasi rito at naisipan nila na mag-swimming dahil sa init na rin ng panahon. Naka-two piece swimsuit si Yoko na light pink, lalo lamang lumabas ang kaputian n'ya dahil dito. Samantalang si Freen naman ay naka-bathing suit na kulay itim. Para silang mga bata, nagbabasaan sila at naglalaro sa tubig. Ganito ang hilig nila tuwing walang pasok, ninanamnam lang nila ang pahinga. Walang stress, walang pasyente, 'yong hindi sila magra-rounds sa hospital. Hindi sila natataranta at sumasakit ang ulo dahil sa trabaho nila. Nang mapagod ay nahiga na si Yoko, sinuot n'ya ang sunglasses, dinadama ang init ng araw sa katawan. Si Freen naman ay nagsuot na ng bathrobe, kukuha kasi s'ya ng pagkain sa kusina. Sa labas naman ay nakita nina Faye at Lux ang paghinto ng isang taxi sa tapat ng bahay nila Yoko. Bumaba ang isang matandang lalaki, alam nila na ito na ang Daddy ni Yoko, dahil sa hawak nilang larawan at nakita na n'ya ito sa Casino Mondragon habang nagmamakaawa. " Let's go, Lux, " sabi ni Faye, tumango naman ito bilang sagot. Papasok pa lang sa loob si Mr. Gilbert, ang Daddy ni Yoko nang harangin s'ya ni Lux. " S-sino ka? Wala pa akong pambayad ng utang. N-naghahanap pa ako, " natatarantang sabi nito. " Tsk! Sa dami ng mga pinagkakautangan mo, hindi mo na kilala kung kanino ka ba may atraso, " sabi ni Faye na naka-cross arms habang nakasandal sa gilid ng gate papasok ng bahay nila. " M-ms. Faye ... Gov. ikaw ba 'yan? " Nagbuntonghininga lang s'ya dahil sa reaksyon nito, pagkatapos ay nauna pa s'yang pumasok sa loob kaysa kay Mr. Gilbert. " Ms. Faye !" sigaw na awat ni Mr. Gilbert sa kanya. " A-ano ang kailangan mo, bakit ka nandito sa bahay ko? " Hindi s'ya pinansin ni Faye. Nilibot n'ya ang paningin sa loob ng sala nila, the whole area is clean and comfortable. May mga picture din na nakasabit sa dingding, isang family picture at puro solo picture ni Yoko simula ng bata pa ito hanggang ngayong kasalukuyan. Faye came closer to look at the picture, and suddenly her heart beats faster again. Marahan pa n'ya itong tinapik-tapik dahil akala n'ya ay mapipigilin nito ngunit lalo lamang itong lumakas. " Okay ka lang ba? " tanong ni Lux na nagtataka dahil napansin nito ang ginagawa n'ya. " O-okay lang ako, " patay malisyang sagot n'ya. Pagkatapos ay naghithit buga ng hangin. " Ms. Faye, " sabi ulit ni Mr. Gilbert, pagkatapos ay lumapit ito sa kanila. " I found out that you are in debt, Mr. Gilbert. Hindi lang basta utang, napakalaking utang, " sabi ni Faye na seryoso. " Nandito ako para tulungan ka, " dugtong pa na sabi ni Faye. " Ms. Faye, t-totoo ba 'yang sinasabi mo? Bakit? " " Mukha ba akong nagbibiro? " " P-pero, bakit? " Naglakad si Faye, pagkatapos ay naupo sa puting sofa nila. " Hindi ako natulong nang walang kapalit, Mr. Gilbert. " " K-kapalit? At ano naman ang kapalit nito? " Hindi s'ya sinagot ni Faye, tumayo lang s'ya at lumakad papalapit sa larawan ni Yoko na naka-display. Tinuro n'ya ito bilang sagot. " Si Yoko? H-hindi kita maintindihan Ms. Faye, ano ang ibig mong sabihin? Anong kinalaman ng anak ko rito? " " I will pay all your debt to Mikael Mondragon, ngunit ang kapalit nito ay ang kaisa-isang mong anak. " " G-gagawin mo bang pambayad ng utang ko ay ang anak ko? " " Hindi ka naman siguro tanga, para hindi maintindihan ang gusto kong sabihin, Mr. Gilbert. " " P-pero- " " I don't like words like that, I want a straight answer. Isipin mo na para rin ito sa anak mo kaysa mapahamak s'ya sa kamay ng Mikael na 'yon. Mag-isip ka nga, tingin mo ano bang gusto ng Mikael na 'yon sa anak mo. Alam mo ang ibig kong sabihin, hindi ba? Ngayon, mamili ka sa 'kin s'ya mapupunta o sa Mikael na 'yon? " " Ano ba ang akala n'yo sa anak ko, laruan. Pareho lang kayo ni Mikael! Bakit n'yo ba hinihinging kapalit bilang pambayad ng utang ko ang anak ko. " " Huwag mo akong sigawan Mr. Gilbert, bakit mayro'n ka bang pambayad ng utang mo? Iniisip mo ba ang kapakanan ng anak mo no'ng mga panahon na nagpapakasaya ka sa pagsusugal at sa babae? Inisip mo ba na ang lahat ng kabayaran ng kawalanghiyaan mo ay ang anak mo? " dahil sa sinabi ni Faye ay napayuko bigla si Mr. Gilbert. " Lasinggero ka, sugalero, babaero. Gumagamit ka ng ipinagbabawal na gamot. May magandang maidudulot ba 'yan para sa anak mo? Magpasalamat ka pa nga at tutulungan kita. Ano ang gusto mo si Mikael Mondragon pa ang magpumilit na si Yoko ang hinging kapalit para lang sa napakalaki mong utang! " " Ms. Faye...." nanghihinang sagot ni Mr. Gilbert, napayuko ito at nagsimulang tumulo ang luha. " Minsan lang ako magkaroon ng pakielam sa tao. Ayaw kong mapahamak ang anak mo sa kamay ng Mikael na yo'n, masama s'yang tao. " Maski si Lux ay natahimik na lang din habang pinagmamasdan si Faye. Sa buong buhay n'ya, ngayon lamang n'ya nakita ang ganitong side ni Faye. Labis-labis ang pag-aalala nito sa taong kailan n'ya lang naman nakilala. " M-maipapangako mo ba na aalagaan mo ang anak ko? Alam kong hindi ako naging mabuting ama para sa kanya, pero mahal ko si Yoko. Mahal na mahal at ayaw kong mapahamak s'ya nang dahil sa 'kin. " " 'Yon naman pala eh, ayaw mo s'yang mapahamak. Pumayag ka na sa gusto kong mangyari. Ganito na lang, isang daang milyon kapalit ay si Yoko, siguro naman papayag ka na. " " Isang daang milyon? " ulit ni Mr. Gilbert na nanlalaki ang mga mata. " Hindi lang si Mikael ang mababayaran mo, pati na rin ang iba mo pang mga utang na ang anak mo na mismo ang sumasagot. Hindi ka matagpuan kung saan ka nagtatago, kaya si Yoko ang ginugulo nila. " " Ms. Faye. " " Take it or leave it? " " P-pero tama ba ang gagawin ko? " " Isa. " Bigla na lamang nagbilang si Faye, ayaw na kasi n'ya na pahabain pa ang usapan nila. " Dalawa! " Natataranta na si Mr. Gilbert, hindi n'ya alam ang magiging desisyon n'ya. Alam n'ya naman kasi na hindi pababayaan ni Faye ang anak n'yang si Yoko. Makakabayad pa s'ya sa mga utang n'ya. " Tat- " " Sige! Papayag na ako Ms. Faye, basta ipangako mo na aalagaan at iingatan mo ang anak ko, " malakas na sigaw ni Mr. Gilbert, nakaluhod na ito sa harapan n'ya at umiiyak. " Tsk! Papayag ka rin naman pala, ang dami-dami mo pang sinasabi, " inis na sabi ni Faye. " Lux, papirmahin mo ng kontrata si Mr. Gilbert. Ipaliwanag mo na rin kung ano ang mga nakasulat sa loob, pupuntahan ko lang si Yoko." " Yes, Gov. Ako na ang bahala dito. " Hindi na nilingon ni Faye ang dalawa, dumiretso na s'ya sa loob upang hanapin si Yoko. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD